"Puwede ba kita'ng hawakan?"
Ang ayaw ko sa lahat ay ang hinahawakan ako, una kasi hindi sila nag sasabi na hahawakan ako at pangalawa dahil sa kanilang mga masasamang balak. Kaya masyado ako'ng nabuhayan dulot ng kaniyang tanong, kita-ng kita ko din ang sensiridad mula sa kaniyang mga mata.
Sa panahon ngayon, hindi na uso ang mag tanong muna bago hawakan ang isang tao lalo na sa mga babae o dalaga. Madami na ang nag bago sa mundo at halos karamihan ay nasasanay na rito, ngunit ako na nabubuhay pa rin sa dati.
"Bakit?" Nasambit ko habang naka tingin sa kaniya.
"Gagamotin ko ang sugat mo." Kahit sa kaniyang boses ay nahihimigan ko ang senseridad at pag aalala.
"Bakit ka humihingi ng permiso?" 'yon ang tanong ko.
Kumunot ang noo niya.
"Bakit naman kung ganoon? Hindi ba't karapat-dapat naman 'yon?" Lumitaw ang pagka-lito sa kaniyang mukha. My facial expression softened.
"Kaya ko'ng gamotin ang sarili ko, Maraming salamat." Ngumiti ako ng kaunti sa kaniya at tumalikod saka dali'ng nag lakad.
Pag dating ko kela Heya ay nag kuwentohan na sila, agad ko'ng nilagyan ng tela ang dalawang daliri ko para hindi na dumaloy pa ang dugo. Kung bakit hindi bumaon ang bubog, hindi ako bobo para ibaon 'yon sa sarili ko'ng daliri. Alam ko'ng nakita nila Heya ang sugat ko pero nilibang nila si Athena para hindi ito mapansin.
Pumatak ang alas-syete, wala ng liwanag mula sa araw pero bumungad naman samin ang liwanag mula sa mga LED lights na naka dekorasyon sa paligid. Natapos ko na din ang tinatahi ko. Kinalimutan ng nakakita ang nangyari kanina, hindi na iyon binanggit pa. Dumating si kuya na para'ng walang nangyari, at sinabihan ko si Athena na alam na ng amo niya na si Lola na nasa'kin siya. Kahit na nag dadalawang isip, pumayag si Athena na manatili.
Hindi ko alam ang nangyayari doon sa bahay kubo pero alam ko'ng nag iinoman sila.
"Si Maby!" Napatingin ako sa daan, ngumiwi ako ng makita ngang si Maby. May dala ito'ng mga jacket at ang isa ay namumukhaan ko.
Tumango lang siya habang naka tingin sa bahay-kubo at dumaritso agad sa'min. Inabot niya sa akin ang jacket ko.
"Kumain ka na ba ng kanin at hindi lang ang mga 'yan?" Agad na bungad niya sakin.
Umiling-iling ako at tumango-tango. Hindi pa ako kumain ng kanin pero kumain na ako ng kamote at mais.
Sinamaan niya ako ng tingin habang binibigay kay Shane, Heya, Evena at Athena ang mga jacket na dala niya.
Tumaas ang kilay ko ng may mapansin, paano niya naman nalaman na andito si Athena? Tiningnan ko siya, she looks tired but it's not visible on her face. I just know..
"Wow Maby! Ang aga-aga mo naman dumating!" Mapag-laro'ng wika ni Evena. Sinamaan siya ng tingin ni Maby at nilibot ang tingin sa buong kalupaan. Ano naman ang makikita niya? Hindi niya naman makikita lahat dahil madilim na.
"Noy! Pakadi na kam para kumaon!"
Napatingin ako sa malambing na sumigaw, nagning-ning ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Auntie Poyeng. Kakain na daw kami, yes!
Ang lengguwahe na ginamit niya ay Waray-waray, nakatira kasi kami sa Visayas--Samar. Halo-halo ang lengguwahe'ng ginagamit namin, Waray at Bisaya. Sabi ng iba, kami'ng mga waray, kung mag salita ay parang galit. Pero kapag kami ay nag bisaya, para'ng hinehele daw sila. Nakakalito pero nakakatuwa.
Lumabas sa bahay kubo si Kuya Nathielle at agad na lumapit kay Auntie Poyeng. Hindi namin blood related si auntie Poyeng pero nasanay ako'ng tawagin si auntie Poyeng na auntie. Ayaw ko naman siya'ng tawaging Ate Poyeng, eh may edad naman na siya. Kasambahay siya ng mga Lopez, at talaga'ng binigyan sila ng bahay malapit lang sa mansyon nila. Napaka-bait niya din, palagi niyan ako pinapakain kapag natapos na ako'ng mag laba dito.