Typographical and Grammatical errors ahead.
FAYE
"Hi. Good morning!" Bati ko sa mga hunghang pagkapasok ko. Agad hinahanap ng mga mata ko si Kairus at nakita ko siyang seryosong nakikipag usap kay Chase. "Good morning, Chase! Good morning, angry bird!"
Napatigil sila sa pag uusap at sabay na tumingin sakin. Ngumiti si Chase sakin habang si Kairus ay masama ang tingin sakin.
Siya na nga itong binabati, siya pa-galit.
Narinig ko ang ibang hagikgik ng mga hunghang. Patay sila kay angry bird kapag narinig sila.
Ngiting ngiti akong umupo sa upuan ko sa gitna nila Ethan at Trace.
"Okay kana? Balita ko nag dapa ka raw kahapon habang naghahabulan kayo kahapon ni papi." Tuwang tuwa na sabi ni Ethan.
Tangina. Oo! Nag dapa ako kahapon, sakit nga e.
"Laki laki mo na, nadadapa ka pa. Laki mo namang tanga." Nang aasar na saad ni Kiel na bigla nalang humarap sa'min dahil nasa unahan namin siya.
I looked at him sharply. "Tangina mo. Lumingon ka lang dito para sabihin sakin 'yan ha, Ezekiel Villanueva?"
Tinawanan niya lang ako at basta basta nalang tumalikod. Tangina, manang mana sa amo.
Pagbu-buhulin ko sila e.
"Hoy, ituloy natin yung naudlot nung isang araw! Diba kakain tayo?" Tumaas ang baba ang kilay ni Ethan.
Puro pagkain ang nasa isip pero ang talino niya. Dinaig pa ako.
"Oo." Sagot ko.
Naghiyawan sila.
Ang hilig nila sa pagkain. Sabagay, ako rin naman. Sarap kayang kumain lalo kung libre, wala ka ng problema dahil kakain ka lang nang kakain.
Masarap kumain kapag libre.
Napatingin kaming lahat sa may pinto nang may pumasok, si Dwayne. At mukhang mainit ang ulo niya.
Sinundan namin siya nang tingin hanggang sa makararing siya sa pwesto niya at makaupo.
Mabigat ang paghinga niya at pareho rin nakakuyom ang dalawang palad niya.
Masama ang tingin niya sa pader.
Napakurap ako at napatingin sa pader.
Anong ginawa ng pader sa kaniya? Kung makatingin siya sa pader, akala mo may nakikita siyang kaaway doon.
We all looked at the door again when someone came in, sir Sir Logan at may kasunod siyang babae.
Babae? Girlfriend niya?
Palihim kong tiningnan yung babae, mukha siyang mayaman pero mukha rin siyang spoiled brat at maarte tapos maldita.
Gano'n pala ang gustong babae ni Sir?
Nilibot niya ang paningin sa amin hanggang sa huminto ang mga mata niya sa pwesto ni Dwayne.
"Dwayne, this woman was looking for you-" Hindi na natapos ang sinasabi ni Sir nang bigla nalang maglakad yung babae sa pwesto ni Dwayne.
Masama ang tingin ni Dwayne sa babae. Palipat-lipat ang tingin namin sa kanila.
Anong meron?
Napatingin ako kay Kairus na may subong lollipop sa bibig. He seemed to feel I was looking at him so he looked at me and raised an eyebrow at me.
YOU ARE READING
Battle of the Past (Seule Fille Series #1)
RandomSEULE FILLE SERIES #01 [ COMPLETED : UNDEDITED ] Battle of the Past - a woman who has experienced trauma and pain in the past. - Naranasan mo na bang pumasok sa Section ng mga lalaki? Paano kung ikaw lang ang babae? Kakayanin mo ba? Faye Katherine...