Chapter 25

2.3K 120 26
                                    

Typographical and Grammatical errors ahead! Thank you.

FAYE

Paglabas ko ng sasakyan, namangha ako sa nakita. Nasa harapan ako ng mansion-ay hindi, palasyo ang tamang itawag dito!

Ganito kayaman si Kairus? Sa Palasyo siya nakita e.

Pagkatapos ng klase namin, agad nila akong inaya sa palasyo ni Kairus.

Oo, palasyo dahil ang laki.

"Laway mo tumutulo." Nang aasar na saad ni Sebastian.

Sumimangot ako at tiningnan siya nang masama.

"Lumayo layo ka sa'kin dahil baka mag dilim ang paningin ko sayo." Banta ko sa kaniya.

Ngumisi siya. "Kailangan mo ba ng ilaw?"

"Ano namang gagawin ko sa ilaw?" Tanong ko.

"Diba sabi mo baka mag dilim paningin mo sakin? Baka kasi kailangan mo ng ilaw, sabihin mo lang sa'kin. Hindi na mag-di-dilim paningin mo non dahil may ilaw kana for sure." Nagkibit balikat siya.

Tiningnan ko siya nang masama. "Putangina mo, lumayo ka sakin gago."

"Lutong."

"Babae ka ba talaga?"

"Tangina, h'wag kang mag mura, bad 'yan."

"Wow, lutong naman niyan. Makakain ba 'yan?"

Magsasalita sana ako kaso naunahan na ako ni Kairus.

"That's enough, fuckers," Lumingon siya sa amin. "Let's go." He said coldly.

Nauna siyang mag lakad papasok sa loob at sumunod naman ang iba.

Napakamot ako sa kilay ko at naiwan sa labas habang naniningkit ang mga mata habang nakatingin sa malapad na likod ni Kairus.

Fuckers? Kasama ba ako sa sinabihan niyang fuckers?

Kung oo, edi putangina niya.

"Hoy, Faye! Tara na! Tulala kana naman, jusme kang bata ka! Pinalaki ba kitang ganiyan?!" Salubong ang kilay na sabi ni Mama Ryuu.

"Faye, anak, mag hi ka." Rinig kong natatawang sabi ni Kleon.

Napailing nalang ako at tumakbo papunta sa kanila.

Nang makapunta kami sa sala, agad kaming umupo at yung iba naman humiga pa, may mga nakataas pa ang paa.

Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng palasyo ni Kairus, ang ganda ng mga interior at design.

Halatang pang mayaman talaga e. Expensive.

"Kairus, pahingi nga ng tubig." Utos ni James na agad namang sinang-ayunan ng mga hunghang.

Ay, wow.

Kairus ignored them. Buti nga.

"Kuya!"

Lahat kami ay napatingin sa itaas ng hagdan nang makarinig kami nang boses ng batang lalaki.

Tiningnan ko ang batang lalaki na may dalang laruan na patakbong bumababa.

"Adam, be careful! You might fall!" Kairus shouted but there was a concern in his voice.

Pagkababa ng bata ay masaya siyang tumakbo papunta sa pwesto ni Kairus at agad siyang niyakap.

Napabuntong hininga si Kairus bago buhatin yung bata.

"Please, be careful next time."

Ngumiti naman yung batang lalaki. "I'm sorry po, next time po, promise."

Battle of the Past (Seule Fille Series #1) Where stories live. Discover now