CHAPTER 7

331 10 0
                                    

The Queen Bee

It's been two days since the incident happened. I was terrified of going out alone after that day.

I still didn't tell kuya what happened because I don't know how to. Maybe I will tell him later while eating breakfast. He just came back from his business trip last night.

"Good morning baby" he greeted when he saw me. "Good morning too kuya" I greeted back.

Nagulat naman ako nang makita si Bryce dito. Hindi ko sya napansin kasi  kay kuya lang ako nakatingin at iniisip kung paano ko sasabihin ang nangyari.

"Good morning" bati ko din sa kanya at umupo na. Hinahanda palang ang mga pagkain sa lamesa.

"Good morning too" bati nya rin sa akin pabalik. Ngumiti lang ako sa kanya at gusto ko mang tanungin kung bakit sya nandito at kung magkakilala ba sila ni kuya ay hindi ko na ginawa.

"ahmm kuya" tumingin naman sa akin si kuya at hinihintay ang sasabihin ko pero walang salita ang lumabas sa bibig ko. Kinakabahan ako at the same time parang naluluha na rin habang inaalala ang mga nangyari.

"I know what you want to say. It's okay if you can't tell, I understand. Xander already told me what happened. I'm sorry if I'm not there to protect you" Kuya said. I look at Bryce but he's busy eating.

"They were already in jail. Next week, you will have a bodyguard and you're not allowed to commute" He seriously said now. Well, hindi na ako magtataka kung nakakulong na yung mga gagong yun agad.

"Kuya, I don't need a bodyguard and beside nakulong naman na yung mga yun at wala namang nagtatangka sa buhay ko" Reklamo ko dahil ayaw kong may nakabuntot palagi sa akin.

"Mas mabuting may nagbabantay sayo para na rin 'to sa kapakanan mo" May point din naman si kuya "Okay kuya pero payag ako pag sya ang bodyguard ko" turo ko kay Bryce na muntik ng madura ang kinakain. Nagulat din si kuya sa sinabi ko.

"I can find you a new one baby" sabi ni kuya at uminom ng tubig "Then why is he here?" tanong ko "Pumunta sya dito dahil may pinadala ang mommy nya na documents kaya inaya ko nalang syang mag breakfast" paliwanag ni kuya. Bakit dito pa ipinadala kung pwede namang sa office ni kuya?

"ahh pero gusto ko pa din syang maging bodyguard" pilit ko pa

"Do you want to be my sister's body guard?" tanong ni kuya kay Bryce "Tss. No way!" tanggi naman ni Bryce.

Kung ayaw nya may paraan para maging bodyguard ko yan. Kuya look at me and said, "Don't you know baby that you're asking the son of Mr. Alex Emerson to be your bodyguard, the top 1 billionaire in our country"

Nabuga ko naman ang tubig na iniinom ko dahil sa narinig. Ito ang napapala ko sa walang paki alam kung ano ang mga nangyayari. Hindi din ako nanonood ng mga news or nagbabasa ng mga articles. Ang alam ko lang top 2 si daddy minsan sya din ang top 1 billionaire pero wala naman akong paki alam sa mga yan.

"ah"napapatangong sabi ko nalang at inubos na ang pagkain na nasa plato ko. Nagpaalam na ako kay kuya na aalis na ako dahil baka ma late pa ako sa school.

Tumingin naman ako kay Bryce na tumayo na at ngayon ko lang napansin na naka uniform sya. Their school uniform is  black slacks, a white polo with their school logo on the polo pocket, a red necktie, and black shoes. It's almost the same with Valentine High School's school uniform. The only difference is, of course, the school logo and the color of the necktie, because the color of our necktie is blue.

We girls wear a long-sleeved fitted blouse with a blue necktie and a black fitted skirt and its length is only one inch above our knee

"Sabay na ako sayo Bryce!"  sabi ko sa kanya. Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng kakapalan ng mukha para sumabay sa kanya, though lagi naman akong sumasabay sa kanya pauwi minsan lalo na kapag sumasama kami nila Rina sa gala nila.

T.S.1: Love of Tommorow [COMPLETED]Where stories live. Discover now