15

140 6 0
                                    

"Sa tingin ko ay malapit sayo si Brent, so, youre worth telling his tale."

I frowned dahil hindi ko maintindihan ang gustong iparating ni Leon Coyle sa akin.

"Dont worry, haha. I'm not planning anything shady. May gusto lang talaga akong sabihin sayo." Sincere na sabi nya.

Bumuntong hininga ako. Isang Dark Caste ulit ang kausap ko. Sya ay kilala na mabait at pagna-displease ay pinapa alis ang sinumang gumawa nun sa kanya. Kaya, aayon na lang ako sa gusto nya, ngayon lang naman. "Sige. San tayo pupunta?"

"A certain room." ngiti nya.

--

"Ano ang kwartong to??" tanong ko habang nililibot ang tingin sa kwarto. Marangya, mayaman at mamahalin ang mga gamit. Hindi kalakihan pero hindi maliit. Medyo mahina ang pasok ng araw at madaming gamit na natatakpan ng mga puting tela.

"Just a room."ngiti nya at umupo sa isang upuan. Inalis nya ang tela sa ibabaw ng meda at tumambad ang isang chess board, na naka set up ang white pieces.

"Yan ang dahilan kaya mo ko dinala dito? Brent likes chess?"

"Hindi .haha," tawa nya at napansin ko na parang panghari ang upo nya, habang nakapokus sya sa board."I'll tell you a secret, promise not to tell anyone?"

"Wala din lang maniniwala kapag sinabi ko na kinausap ako ni Leon Coyle."

He laughed out loud. Di ko alam, pero baka nakakatawa ang sinabi ko.

"That might be right."

"ahaha..?"

"Anyway, back to business." Ngiti nya at niyaya akong maupo sa harap nya. I did." look, look."

I did. Tumingin ako sa chess board.

"This is Brent." sabi nya at tinuro ang king."This is main, Mcloi, Chloe, Shallaine, Then Jigger and Gray. Ignore the pawns."

Ah.. hindi nga pala ako kasali. Kasi slave lang ako. Andun ako sa pawns. Anyway, di ko pa din magets ang point nya.

"Bakit mo pinapakita sakin to?"

He just answered me with a smile. "You see, the white king have a brother."

Brother?. . . Ang alam ko ay ulila na sa pamilya si Brent. It was said na sa orphanage sya lumaki bago tuliyang umalis dun dahil sa Genius daw ito. Since then he started a business, and now, he's one of the most successful business man ever. Hindi ako naniniwala sa kwentong yun pero mas hindi ako naniniwala na may kapatid pa sya.

"White king's brother is the Black King." Tuloy nya at nilabas ang black piece ng king.". . . as you can see, theyre at war."

I frowned and slowly nodded, nakafocus sa board.

"Black king have chess pieces at well, but at the moment, theyre infiltrating in White king's army." Pinunasan nya ang ibabaw ng ibang white pieces at naalis ang parang white ink sa mga ito, showing their true color. "White king knows that,.but he dont care, . . Cause he'll definitely win. Not against the black king, But against. . . that old man."

"Old man?" ulit ko, at tumingin ako sa malamlam nyang mukha. He slowly nodded. Napakunut noo ulit ako."Ikaw ba ang kapatid nya?"

"Eh?" he gave me a quizzical look, pero parang kuminang yung mata nya."San mo nakuha ang idea mo na yan?"

"Dahil parang kilala mo ang 'old man' sa kwento." sabi ko."Kung dinala mo ko para may malaman kay Brent, . . di ba ang weird? Kung kaklase mo lang sya, ang weird na alam mo yung 'old man' something at ang weird din na gagamit ka ng chess pieces para magkwento. At sa pagsasalita mo, Parang. . . close kayo. Besides, ikaw lang ang wala sa pieces na Dark Caste. "

"Hindi lang ako ah." nagkamot sya ng ulo." pati ikaw."

"what? hindi ako dark caste."

"Dark caste ka na. " saad nya, in a matter-of-fact-way. "Since Brent kissed you,.youre automatically, " pinulot nya ang white queen,"His queen. That makes you a dark caste."

Napamulagat ako sa sinabi nya. Hindi sa dark caste part ako. kundi dun sa ako ang queen ni Brent."Pano mo nalaman yun?!"

He smiled pleasingly."I have sources,.haha. "

"W-what--"

"putting that aside, tama ka. " mas lumapad ang ngiti nya."I am.his brother. "

. . ."tama nga ako. Pero, pwede bang magtanong?"

"Go ahead, "

"Bakit walang may alam na magkapatid kayo?"

"ah.haha." nagfocus ulit sya sa chess board."We didnt grow up together. I was 6 when our parents was murdered, he was 5. Binato kami ni Lolo sa orphanage. We spent 2 years together but eventually seperated dahil iniwan ko sya. Until I saw him here, and he's name is Brent Dale."

". . . Bakit mo sya iniwan?"

"Revenge." sabi nya."I want to meet the murderers who killed my parents. napunta ako dito dahil napag alaman ko na may kinalaman si lolo. He accepted me, even my challenge. Coz he probably think na i'm not gonna be able to reach.my goal."

Napafrown ako. Ang komplikado ng buhay nila." Bakit mo sinasabi saken to?"

"Why? nasagot ko na yan." binalik nya ang queen sa tabi ng king," he made you his queen. You must know. Believe me, kakailanganin mo to sa hinaharap."

"About that, Hindi kami ni Brent at hindi nya ko queen o kung anuman yun." paglilinaw ko."i'm his slave slash toy, he's my master."

"haha."tawa nya."What a lucky slave you are, So priveleged na hinalikan ka pa ng master mo."

-_-' magkapatid nga sila."uhrm, yun lang ba. ang sasabihin mo?"

"for now, . . yeah. "

"aalis na ako--"

"Ah, wait! may ipapakita ako sayo."

Hai. Pinaharap nya ako sa dingding na puno ng mga telang puti at lumapit sya doon, hinila nya ang isang tela at tumambad sa akin ang isang malaking painting. Two little boys riding two phonies. I frowned and read the names below. "Leon Coyle. Ion Coyle. . .? sino sya?"

"That's him." ngiti nya." Look at his face. that snob irritates me sometimes.

"Bakit mo pinakita to?"

"Proof lang."

"That is him, but thats not Brent Dale."

"Ano?"

"That's Ion Coyle." sabi ko at hinarao sya."Brent is Brent. Bye, salamat sa pagsishare ng kwento nyo."

---

"Brent Dale. . ." bulong ko, habang iniikot ang ballpen na hawak ko. Tinignan ko ang notebook ko. Pagkatapos ay ang kisama. "Ang ordinary ng araw na to. . . ah." Bumalik ako sa notebook ko."Ion Coyle. . . ang pangit ng pangalan."

I'll just forget this day. Plus, Ayokong makilala si Ion Coyle.

author's note:

maraming maraming tenchu kung umabot ka sa chapter na ito <3

:') thanks so much, really. ^^

please read on ! ^_^

Vote. Vote. Vote. Then Comment. Follow of you find me worth it. Thanks again <3 <3

--extrame here

Hey, i order you..BE MINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon