ARAW ng martes, mag kasama kami'ng kumakain ng umagahan ng buong pamilya ko. Maaga sila'ng gumising upang mamili sa talipapa, sumama si kuya at iniwan lang nila ako'ng natutulog. Nag luto si Papa ng inihaw na bangus saka marinated tuna, habang si kuya naman ay ang paborito ko--lahat na pang-umagahan. Katulad ng egg, fried rice, hotdogs and all.
Hindi namin masyado'ng pinapakilos si Mama, kahit na makulit siya at hindi mapalagay kung wala'ng ginagawa. Kahit nga pag kuha lang ng tubig, ayaw ni papa na gawin ni mama.
Papa is devoted to Mama, at ganoon pa rin katulad ng una.
"Kumain ka lang ng marami hija." Napa-ngiti ako aa sinabi ni Mama habang nilalagyan pa ng kanin si Athena na nasa tabi ko. Kanina pa siya nangungulit mag luto at tumulong kanila Papa at Kuya sa kusina, pero hindi siya pinapayagan nila. Sinabihan ko na din siya na ayos lang at ganoon sila, masyado ata siya'ng nagulat
Hindi siya naka-soot ng uniporme, sabi ni Papa na hindi na kailangan. Nag alinlangan pa siya dahil sa desisyon namin, pero makulit ako. Siya nga ang naunang nagising kanina'ng umaga, sa kuwarto ko siya natulog kagabi. May bakanteng kuwarto naman, pero lilinisan ko muna iyon saka lagyan ng dekorasyon para masarap matulogan.
"Ako na po Ma'am.." napakamot ito sa kilay. Sumimangot si Mama at ngumuso. Typically me. "Tita anak, ti-ta. Sige repeat after me." Pinigilan ko'ng matawa.
"Mahal ko, kung kumain ka nalang hmm? Gusto mo subuan kita?" I wrinkled my nose.
Napunta kay Papa ang atensyon ni Mama kaya sumubo na si Athena, alam ko'ng nahihiya pa siya sa amin. Pero masasanay din siya..
Gaya ng inaasahan ko, pag uwi namin kagabi, nagulat silang tatlo sa sinabi ko. Pribado namin iyon pinag usapan at hindi sa harap ni Athena, akala ko kailangan ko pa kumbinsihin ng malala si Mama at Papa pero agad din pumayag si Mama. Dahil pumayag na si Mama, sumang-ayon na din si Papa. Ang sabi niya pa kung ano ang gusto at desisyon ni Mama ay ganoon din sa kaniya, ang wala'ng nasabi lang naman ay si Kuya.
"Napano 'yan, anak?" bumaba ang tingin ko sa hintuturo at hinlalaki ko, may bandage ako'ng nilagay. Hindi ko naman gusto'ng itago sa mga magulang ko, kaya hinayaan ko ito'ng makita nila. Umiling-iling ako at binigyan ng matamis na ngiti si Papa, ang mapag-mahal ko'ng tatay.
Nakatingin sakin si Mama at Papa, nag hihintay ng sagot pero hindi na ako muli nag salita.
"May pinag laro-an lang po siya, Pa.." tahimik ako'ng tumango-tango, sumasang-ayon sa sinabi ni Kuya.
Ahh, hindi ako tinutulungan ni kuya. Totoo ang sinabi niya.
Nag tinginan lang sila'ng dalawa at nag pa-tuloy na sa pagkain. Madami'ng kuwento'ng baon si Mama, tinatanong ako nila pero tanging tango at iling lang ang sinagot ko.
Pagka-tapos namin kumain ay si kuya na ang nag hugas ng pinggan, mukhang iiyak na kanina si Athena dahil hindi siya pinapakilos sa mga gawain bahay kaya hinayaan siya ni Mama na punasan ang lamesa. Hinayaan ko sila'ng dalawa sa kusina at lumabas sa loob ng bahay, binuksan ko ang gate at tumama sa mukha ko ang liwanag ng araw. Alas-syete pala'ng ng umaga kaya hindi pa masakit sa mata ang araw.
Hindi pa masyado'ng madami ang mga tao na nag-kakalat sa daan, pero may iilan na at may mga hawak na paper bags na nag lalaman ng pandesal. Ang iba naman ay nasa tapat na ng mga tindahan at bumibili ng mga kape at asukal.
Ilang saglit lang ng may nag silabasan ng isang grupo ng mga chismosa, bumubulong na ngayon at halatang may pinaguusapan. Minsan nakikitambay sa tapat ng bahay namin kaya naririnig ko sila, ayaw ko naman marinig kaso sinasali nila ako. Hinahayaan ko nalang sila, makakalimutan ko naman din agad ang maririnig ko.
