1

70 6 0
                                    

Excited ako dahil especial ang araw ngayon, first anniversarry kasi namin ng boyfriend kong si Gerald. Ngunit may kakaibang kaba sa aking dibdib na tila nag sasabing h'wag akong tumuloy. Kanina pa ito, habang nagluluto ako ng paborito niyang menudo pero pinipilit ko na iwagli sa isipan ko not until…

"Hmmm… Ahhh… Ang sarap niyan Gerald, sige pa. Ooooh~ Sige pa Gerald." Halinghing ito ng isang babae mula sa dorm ng boyfriend ko.  "Oh ang sarap ng ginagawa mo Gerald!"

Inasahan ko na naman na, parati namang ganito e. Panibagong araw, panibagong milagro, panibagong walang saplot na babae sa kama ng nobyo ko. May bago pa ba? 

"Boss Lovely! Anong atin?" Si Pako iyon, isa sa tropa ni Gerald at roommate niya. Alam na alam ng lalaking 'to ang gagawin para mapagtakpan ang ginagawa ng boyfriend ko. He always tolerate his best friend's infidelity, birds on the same feather flocks together.

Paglabas niya mula sa kwarto nila ay agad siyang humarang sa pintuan. Sakto ang malaki niyang katawan sa bukana nito.

"Hi, s-si Gerald ba nan—"

"Hinahanap mo si Ge? Wala dito e, lumabas kanina pa, tumawag ata  ate Venus niya e. Doon siguro pumunta,"

Sinungaling, napakasinungaling mo Pako.

"Gano'n ba? Ang sabi kasi kanina ni Mrs. Conception ay nandito raw si Ge—" napatigil ako sa pagsasalita nang makitako si Gerald mula sa likod ko Pako.

"Pako naka-alis na ba si— Lovely?" Halos manlaki ang mga mata nito nang magtagpo ang mga mata namin. Liningon niya pa ang loob ng kwarto bago ako muling tinignan, "m-magpapapali-liwanag ako."

"Hindi na, okay na. Aaalis na ako," naramdaman ko ang paghapdi ng mga mata ko at pamamasa ng mga ito. "N-Nag-enjoy ka ba? Siya nga pala…" tumikhim ako at kinalma muna ang nanginginig kong boses. "H-Happy first anniversarry,"

"Mahal…" halos manlaki ang mga mata niya nang makita ako. Hinawi rin niya si Pako para harapin ako sa gano'n niyang ayos, walang saplot, full of yuck! Sweats.

"M-Mauuna na ako, b-baka kasi… b-baka kasi hinahanap na ako ni Papa sa bakery. S-Sige…"

"Lovely mag-usap tayo,"

"Para saan pa? H'wag na, wala naman na tayong pag-uusapan." Peke akong ngumiti. "This isn't the first time naman na nakarinig ako ng mga unpleasant noises from your dorm."

"Lovely please mag-us—"

"Honeybum sino 'yan?" From the inside ay narinig ko ang isang pamilyar na matining na boses. Sigurado akong siya 'yon, imposible na magkamali ako. Sumulpot ang babaeng kulot sa likod ni Pako, kumot lang ang saplot niya sa katawan, magulo ang buhok at lagpas-lagpas rin ang lipstick niya, at pawis na pawis rin.

"Lovely?"

"Rosaly…"

Nang makita niya ako ay agad siya na  bumalik mula sa loob ng kwarto, kitang-kita ang hiya sa mukha niyang nang ngitian ko siya. It's Rosaly, my cousin. Pinsang buo, anak ng Tita Suzie ko.

"Lovely please m-makinig ka sa akin, pinilit niya lang ako. 'Yong nangyari sa amin. Wala lang 'yon, maniwala ka Lovely! Ikaw lang ang mahal ko." Halos manikluhod ang gagong 'to pero aanh

Nang talikuran ko sila ay unti-unti nang pumatak ang masasaganang butil ng luha sa mga mata. Malaya ang mga ito na nagpadausdos sa mga pisngi ko, hindi ko na inintindi ang halos kalahating oras ko na iginugugol para lang makapag-make up at maayusan ang sarili ko. I did expect it pero masakit pa rin pala.

Ngayon ang first anniversarry namin pero imbis na ako ay ibang babae ang kasama niya, imbis na nagse-celebrate kami ay naro'n siya kasama ang babae niya. Nag-iisa ang mga katawan, nagsasalo sa mainit na gabi na dapat ay akin, kahalikan ang babaeng hindi naman niya nobya.

