Chapter 47

1.2K 59 3
                                    

FAYE

"Faye?"

Napatingin ako kay Lenard nang tawagin niya ako.

Ngumiti ako sa kaniya. "What's up?"

"Papasok kana?" tanong niya at tiningnan ang kabuuan ko.

"Oo," sagot ko at matipid na ngumiti.

Pareho kaming natahimik hanggang sa naalala ko ang ibibigay ko sa kaniya. Binuksan ko ang loob ng bag ko at kinuha ang susi ng condo.

Inabot ko 'yon sa kaniya kaya nagtaka siya habang nakatingin sa hawak kong nakalahad sa kaniya.

I smiled. "This condo is now yours."

"Huh?" Nangunot ang noo niya. "Aalis ka ba?"

Umiling ako.

Hindi ko na siya hinayaang magsalita at kinuha ang kamay niya para ilagay doon ang susi.

"Tanggapin mo man o hindi, sayo pa rin 'yan." Mahina akong natawa. "Masaya akong nakilala at nakasama ko kayong magkakapatid. You don't know how much you made me happy."

I handed him a small envelope containing a letter and money.

"Alis na ako," ngumiti ako sa kaniya at tinapik ang balikat niya bago tuluyang tumalikod. "Take care of them, Lenard."

"Thank you..." bulong niya na narinig ko.

Napangiti ako bago lumabas ng condo. Pagkalabas ko, napatingin ako sa kabuuan ng condo.

I know the three of them will be fine. They will be fine.

Napabuntong hininga ako at pumara ng taxi papuntang Starbucks kung saan kami magkikita ni Katrina.

Pagkadating ko ay agad ko siyang nakita na naghihintay. Lumapit ako sa kaniya at ngumiti.

"Hi," bati ko at umupo sa tapat niya.

"May gusto ka bang kainin? Inumin?" tanong niya.

Umiling ako. "May ibibigay lang naman ako sayo."

"Ano 'yon?" Nagtatakang tanong niya.

Kinuha ko sa bag ang dalawang sulat at binigay sa kaniya, nagtataka naman niya itong kinuha.

"Yung isa, ibigay mo sa kanila." Tinuro ko yung isa kaya napatingin siya roon, bahagya siyang napatango.

"At yung isa, sa kaniya."

Napaawang ang bibig niya nang ma-realize kung sino ang tinutukoy ko.

"Aalis ka?" tanong niya.

Nagkibit-balikat lang ako sa kaniya kaya napabuntong hininga siya.

"Kung aalis ka, paniguradong malulungkot ang mga iyon." Tumingin siya sakin.

"They can, Katrina." Napalabi ako at tipid na ngumiti. "I know they can. May tiwala ako sa kanila."

"At kung ano man problema ang meron ka, alam kong kakayanin mo," malambot na ngiti ang binigay niya sa akin. "Babalik ka, diba?"

Battle of the Past (Seule Fille Series #1) Where stories live. Discover now