Pinulot ko ang kabibi malapit sa kinau-upoan ko. Kulay maroon ito at masasabi ko'ng natatangi, saan ka nga naman makakakita ng isa'ng isla na puno ng mga maroon na kabibi. Pinaikot ko ito gamit ang mga kamay ko, kakaiba rin ang tekstura. Maliit lang ito at hindi ko mawari ang hugis, para'ng sinadya'ng mag-isa. Kumunot ang noo ko, malaki ang mundo. Sana ay may kapariho siya para hindi tuloyang mag-isa."Dinala mo ang plates mo?" napunta kay Heya ang tingin ko ng mag salita ito, tinatanong si Maby na naka-tanaw lang din sa kaligaligan ng dagat.
"Aanhin naman natin ang kaniya'ng mga plato?" napangiti ako at itinago sa bulsa ang kakaibang kabibi bago ginulo ang buhok ni Athena.
Nakatingin sa kaniya ang mga kasama namin ng naka-kunot noo, inosente naman ako'ng sinuklian nito ng tingin.
"Ipapadala sa amerika gamit ang mga isda, huwag ka'ng mag-alala puwede'ng puwede 'yon." makahulogan ko'ng sagot. Sinamaan ako ng tingin nila Heya habang umiling-iling si Maby.
Nasa tabing dagat kami, nakaupo sa buhangin ngunit may tela namang nakalatag. Alas-dos ng hapon at naisipan namin na isorpresa si Athena ngayon' kaarawan niya, may mga kakanin sila'ng dinala at kaniya-kaniya'ng regalo'ng dala. Hindi din kami mag tatagal dito dahil may hinanda sila sa bahay.
"Dalawampu't tatlo'ng taon na ako'ng naninirahan sa lugar na ito ngunit hindi ko pa nalalaman kung ano ang meron sa isla'ng 'yan." tinuro ni Athena ang isla'ng kaharap lang namin. Maliit ito kung titingnan mula dito kaya nababatid ko'ng malayo pa ang ibya-byahe papunta doon.
Umopo si Shane at Evena mula sa pagkakahiga at tumingin din sa isla'ng itinuro ni Athena.
"Itinanong ko kay Nanay at Itay kung bakit wala'ng nakakapunta doon, ang tanging isinagot nila ay off limits daw ito." wika ni Shane.
"Same!" sabay na sagot ni Evena at Heya. Nagtinginan kami'ng dalawa ni Maby dahil sa ala-alang nakaraan.
Gumuhit ang ngiti sa labi ni Maby at muli'ng tumingin doon.
"Pinilit namin si Kuya Nat-nat na pumunta doon, maliliit pa kami ni Elle." nagsi-lapitan masyado ang mga kasama namin kay Maby ng mag simula ito'ng mag kuwento, lumayo ako ng kaunti para mag sakto sila. "Hindi pumayag si Kuya, pero alam naman natin ang kapilyahan ni Asmielle. Ilang oras niya'ng kinulit ng kinulit si Kuya Nat-nat hanggang sa narindi sa pangungulit nito at pumayag. Hapon, ginamit namin ang bangka'ng motor sa matalik na kaibigan ng Tatay nila Elle. Sabik na sabik kami'ng dalawa, sino ang hindi? Naging mesteryoso ang isla'ng 'yan sa maraming tao." tinulak ni Maby si Evena na sobrang lapit na talaga sa kaniya, seryoso ang mga mukha nila habang nakikinig kay Maby.
Natawa ako ng ngumiwi si Evena, umusog ito ng kunti. Naiintindihan ko sila, kung hindi nga naman ako kasama noon ay mas malala pa ang magiging reaksiyon ko.
"Tapos!? lintik naman pabitin ito." at siya pa ang may gana'ng mag reklamo. Jusmiyo.
"Ilulunod talaga kita, usog pa." huminga ng malalim si Maby. "Hindi kami nag-tagumpay. Usog na Evena."
Humagalpak ako ng tawa, alam ko namang hindi ikukuwento ni Maby lahat ng nangyari. Tatamarin lang siya. Sabay sila'ng nag reklamo habang nakasimangot si Athena at nagtatanong din sa kaniya, hay buhay.
"Napaka-demanding niyo, kayo na nga lang ang nakikinig." Tuna'y ang kaniya'ng 'sinabi. "May nakapalibot na malalaki at makakapal na mga bato'ng hindi karaniwan, made in amerika ata at hindi lang china. Bago din makalampas sa mga bato ay may mga net at kahoy sa ilalim ng dagat, talaga'ng hindi ka makakapasok." tumango-tango ako dahil totoo.
Hindi ko nga din maintindihan kung bakit sobrang secured naman. Ilang beses ko'ng tinanong si kuya maging si mama at papa, puro 'bawal' lang ang mag sagot nila.