Tahimik ko na nilisan ang lugar, mahina rinang bawat paghikbi ko. Ayoko na may makarinig sa akin na kahit sino, masayahin kaya akong tao. Hindi ako magpapatinag, iyak lang ng kaunti tapos laban ulit. Ipinaglihi kaya ako ni Mama kay Sang're Danaya, hawak ko ang brilyante ng lupa.

"Loves condolences, nabalitaan ko ang nangyari sa nanay mo." Napatigil ako sa paghikbi nang marinig ko ang sinambit ni Mang Kulas.

"A-Ano ho?"  Takang tanong ko.

"Napakabata pa ng nanay mo, nakakagulat ang nangyari sa kanya."

Hindi ko mabatid ang sinasabi niya, siguro ay dahil wala pa sa sistema ko ang makinig sa mga tao dahil sa nangyari sa amin ni Gerald.

"A-Ano po 'yon Mang Kulas?" 

"Hindi mo pa ba nababalitaan?"

"Nabalitaan ang ano po?"

"Hindi ba't ngayon ang uwi ng nanay mo?" 

"O-Opo… Sinundo po siya  ni Tito Rusty kanina,"

"Hindi ko alam kung ako ang tamang tao para sa'yo, iuuwi na muna kita sa inyo."

Tila kinabayo ang dibdib ko nang marinig ko ang mga salitang 'yon mula kay Mang Kulas, may masama bang nangyari? A-Anong meron?  Bakit siya nagko-condolence? 

Mas lalo akong nakaramdam ng pagkatuliro,  hindi naman mainit ngunit bigla akong pinawisan ng malamig. Namasma ultimo mga kamay ko, naramdaman ko rin ang tila kakaibang pakiramdam na nagpapabigat sa dibdib ko. 
Kailangan kong tawaganMula sa shoulder bag ko ay hinanap at kinapa ko ang cellphone na mula kay mama ngunit hindi ko ito makita, halos ilaglag ko na ang lahat ng gamit ko sa loob ng tricycle ngunit wala pa rin. Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko kasabay ng sunod-sunod rin na pagragasa ng mga luha ko. Wala 'yong tigil hanggang sa makarating ako sa bahay kung saan naabutan ko ang lahat ng tao na abala sa pag-aayos ng mga lona, upuan, at mga ilaw.

"Lovely condolence."

"Hija condolences."

"Noong nakaraang buwan si Dante ang napatay sa loob ng kulungan, ngayon si Angel naman. Kawawa naman si Love, nag-iisa na nga lang na anak, naulila pa."

Maraming mga bulong-bulongan, maraming mga taong nagkukumpulan ngunit tila wala akong nakikita dahil sa malabong pigura ng paligid. Bukod sa mga ilaw at kukay itim na jar na nasa gitna ng mga bulaklak ay wala na akong iba pang nakikita pa. Gustong-gusto ko na sumigaw ngunit tila walang mga salitang namumutawi sa bibig ko, hanggang sa lapitan ako ng mga kaibigan kong sina Nerie at Brylle.

"Bess…"

"N-Neri… Brylle… S-Si Mama…"

"Our condolences Bam."

Ang kaninang tahimik na mga luha na pumapatak sa mga mata ko ay nahaluan na ng mga hikbi at palahaw na kanina ko pa pinipigilan. Para akong pinatay ng dalawang beses ngayong araw, hindi ko alam kung anong sakit ang uunahin ko dahil dalawang tao ang nawala sa akin ngayon.

Lovely nga ang pangalan ko pero pakiramdam ko ay pinagkaitan ako ng pagmamahal. Deserve ko ba ito?

Tatlong araw na binurol si Mama sa bahay namin and right after ng libing ay akala ko matatapos na ang kalbaryo ko but I'm wrong. Pinalayas ako ng tita ko sa sarili naming bahay, katwiran niya, wala na akong pakinabang sa kanila dahil wala na akong magulang. Hindi na sila maaambunan ng mga padala at pabagahe ni mama, ganyan sila e, mga masasamang nilalang.

Ilang araw rin akong nakitira kina Neri, may isang linggo naman akong nakitira kina Brylle hanggang sa ma-contact ako ni Ninang Marissa, kaibigan na matalik ni  Mama, at ayain ako na makitira at magtrabaho sa kanila. Matapos ng mga masasakit na pangyayari sa buhay ko, I think I deserves rest. Deserve ko naman siguro na maging okay at magmove-on kahit papaano 'di ba?

UNTIL TRILOGY 2: UNTIL WE FALL IN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon