Chapter 38: His side

37 0 0
                                    

Vinxe's point of view♪

Magkasama kami ngayon ni Z na pinipigilan ang mga kalaban sa pagpasok ng aming kampo nang biglang may naramdaman akong kakaiba at yung malakas na enerhiya akong naramdaman. Kaya't napalingon lingon naman ako sa paligid at napatigil yung mga mata ko sa sirang opisina ni Z.

Hindi ako pwedeng magkamali.. Kabisado ko ang malakas na enerhiyang iyon. Aaron...

"Z!"Pagkuha ko sa attensyon ni Z na abala sa pakikipaglaban.

"What is it?"Tugon nito sakin.

"Okay lang ba na ako'y aalis dito?"Sabi ko sakaniya kasabay mg paghiwa ko ng ulo ng aking nakalaban.

"Mukhang minamaliit mo na ata ako ngayon Vinxe."Nakangising sabi nito sakin kaya't napangisi nalang din ako tsaka tumango sakanya kasabay ng mabilis kong pagtakbo papunta sa sira ng opisina ni Z.

Palapit nako ng palapit sa opisina ni Z at pagkarating ko ay natigilan ako sa nakita ko. Si Ail na mayroong saksak sa bandang kaliwa nito habang si Sia ay walang tigil ang pagdaloy ng mga luha nito. Susugod at gagamitin na sana ni Harlow ang kanyang kapangyarihan mabuti nalang ay nandito nako at kaagad kong nahawakan yung kamay niya. Nahagip pa ng mga mata ko ang bahagyang pagngiti saakin ni Ail.

Silly girl..

Maghintay ka lang Ail.. hindi ka maglalaho.. Hinarap ko naman si Aaron at binigyan siya ng masamang tingin.

"Ohh.. Dumating na pala ang anak ng Empress at Emperor."Sarkastikong sabi nito habang may sarkastikong ngiti ding pinakawalan.

"Itigil mo na tong kabaliwaan mo Aaron."Malamig kong sabi dito habang napahigpit ang pagkakahawak ko saaking katana na puno na ng mga dugo. May mga daplis at mga sugat na din siya ngunit mas marami pakong sugat na natamo kesa sakanya.

"Nagbalik ka na pala.. Assassin Princess.."Nakangising sabi nito. Walang kaduda duda siya nga ang umatake saakin noon. "Anong pakiramdam ng mawalan ng alaala't naging mahina?"Tugon pa nito dahilan para matigilan ako. Siya ang nasa likod ng panyayaring iyon? Damn him.

"Will thanks to you nakatakas ako pansamantala sa realidad."Sarkastikong sagot ko sakanya dahilan para mapakuyom siya ng kamao. "At salamat dahil nakilala ko sila dahil sayo."Nakangisi kong sabi pa.

"Well... Magpapasalamat ka pa ba saakin kung dahil sakin ay nasa piligro ang buhay nila ngayon?"Saad niya dahilan para mapahigpit ang hawak ko saaking katana at sumugod sakanya na kaagad niya namang nasangga.

Hintayin mo ko Hiro... hintayin niyo ko. Ililigtas ko kayo...

"Attacking someone that doesn't remember anything about her past.. huh! How lame it is Aaron.. how pathetic!"Sabi ko sakanya habang nasa kalagitnaan kami ng labanan. Naalala ko na naman yung pagsugod niya sakin nong araw nayon.. yung araw na hindi ko pa naalala kong sino ba talaga ako.

"And how lame is it.. calling someone that doesn't even pick up the call..ohh.. poor you."Pang aasar niya sakin pero inikutan ko lang naman siya ng mga mata. Akala mo siguro tatalab yang pang aasar mo sakin. Tsk.

"Atleast I'm not like you.. revengeng someone that doesn't even know the reason why Lina died that day.. oh! Sorry let me correct! Maliit nga pala yang kukuti mo at hindi mo inintindi yung paliwanag namin! She even said that we will take care of you! Huh! Really!? Take care of you!? You're not even the Aaron she loved before! Because YOU'VE CHANGE A LOT!"Sabi ko dito kasabay ng pagyuko ko at iniwasiwas yung katana ko dahilan para mapuruhan ko ang kanyang tiyan at mapaatras ito ng bahagya pero bago yun ay nagawa niya pa din akong mabigyan ng sipa sa bandang tiyan ko.

"STOP IT!! Nagkakaganito lang naman ako ng dahil sainyo! Kung nagawa niyo lang sana protektahan si Lina ay magiging ayos pa sana ang lahat at walang malaking gulo ang manyayari!"Nanggagalaiting sigaw niya samin habang dinuro duro kami at napahawak sakanya tiyan na napuruhan ko.

"Hindi mo ba naiintindihan talaga Aaron!? Naipit na kami sa misyon na yon! Lahat kami ay may malalalim na sugat na natamo at halos 50/50 na yung buhay namin! Sa tingin mo maliligtas namin si Lina sa araw na yon ha!? Nag iisip ka ba talaga ha!!? O sadyang nilagay mo ba yang utak mo sa tiyan mo at pinalitan mo ng atay mo kaya hindi mo kami naiintindihan!!"Ganting sigaw ko sakanya. Ang hirap niyang paintindihin! Ang hirap niyang paliwanagan! Ilang ulit ba itong inire ng kanyang Ina at hindi niya maintindihan ang sinasabi ko!?

"Alam ko na alam mong may magagawa ka sa oras na yun Vinxe! Alam mo yun! Pero wala kang ginawa! Edi sana buhay pa yung babaeng mahal ko!"Sigaw niya pa sakin.

"I tried!! Hindi mo alam kong gaano kami gumawa ng paraan para iligtas siya! Pero ginamit niya yung kapangyarihan niya saamin para hindi kami makagalaw at makalapit sakanya NAIINTINDIHAN MO BA HAA!!??"Galit na galit ko ng sigaw sakanya. Ilang ulit ko bang ginagawa yung makakaya ko upang iligtas si Lina sa oras na yun? Ginawa ko na nga lahat ngunit wala pa rin! Napatigilan naman siya dahil sa sigaw ko sakanya at biglang naging blangko ang ekspresyon ng mukha niya dahilan para maging alerto ko.

"Nong namatay si Lina sa pangatlong misyon niyo na yun ay parang pinatay niyo na rin ako."Walang buhay nitong sabi saamin at maraming pinakawalang mga dugo niya na possibleng makakatapos ng kanyang buhay. "Sabagay wala nakong pakialam sa mga nanyayari sa nakaraan pa. Matagal nakong patay ng mawala siya."Walang emosyong banggit nito.

Napaatras naman muna ako ng bahagya bago nagbigkas ng spell na makakapagprotekta sakanila Sia.

"Hādo Purotekushon!"Bigkas ko at unti unti ng binalot ng aking spell sina Sia.

"Uruhàsi Kriyari. Dance Flames."Mahinang bigkas ko bago pinosisyon yung sarili ko at unti unti na naman ako binalutan ng mga nagsasayawang mga apoy bago sumugod kay Aaron na nasangga niya naman pero hindi rin nagtagal ay umilag at lumayo rin siya sa init na nilikha ng aking apoy.

"Faiyābōru."Bigkas ko at sunod sunod siyang pinaulanan ng mga bolang apoy na patuloy niyang iniilagan.

"Alam mo kong bakit ako nagkaganito? At kung bakit ako masayang nakangiti sa araw na yun?"Tugon nito saakin at malamig akong tinignan. Hindi naman ako umimik sakanya at nanatiling alerto sa gagawin niya saaking atake kapag nadidistract ako at magkaroon ng butas ang aking depensa. "Dahil yun yung araw na yun na dapat ay hihingiin ko na ang kanyang kamay."Malamig na sabi nito dahilan para magulat ako at nawala yung konsentrasyon ko. Hindi ko na namalayan na gumawa na pala siya ng atake dahilan para tumilapon ako sa pader at bahagya itong masira. "Dahil sainyo nawala ng parang bula ang plano kong yun, dahil sainyo nawala yung babaeng mahal ko."Tugon pa nito na may himig ng hinanakit kasabay ng paglapit niya sakin at mahigpit akong sinakal.

"Kahit sabihin niyo pang nagsakripesyo siya ay hindi niyo parin siyang nagawang pigilan! Kung sana ay ginamit niyo yung kapangyarihan ni Nizari upang makauwi! But It's too late! Wala nakong pakialam pa sa nanyari noon! Revenge is all I want!"Galit pa nitong saad sakin.

"B-bita..b-itaw..an m-mo ko!"Nahihirapan kong wika. Napatingin naman ako sa kanan niyang kamay na may kinagawa ng isang kutselyo gamit ang kanyang kapangyarihan.

"Hinding hindi niyo mababayaran ang lahat ng sakit na iyon sa isang sorry lang."Tugon pa nito kasabay ng pagbuga niya ng dugo dahilan para maging maluwag yung pagkahawak niya saakin.

Nahihirapan man ay napahigpit ako ng pagkakahawak sa katana ko at buong pwersa ko itong iwinasiwas sakanya dahilan para bumaon iyon sa dibdib nito. Dahil sa atakeng kong iyon ay nagawa kong makatakas mula sa pagkakasakal niya sakin at makalanghap muli ng hangin.



Assassin Princess - Season #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon