Chapter 7

4 0 0
                                    

*One month after..*

Dala-dala ko ang aking abaniko'ng bag pauwi sa bahay, may laman ito'ng mga kakanin na aking nabili kanina pag-katapos ng aking klase. Sinilip ko ang tapat ng bahay namin, mukha'ng hindi pa sila nakakauwi. Sapagkat hindi ko naman sinasadya'ng maiwan palagi si Maby sa paaralan, nagtataka na ako kung bakit ito'y hindi na sumasabay sa akin. Ilang beses na'lang din sa loob ng isang linggo ang aming pagki-kita, nauunawaan ko naman iyon na hindi sa lahat ng oras ay kami'y magkakasama, siguro dahil iba lang ang pakiramdam ko.

Inayos ko ang aking buhok gamit ang aking mga daliri bago binuksan ang gate ng aming bahay, agad na sumalubong sa akin ang amo'y ng inihaw na isda. Nag palit muna ako ng tsinelas, at tinungo na ang bakuran. Naabotan ko'ng bukasbang pintoan sa kusina, kung kaya pumapasok ang usok nito sa loob ng bahay. Pag labas ko ito'y aking sinarado.

"Ma! Pa! Nakauwi na ako." soot ang aking ngiti, lumapit ako sa kanila at nag mano. Nakaupo sila sa loob ng bahay kubo kasama si Athena, nag ku-kuwentohan. Nasilayan ko din' sila kuya na nagiihaw ng mga isda'ng bangus, pinanlakihan ako ng mga mata ni Mama ng mapansin din niya'ng hindi ko binabate sila kuya.

Napakamot ako sa kilay, kailangan pa ba 'yon?

"Magandang hapon sa inyo!" nakangiwi ko'ng bati. Katulad ng aking inaasahan, sinuklian ako ng irap ng aking kuya at ngiti't tango naman sa mga kasama niya.

Hindi ko binigyan pansin ang pagmamaldito ng aking kapatid, umopo ako sa tabi ni Athena at nilagay sa lamesa ang aking abaniko'ng bag. Napatingin dito sila Mama.

"Anak, pang-ilang bag mo na 'yan?" humagikhik ako sa tinuran nito. Animo'y naloloka din dahil bago na naman ito. Isa-isa ko'ng nilabas ang mga kakanin, may biko, puto, suman, at bibingka.

Ngumiti sa akin si Papa at kumuha ng suman.

"Hayaan mo na ang anak natin, collection niya ang mga iyan." ma-drama ako'ng kunwaring umiiyak sa sinabi ni Papa. Bibigyan ko pa sana ng kaunting acting ng marinig ko ang epal na boses ni Kuya.

Kahit kailan talaga.

"Muntik ko na pala'ng ma-sunog ang isa mo'ng ganiyan na nakalagay sa kusina little sister."

Napatigil ako sa pag dra-drama at nanigas sa aking pagkakaupo, ilang minuto ko pa ito'ng pilit na iproseso bago nagtatakbo'ng pumasok sa kusina at dagli'ng hinanap ang aking pinakagusto'ng abaniko'ng bag.

MALAKAS ANG buhos ng ulan, madilim na din ang buong paligid. Soot ang aking pang-tulog na bistida, humarap ako sa aking malaking salamin. Bagama't madilim at hindi masyado'ng maliwanag ang paligid dahil tanging lampara lamang ang nagsisilbing liwanag sa aking kuwarto, hindi ito naging dahilan upang hindi ko makita ang aking sarili.

Hindi ako gaano'ng kaliit ngunit ako ang pinaka-maliit sa aming anim nila Maby, Athena, Heya, Evena at Shane. Sigurado ako'ng dahil ako ang mas bata sa amin. Sakto lang ang kulay ng aking balat, hindi gaano'ng maputla ngunit hindi ako morena. Katamtaman lamang.  Napansin ko ang pag daan ni Athena sa aking likod, binuksan niya ang kabinet at nilagay doon ang aking mga damit na kaniya'ng tinupi. Tumalikod ako sa harap ng aking salamin at lumapit kay Athena.

"Sana hindi na muna mag-ka ilaw sa loob ng tatlong araw." makatotohanang wika ko sa kaniya. Maingat niya'ng trinangkahan ang kabinet at sumulyap sa akin, binigyan niya ako ng ngiti bago muli'ng lumipat sa aking kama at inayos ito. Nakanguso ako'ng sumunod at tumayo sa tabi niya.

"Masyado ka'ng nabibighani sa buhay na meron ang nakaraan sa Pilipinas, natatakot ako'ng iyan pa ang dahilan ng panglalait ng nakakarami sa'iyo Ate Elleyang." nabuhayan ang aking loob ng marinig ko ang Wikang Filipino, kahit nahati na sa iba't iba'ng lengguwahe ang Pilipinas, hindi pa din mabubura sa aming puso ang sentro ng lengguwahe namin.

AgapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon