Chapter 2

3 0 0
                                    


Matapos ang pangyayari'ng 'yon ay bumalik agad ako sa kanila saka wala'ng imik na umopo. Namalayan ko nalang na nakasunod din siya sa'kin ng maramdaman ko ang presensya niya, it's foreign.

"Hindi ka naman nag say na may chupapi friend ka bebe elle." Napangiwi ako at tumingin kay Heya. Isa pa 'tong bruha'ng 'to. Ang sarap niyo'ng i-donate sa mga kaibigan ni kuya.

Nakita ko'ng hindi komportable si bakla kaya hinampas ko ng mahina si Heya since siya naman katabi ni bakla saka malapit lang din naman. Inirapan ko si bruha heya.

"Shine your flag." Bulong ko habang pinag la-laroan ko ang mga kamay ko.

"P-public.." umirap ako.

"Ano naman ngayon? Hindi ka naman naka-tira dito at wala'ng maka-kakilala sa'yo. And if ever meron, so what? You are valid! Kung hindi pa sapat sinabi ko tingnan mo, tingnan mo talaga ang magagawa ko." Madiin ko'ng wika at pinikit ang mga mata ko.

Ano'ng oras na ba?

Pakiramdam ko inaantok na ako slight.

"Huwag mo'ng tingnan beshey, matatakot ka lang. Pasensya na sa bebe elle namin ha, no boyfriend since fetus kasi yan." Wika ni Avi.

Binuksan ko agad ang mga mata ko at akmang susugurin siya ng bigla ako'ng hinawakan sa dalawang braso ni Maby.

Ano!?

"Kalma kalma, totoo naman."

TANGINA!?

Bumitaw ako at sinamaan sila ng tingin.

Mga plastic friends! Oo mga kaibigan namin ang mga 'yan ni maby! Hindi lang halata kasi mga plastic nga, aba puntahan daw ako dito para maningil ng utang? Hindi pwede kapag may mga anak na sila saka ko na babayaran?

Palihim ako'ng napangiti ng makitang chinichismis na nila si bakla, nakatawa na din sila. Halata naman na hindi taga dito si bakla, he looks proper. Tas nag sasalita siya ng tagalog, far different from our language here.

Bakit kaya siya umiiyak kanina? Hayy chismosa lang ako pero alam ko kung kelan limitahan ang bibig ko.

"Bebe Elle~"

Pumikit ako at napangiti ng peke. Wala tayo'ng naririnig Elle, wala.

"Elleyy~"

Sinamaan ko ng tingin mula sa malayo ang tumatawag no'n sakin! Hindi naman ako bata para ganyanin!

Tumawa sila sa naging reaksyon ko, bumulong ako na sana hindi siya maka-tae mamaya, bukas, at mag pa kailanman.

"Ano." Nakangiwi ko'ng wika, ngumiti siya ng nakakaloko at hindi na kita ang mga mata niya. Palibhasa may lahi.

"Bakit ang tahimik mo ha." Nag tsk ako at umiling. Timothy sana hindi ka talaga maka-tae. Sa lahat ng mga kaibigan ni kuya, siya ang masasabi ko'ng very feeling close. Tapos sobrang daldal, naalala ko tuloy no'ng bata pa ako siguro mga 8? 8 ata ako noon at siya mga  14 o 15 pinipilit niya ako sabihin ko'ng sino ang pangalan ng..

A creepy smile flashed to my face.

It's to shine elle!

"Ikaw bakit ka nag pa-pacute ha?" I fired back. Nalaki ang singkit niya'ng mga mata.

Ano'ng akala niya madali ako'ng makalimot? Ulol Timothy na gurang.

Agad siya'ng ngumiti uli. "For you bebe elle." At nag flying kiss pa ang gago. Agad ako'ng ngumiti kahit na kita naman sa mukha ko na gusto ko'ng masuka.

Sige lang timothy, dadating din..

"Ano 'yon Timothy Spide Min?" Malaki ang ngiti ko'ng nag flying kiss pabalik kay timothy. Ngumiwi siya at mukhang natalo. Kuya will save the night!

AgapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon