HAWAK-hawak ko ang isang maliit na tub ng chocolate Ice cream habang nag la-lakad papauwi sa bahay namin, hindi naman masyado'ng mainit ang araw at sakto lang kaya hindi agad 'to matutunaw. Tanghali na din at kakatapos lang ng klase ko ngayon' sabado. Napangiwi ako ng maalala ang ginawa ko kanina, bakit ko nga ba ginawa yon? Bumuga ako ng apoy--este hangin at hindi ko nalang pinansin. Hindi ko naman kasalanan na nasipaan ko siya sa mukha, binalaan ko na, na ayaw ko at hindi ako nag papaligaw. Ang kaso makulit ang lahi at hinawakan pa ang kamay ko, ayan, na high-kicked.
Ayaw ko pa naman sa lahat at hinahawakan ako, hindi sa nakikiliti pero ayaw ko lang talaga.
At dahil na bad mood ako, bumili ako ng ice cream at ang pamasahi ko sana papauwi ngayon hanggang sa harap ng bahay namin ay wala na. Andito na eh, hawak-hawak ko na, mamaya nasa tiyan ko na to. Namamahalan ako sa price ng tricycle, bente! Eh 30 mins lang naman ang byahe papuntang syudad! Ayan pinababa ako sa highway, kasi kapag pinapasok ko pa magiging 30 na. Grabe kaya ito nilakad ko nalang, 10 mins lang naman.
Nililipad ng hangin ang maikli ko'ng buhok, buti nalang tinali ko ang bangs ko. Bahala na mag mukhang bata basta ito ang favorite style ko sa buhok ko, ang fresh sa feeling.
Mula dito ay nakikita ko na ang mga magsasaka na nagkakalat, napangiti ako ng maalala ko na linggo bukas. Pag ka tapos namin mag simba, tutulong ako sa favorite tambayan ko. Ang flower shop nila Maby! Ang bruha na 'yon sa sobrang tahimik naiwan ko sa school.
NAIWAN KO SA SCHOOL!?
Napatigil ako sa pag la-lakad at napa nga-nga.
Dali-dali ko'ng nilabas sa bulsa ko ang selpon ko at dinial agad ang numero ni maby. Lintik! Naiwan ko nga! Naalala ko sabay pala kami kanina na pumunta sa school, tapos ang schedule niya hanggang 10am lang eh ako 11am pinahintay ko muna kasi lagi naman kami'ng sabay kahit na mag ka iba ang course at building namin. Architecture sa kaniya, Law sakin.
Ilang ring lang narinig ko na agad ang boses niya'ng parang hangin. Hindi mo alam kung bumobulong.
"Tapos na class mo?"
Pinigilan ko'ng tumawa at napakamot sa kilay. Confirmed, naiwan nga.
"Actually.. nasa kanto na ako ng bahay namin.." kinagat ko ang labi ko at pinipigilang humalakhak.
"Ah talaga? Sige pag uwi ko puntahan agad kita. Geh bye." Binaba niya agad ang tawag saka ako humalakhak ng malala.
Expected ko na ang sasabihin at reaksyon niya, she doesn't care at all. I mean, wala siya'ng pake na nakalimutan ko na sabay kami'ng uuwi. Naintindihan niyan ako, ganyan lang 'yan hindi pala-kibo.
Maby is my soul sister. Magka-kilala na kami mula pagka-bata namin dahil dito rin naman siya nakatira. We're soul sisters even though our personalities are really really different. She talk less, I talk a lot of shits. She doesn't care what's happening with her surrounding, chismosa ako.
"Elle! Balita ko may sinapak ka sa school niyo kanina?"
Nag pa tuloy ako sa pag lakad at nginitian ng malaki ang dumaan na hindi ko naman kilala pero pamilyar ang mukha.
"True yan, gusto mo ma experience?" Offered ko.
Nanlaki ang mata niya at bigla nala'ng tumakbo. Ngumiwi ako, chismosa. Ang dali lang talaga ng chismis, well maliit lang ang probinsiya namin kaya hindi na ako mag ta-taka.
Nag pa tuloy na ako sa pag la-lakad hanggang sa nasa harap ko na ang bahay. Binuksan ko ang gate at kumakanta'ng dinudukot ang susi sa bulsa ko. Ng nasa harap na ako ng pintoan at pag pasok ko ng susi ay naka bukas na agad ito.
