CHAPTER 19

263 10 0
                                    

Meet Lexia

Sharia's pov

"Madali ba yung quiz sa PE?" tanong ni Leanne habang kumakain kaming dalawa dito sa canteen. Hindi na kasi kami magka section this school year. Si Rina naman ay hindi na sumama sa amin dahil mag rereview daw sa quiz nila mamaya.

"Madali lang naman yun" madali ang PE kapag quiz, pero pagdating sa performance task, talo na ang Major subjects.

Bumalik na din kami sa classroom namin pagkatapos kumain dahil malapit ng magsimula ang klase.

Mas nakaka stress na ngayong grade 12 kami lalo na at graduating students kami. Noong midterms ng first sem ay parang mabibiyak na ang utak ko sa Gen bio, Gen chem, Gen Physics idagdag mo pa ang practical research 2! Mas lalong nakaka stress naman ngayong finals. Paano pa kaya sa second sem?

        
             ******************

Ang sakit ng ulo ko pagkagising ko. Hindi sana ako papasok ngayon pero ngayon ang reporting namin sa Filipino. Pinilit kong bumangon at dumeretso sa banyo para maligo.

"Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Bryce bago ako pinagbuksan ng pinto sa passenger seat. May kotse na ako, regalo ni daddy at kuya noong birthday ko pero hindi ko ginagamit dahil tinatamad akong mag drive at hindi pa ako ganoon marunong mag drive.

"I'm fine, don't worry" nakangiting sabi ko bago sumakay sa kotse nya. Hahawakan sana nya ang noo ko pero agad ko ring iniwas. "I'm fine promise. Mag drive kana at baka ma late pa tayo"

"Are sure you're okay?" paniniguro nya nang makarating na kami sa school. "I'm fine" malumanay kong saad.

"Call me if you're not okay" sabi nya at tumango naman ako bago bumaba ng sasakyan nya.

Nag focus lang ako sa klase. Inilabas ko na ang manila paper kung saan naka sulat ang report namin nang Filipino subject na, which is our second subject this morning.

"Annica, ikaw na muna ang mag report" sabi ko sa ka grupo ko dahil pakiramdam ko matutumba ako pag tumayo ako.

"Ikaw na, paano pag may mga tanong sila" amp.! sinabihan ko na rin yung dalawa pang ka grupo ko pero ayaw din nila. Tangina! ako na nga ang gumawa sa lahat at wala silang nai ambag maliban sa pagbili ng manila paper, sa simpleng pag report ayaw pa!

"Ayaw nyo? edi huwag! Nasa akin naman nakasalalay ang score nyo sa report natin" bibigyan kasi namin ang ka group namin ng rate from 1-10.

"ay Gaga! akin na!" sabi ni Annica "basta tulungan mo akong sagutin ang tanong nila" tumango nalang ako.

Pagkatapos ng klase ay nanatili lang ako sa classroom dahil wala din akong ganang kumain. Tinext ko nalang sila Leanne na hindi muna ako sasama sa kanila.

Nang lunch time na ay pinuntahan ako ni Leanne at Rina sa classroom. "Okay ka lang?" nag-aalalang tanong ng pinsan ko.

"Mukhang masama ang pakiramdam mo, mag-absent ka nalang muna. Ako na ang magpapaliwanag sa teachers mo" sambit naman ni Rina.

Inalalayan agad ako ni Leanne nang muntik na akong matumba pagkatayo ko. Sinabi ko nalang sa kanila na uuwi ako at magpapahinga.

Sinamahan nila ako palabas ng school hanggang sa makasakay na ako sa taxi. Pinicturan pa ni Leanne ang plate number ng sasakyan. Sinabi ko na rin sa kanila na huwag sasabihin kay Bryce dahil paniguradong a-absent yun mapuntahan lang ako.

Dumeretso agad ako sa kwarto ko para magpahinga. Sobrang sakit ng ulo ko! Bakit pa kasi ako nagpa ulan kahapon?

Hindi na ako nagpalit pa ng damit at dumeretso na sa kama para matulog. Ipipikit ko na sana ang mga mata ko nang may marinig akong katok sa pinto. Dahan dahan akong bumangon para pagbuksan kung sino man 'yon.

T.S.1: Love of Tommorow [COMPLETED]Where stories live. Discover now