BInilhan ako ni Maby ng Mango shake habang hinhintay ko siya'ng tamad na nakikipag-laro sa claw machine, kanina pa siya dya'n at ako lang ang na-s-stress sa kaniya. Ilang ulit na din siya pasok ng pasok ng coins pero hindi niya pa din nakukuha ang premyo. Paano ba naman eh hindi niya inaayos!
Napatingin ako sa gusto niya'ng kunin.
Nanumbalik sa aking memorya ang nangyari noong bata pa lang kami dahil sa premyo na gusto niya. Kulay puting pusa.. May kulay puting pusa noon si Maby at madalas niyo iyon sinasama tuwing nag la-laro kami sa bukid o hindi kaya sa kakahoyan. Malambing ang pusa at hindi nag fe-feeling reyna hindi katulad ng iba kayq naman alagang-alaga namin iyon. Pinangalanan namin 'yon ng Anghel dahil sa puting balahibo nito.
Ngunit na aksidente ito ng hinabol ni Anghel ang umaway kay Maby noon.
Dahil sa nangyari doon ko nakitang umiyak ng sobra si Maby, hindi nga lang sa lahat kundi sa harap ko. Binigyan ko siya ng damit ko'ng kulay pink na may puting pusa at doon nag simula ang aming super crazy na friendship, tinatanong nga nila kung paano kami sobrang malapit sa isa't-isa gayon' sobrang layo naman ng personalidad namin.
We just shrugged.
Binaba ko ang mango shake saka lumapit sa kaniya, tumingin siya sa akin. "Ako na nga dya'n baka mabaliw ka pa kaka-kuha, tingnan mo ilang coins na ang nagamit mo paano nalang ang Siomai natin?" Umatras siya at nakatingin na siya sa laruan na pusa.
Humulog ako ng isang coin at dali-daling kinuha ang pusa'ng gusto niya ilang saglit lang ay nahulog ito..
"Hahahahaha! Sabi ko sayo may magic ang Mango Magic na binili mo!" Natutuwa ko'ng wika saka kinuha ang pusa'ng laruan sa baba. Inabot ko ito sa kaniya, kinuha niya at tiningnan ito ng nagnining-ning ang mga mata. "Ang pangalan niya'n ay Angel, tingnan mo oh pariho kayo'ng mukha." Nag high five kami bago ko kinua ulit ang mango shake ko.
"Ayos, paano 'yon?" Tanong niya sa akin at umopo din sa gilid. Nag isip muna ako ng ilang saglit bago sumagot.
"Hindi ko din alam eh pero alam ko'ng masarap ang Mango Magic." Nilapit ko sa kaniya ito at uminom din naman siya. Tumango siya ng dalawang beses. "Kapag gumawa ako ng krimin, mapapalaya mo ba ako?" Binitawan ko ang mango shake dahil hindi pa din siya tapon.
Tumingin ako sa mga tao'ng masaya'ng dumadaan.
"Hindi. Hangga't nabubuhay ako hindi'ng hindi ka pa-patay kahit na anong hayop pa man 'yan." Wika ko sa kaniya bago tumayo. "Tara na baka anong gawin no'ng isa do'n sa mga bruha nati'ng kasama." Pagpapatuloy ko. Tumayo siya pero hindi na sa akin binalik ang Mango Magic, alam ko naman iyon kaya nga ng naki-share ako kunti nalang 'yon.
Sabay kami'ng nag lakad.
"Baka kuya mo kunin niya sa'yo." Ngumiwi ako at bumuga ng hangin.
"Sofie Mateiyl maku-kuha ang nag pa-pakuha.." bulong ko sa hangin habang nakatanaw sa malaking cruz na pinapalibutan ng ilaw.
Malamig ang hangin kahit na sobrang dami ng mga tao at nag halo-halo ang usok. Makikita mo sa paligid ang mga mukha nila'ng nakangiti, nakatawa, at sumasabay sa malakas na kanta.
Pero lahat ng makikita mo ay mga naka maskara.
Mula sa entrance ng VIP area nakita ko agad na may mga alak na sa table, pero hindi ang pinagtoonan ko ng pansin. Paanong napunta si Nikkie sa tabi niya eh si Cane Brixflare naman ang katabi niya kanina, naka-tingin din ang blanko niya'ng mukha sa alak na nasa harap niya na wala pa'ng kulang.
"Elle, Maby!" Umikot ang mga mata ko ng mag salita si Kel.
May ngisi ito sa labi at alam ko'ng inaasar niya ako, kung bakit, hindi ko din alam. Sila'ng dalawa ni Timothy ang sobrang loko-loko, naaalala ko sa kanila ang Banana Pajamas.