--
JANUARY 16, 2000
"Lovely kapag matanda natin, pakakasalan kita ha." Juane Akihiro Ortega, ages 6, pangarap niya na maging isang isang sikat na baker balang araw.
"Huh? Ano ba 'yang sinasabi mo? Alam mo naman na ayaw ko mag-asawa e, sabi ni Tita Suzie masasaktan lang daw ako." Mary Lovely Jade Collab, age 5, pangarap niya na maging isang interior designer. "Tsaka isa pa, si Kuya Clyde ang crush ko."
"Ayaw mo sa akin? Pogi rin naman ako gaya ng kuya e," ngumuso si Akie.
Umiling si Lovely, "sipunin ka kasi e. Lagi kang sumisinghot, natatakot ako na baka sa susunod na pagsinghot mo masama na ako sa loob ng ilong mo."
"Ikaw nga tabachoy e!""E atleast hindi ako siponin!"
"Baboy ka naman!"
"Wala akong kulangot!"
"Hindi ka crush ng crush mo kasi may girlfriend na si Kuya!" Sigaw ni Akihiro.
Unti-unting humibi si Lovely, namula ang ilong niya at at pumatak ang mga butil ng musmus na luho sa kanyang mga mata. "Ang sama-sama mo Akie! Simula ngayon hindi na kita bestfriend!"
"Hindi na rin kita crush! Mataba ka! Ah taba , taba, taba! Baboy! Baboy! Oink-Oink!" Pang-aasar ng musmos pa na si Akie kay Lovely.
---
MARCH 23, 2004
"Kuya, aalis na po kayo?" Usisa ni Love (10) sa naghahakot ng gamit na si Clyde, 14 years old.
"Oo eh," tugon niya at ginulo ang buhok ng bata.
"Kailan po ang balik ninyo?"
"Hindi na kami babalik Love," muli niyang tugon.
"Pati si Akie?"
"Oo, hindi naman kasi naman pwedeng iwanan si Akie dito e." Impit ito na natawa.
Sumulyap si Lovely sa loob ng kotse , saglit na nagtagpo ang mga mata nila. He gave her a half smile but eventually ay nawala rin ito. Natatampo pa rin siya kay Lovely pero hindi niya maitatanggi na sa pag-alis niya ay ma-mimiss niya si Lovely.
"I will comeback Lovely. Hahanapin kita tapos pakakasalan kita, I'll wait for that time. Sisiguraduhin ko na kapag binata at dalaga na tayo. Liligawan kita, at pakakasalan." Mahinang bulong niya.
--
BAE SUZY as Mary Lovely Jade Collab
LEE DONG WOOK as Juane Akihiro Myoui Ortega
KIM SEON-HO as Bernard Clyde Myoui Ortega
LIM JU-EUN as Krista Pelaez
PARK SE YOUNG as Coreen Na
Park Jo Hee as Nery Joy Del Monte
JANG MI-KWAN as Brylle Ramos
BINABASA MO ANG
UNTIL TRILOGY 2: UNTIL WE FALL IN LOVE
General FictionDo opposite attracts? Lovely Jade Collab seems to be the queen of misfortune because of the amount of problems she faces in her life. But despite that, the girl still chose to be more happy and contented. While Juane Akihiro Ortega is her compete o...