Chapter 33

2K 108 32
                                    

FAYE

"Nasaan nga pala si Kairus?" Tanong ko sa kanila. Nandito na ako kwarto ko sa hospital. Nakalimutan kong sabihin, magkatapat lang ang kwarto naming dalawa ni Travis.

Bumalik na kami rito sa kwarto ko nang makatulog na si Travis. Nandoon na rin ang Yaya niya.

Inaway pa nga ni Travis si Trace dahil sinabihan siya na hindi pa raw tuli na totoo naman. Umiyak pa siya nang sinabihan siya non. Sa bagay kung ako 'yon, iiyak din ako, pasmado bunganga, eh.

Ilang oras din silang nagtalo, syempre pinaglaban ni Travis ang karapatan niya.

Pero kung ako kay Travis, sinapak ko si Trace. Joke! Bad Influence talaga ako sa mga bata.

"Bakit hinahanap mo?" Ngumisi si Dwayne.

"Miss mo?" Dugtong ni Ethan na nakaupo malapit sa kama ko habang kumakain nang mansanas na dapat ay para sa 'kin.

"Masama ba siyang hanapin?" Tiningnan ko sila.

Umiling si Ryuu. "Hindi naman."

"Hindi rin namin alam kung nasaan siya. Nang dinala ka namin dito sa hospital, bigla nalang siyang nawala." Sagot ni Chase kaya napatingin ako sa kaniya at nakitang nakatingin siya sa 'kin.

Tumango ako.

Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya dahil hindi ko kinaya. Hindi ko alam pero may iba sa tingin niya.

"E, si Brandon? Anong nangyari sa kaniya?" Malumay na tanong ko ng maalala ko ang isang iyon.

"Comatose."

Napatigil ako. At napatingin sa nagsalita, si Kaulev. Tiningnan ko siya ng mabuti, yung sinabi niya, parang balewala lang sa kaniya... sa kanila.

Parang wala lang sa kanila ang sinabi ni Kaulev, parang sanay na sanay na sila.

Idagdag pang hindi rin sila nagulat.

Napatingin ako sa tatlo na at nakita ko ang nanlalaki nilang mga mata.

"A-Ano?" Hindi makapaniwalang tanong ni Ellaine.

"Sigurado kaming binalikan ni Kairus 'yon. Alam naman namin na hindi iyon madadala at masisindak sa isang suntok lang, at idagdag mo pang tumilapon ang gagong 'yon." Dwayne replied.

Para-paraan din ang isang 'to, e.

Nakita kong umirap si Ellaine. Napatingin ako kay Dwayne, nakanguso siya habang nakatingin kay Ellaine.

Ang pangit. Mukha siyang bibe.

"Bakit naman siya babalikan ni Kairus? E, ang lakas na nang suntok na ginawa niya, at nasabi mo na rin, Dwayne, na tumilapon si Brandog." Nagtatakang sambit ko.

"Hindi rin nakukuntento ang isang 'yon," singit ni Ashton.

"Saka, bakit nga ba?" Napatingin kami kay Yvo nang magsalita siya, nakatingin siya sa 'kin. "Bakit nga ba siya binalikan ni Kairus?"

Bakit ganiyan siya makatingin sakin?

"Sinabi na nga, hindi nakuntento, tanga," sagot ni Jake.

Iniiwas ni Yvo ang tingin niya sakin at humalakhak nang tawa bago napailing.

"Ay, baliw na."

"Yvo nga naman."

"Yvo moments."

"Ang tatanga niyo naman, mga manhid." Ngumisi si Zyrus.

"Hala, napansin niyo rin?" Gulat na tanong ni Kiel.

Battle of the Past (Seule Fille Series #1) Where stories live. Discover now