Chapter 33: Finding the culprit.

31 0 0
                                    

Vinxe's point of view♪

Vinxe,

Hinanap na namin ni Sia kung sino ang may kagagawan ng lahat ng gulo dito saaming lugar at kani kanina lang ay mayroon kaming nakasagupa ngunit parang isang decoy lang ito ng ating kalaban upang tayo'y paglaruan at guluhin. Sa ngayon ay inaayos na namin ang gulo rito at magkita nalang tayo sa kampo.

-Ail.

Napakuyom ako ng kamao ko dahil sa nabasa kong sulat mula kay Ail. Ano ba ang pakay ng aming kalaban at ginugulo nila ang bawat bayan at lugar dito sa Astriliana? Sino ba ang taong nasa likod dito? Akmang babasahin ko na yung sulat naman ni Niz na pinadala sakin ng makarinig ako ng malaking pagsabog kaya naman ay hinawakan ko ang laylayan ng dress ko at tumatakbong lumabas ng aking silid.

Habang tumatakbo ako sa pasilyo ng aming palasyo ay nakasabay ko bigla si Venzio na tumatakbo rin. Mukhang pati rin siya ay nalilito na sa mga panyayari. Si Venzio ay hindi isa o kagrupo namin sa aming organisasyon ngunit alam niya ang mga pinag gagawa namin at ang aming kampo kaya't paminsan minsan ay pumupunta rin siya doon.

"What the hell is going on!?" Inis niyang sabi.

"Mukhang umaatake na naman ang kalaban." Saad ko sakanya. Napatingin ako sa bentana ng aming palasyo at malaking pinsala na ang nagawa ng aming kalaban sa bayan namin. Yung mga taong nag sisitakbuhan sa takot at yung mga taong umiiyak sa pagkasawi ng kanilang mahal sa buhay.

Binuksan ko ang isa sa bentana ng aming palasyo dito sa pasilyo at pumatong dito bago ko tinignan ang kababagsakan ko. Kung tatalon ako ay paniguradong ma e sprain yung paa ko o di naman kaya'y mababalian ako ng buto but if I jump and flip on the midair until I successfully land on the ground walang manyayari saking masama.

"What the hell are you doing Vinxe?" Kunot noong tanong niya sakin pero hindi ko siya pinansin at hinubad yung suot kong sandal. Akmang tatalon na sana ako ng mag takbuhan ang mga kawal papunta sa gawi ko at si Ciah.

"Mahal na Princesa! Delikado iyang binabalak mo!" Nag aalalang sigaw ni Ciah at nagmamadaling tumakbo papunta sa gawi namin.

"Mahal na Princesa, Mahal na Prinsipe pinapasabi saamin ng mahal na reyna at hari na kayo'y manatili sainyong silid at ginagawa na po namin ang lahat upang matigil na ang kaguluhan na ito." Hinihingal na tugon ng isa sa mga kawal saamin na may dalang mga pana at palaso. Napatingin naman ako sa labas ng palasyo at may nakita akong isang lalaking nakaitim na may hawak na bomba.

"Akin na ang iyong pana at palaso." Utos ko sakanya.

"Nguni---"

"Ngayon na!" Hiyaw ko ng makita kong ihahagis na ng lalaki ang hawak nitong pasabog. Wala namang nagawa ang kawal namin at binigay saakin ang pana at palaso niya.

Pinosisyon ko ang aking sarili at mariin na inaim ito sa lalaking nakaitim at nang masigurado ko nang matatamaan siya ng palaso ay pinakawalan ko na ito at bumulusok naman ito papunta sa gawi ng lalaki at tumama sakanyang leeg kasabay na sumabog naman ang kanyang hawak na pagsabog sakanyang kamay.

"Iligtas ang mga nasugatan sa gulong ito! Pasensya na ngunit hindi ko magagawa ang gustong manyari ni Ina at Ama." Sabi ko sakanila at tumalon sa bentana ng palasyo namin at pumaikot ikot sa ere hanggang sa maayos akong lumanding sa lupa at kahit nakapaa ay tumakbo nako papalabas ng palasyo.

Assassin Princess - Season #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon