Chapter 34: Unexpected enemy.

29 0 0
                                    

Harlow point of view♪

"Pinapasabi lang ng aming panginoon na nagsisimula na ang laro." Sagot niya kasunod ng pagtawa niya na parang baliw kaya dahil sa inis ko ay hiniwa ko agad yung leeg niya dahilan para mabawian siya ng buhay.

Damn!

"Harlow tara na sa kampo." Seryosong aya ni Lizzie sakin. Hinarap ko naman ang ibang mga kawal ko.

"Tulungan niyo ang mga tao sa bayan at pakisabi narin kay Ina at Ama na ako'y aalis na muna." Utos ko sakanila na kaagad din namang sumunod.

"Gagamitin mo ba ang iyong kapangyarihan?" Tanong ko naman kay Lizzie.

"Moron. It's too far away from here!" Bulyaw niya sakin. "Don't worry, may dala akong kabayo." Sabi pa niya kaya tumango nalang ako sakanya bilang tugon.







Ilang minuto din ay nakarating na kami ni Lizzie sa kampo at ngayon ay naglalakad na kami papuntang opisina ni Z ngunit nasa labas palang kami ni Lizzie ay rinig na rinig na namin ang galit na sigaw ni Vinxe.

"Damn that fvcking enemy! Damn him or she or whoever they are!" Galit na sigaw ni Vinxe na tila ba ay umuusok na ito sa matinding pagkainis at galit.

"Calm down Vinxe." Pagpapahinahon naman ni Sia sakanya habang yung kapatid niya namang si Ail ay ginagamot yung natamong sugat nito.

"May sumugod din sainyo Vinxe?" Tanong ko sakanya.

"Oo. Sainyo ba?" Balik tanong niya sakin.

"Meron din. Mayroon nga kaming nahuling kalaban at sabi nito saamin ni Lizzie ay nagsisimula na raw ang laro." Sagot ko naman dahilan para makuha ko ang kanilang mga attensyon.

"Laro?"

"So all this time ay iniisip lang ng kalaban natin na isa lang itong laro!? I will damn kill him or her!" Tugon naman ni Vinxe.

"Huminahon kayo. Kailangan mahanap na muna natin kung sino ang taong nasa likod ng malaking gulong ito." Sabi naman samin ni Z pero bigla ding naging alerto ng biglang mabasag ang salamin ng bentana ng opisina ni Z at may isang pluma kaming nakita na mukhang ibinalot nila sa bato upang ito'y maihagis saamin.




Vinxe's point of view♪

Lumakad si Niz at pinulot iyon.

"Its a message." Tugon samin ni Niz ng makita na niya ang laman ng pluma. "Wait.. it's not a message.. I.. I think its a clue." Kunot noong sabi niya samin.

"Read it." Utos naman ni Z.

"Roses are Red,
Violets aren't green,
It's not just a game,
It's all started in the past..." Pagbasa niya sa nakasulat sa papel. It's not just a game but it's all started in the past? What past? Did we do something before at hindi lang namin naalala?

"I think the clue on the message is the Red, Green and the past." Sabi naman ni Sia.

"So, what does it mean?" Kunot noong tanong ni Ail.

"Aaron..." Wala sa sariling bigkas ko na narinig pala nila.

"Ano ang iyong ibig sabihin Vinxe? Anong si Aaron?" Takang tanong naman ni Harlow.

Assassin Princess - Season #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon