1

187 6 0
                                    

" Hi Shamari!!!"

Sinipat ko agad ng tingin ang taong tumawag sa akin. maganda sya,.matangkad, at napakahinhin tignan, si Shallaine Lcarlnt. Sya ang tangi kong kaibigan sa paaralan na ito. Sabay kasi kaming nagtransfer in.

"Hello, Shallaine."

"Buti nakahabol ka sa P.E., grabe ang utos ni Chloe Blake sayo. "

"Trabaho kong iplease sya. " sabi ko. Umupo sya sa bench katabi ko at mas nilapadan pa ang ngiti. "Hai, nakakapagod ang P.E. Hindi ko alam kung naging graceful ba yung talon ko kanina. "

" Graceful. Wala naman atang hindi graceful sa school na ito eh," Sagot ko naman at tumingin sa mga classmates namin na nagi-exhibition. Pulido at ang ganda ng mga galaw nila.

"You think so? May mga hindi din naman magaling dito, like the Thirds. Theyre Shameful."

Nagkibit-balikat na lang ako. Golden Elite kasi si Shallaine kaya kahit na mabait sya at kaibigan ko, hindi maiiwasan na maliitin nya ang mga mas mababa sa kanya. Buti nga at sinasamahan nya pa ako.

"Ah, pala, Let's have lunch on the roof top, okay? The family chef cooked some kind of soup, I'll share it to you."

"Sa.. Salamat." ngiti ko. Hindi pa kasi ako nag-aagahan, mahal kasi ang mga bilihin dito.

"Youre welcome." ngiti nya.

"MAY NAG AAWAY ATA DUN!!"

"GOSH, LETS GO SEE!"

nagkatinginan kami ni Shallaine. May nag aaway? sabi sa Rulebook, No brawls within the campus.

Tumayo na kami para tignan ang kaguluhan.

Sa gitna ng malaking Gymnasium na iyon, ay nakapalibot ang mga studyante. Di ko agad nakita kung anong nangyayari dahil sa umpok ng mga studyante. Pero may naririnig akong sumisigaw, di ko lang mapagtanto kung kaninong boses iyon. Pero kung kanino man yun, nakakatakot ito.

"Shamari, come here." tawag ni Shallaine at walang anu-anong hinila ako lagpas sa mga estudyante, paloob sa crowd na iyon. Tumigil ako sa paglalakad ng nasa bungad na kami at... nakita ko ang Dark Caste. 

May isang babae silang pinagtutulungan. Si Chloe ang nangunguna at kasama nya si Leon at Main. nakaluhod ang babae sa harap ni Chloe at nakayuko.

"Kiss my shoes!" Sigaw ni Chloe,  na halatang galit na galit. Kung anuman ang ginawa ng babae, hindi ko alam. Baka may nabreak syang rule ni Chloe. "I said, KISS MY SHOES! you bi*TCH!"

hindi tuminag ang babae. Kinuyom ni Chloe ang kamay nya. haist. Kawawa naman yung babae. Dapat hindi nya kinalaban si Chloe.

Manunuod muna ako dahil unang beses kong makikita na mambubully ang Dark Caste. Mga tsismis lang kasi ang basehan ko nitong mga nakaraang linggo.

"Chloe, Calm down." biglang sabi ni Main at pinat pa ang balikat nya. He stepped forward at tinitigan yung babae,"Miss, anong pangalan mo?"

Bakit nya tinatanong? Tutulungan nya ba ito?

"... a-a-amy... "

He slowly nodded at ngumiti sya,.yung ngiti ng mabait na anghel. Maamo. Ang gwapo nya talaga."Ang ganda ng pangalan mo, Amy. "

Unti-unting nagtaas ng tingin ang babae at sinalubong nyon ng tingin ni Main." ang ganda mo din pala," dagdag ni Main.

"s-salamat." Namula agad ang babae dahil siguro sa close up sila ni Main.

Mas lumapad ang ngiti ni Main at madadala na sana ako sa kabaitan nya at mababago na ang mood ng eksena, pero nakita ko ang ngiti ni Chloe, Yung ngiti na parang nanalo sya. "Amy, " Tawag ni Main sa babae.

Hey, i order you..BE MINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon