MARY LOVELY JADE COLLAB
May ilang araw ko na rin sigurong hindi pinapansin ang demonyong ama ni Cedric, he deserves it naman. After niya ako sabihan ng mga gano'ng salita, mag-eexpect siya na papansinin ko siya? In terms of pagtitiis, kaya ko pa naman na pakisamahan siya basta hindi ko lang siy papansinin. Sumusubra na siya, masyado nang mataas ang tingin sa sarili niya porket isa siya ang may-ari ng bahay na tinitirhan ko. Sa totoo lang, mabait ang parents niya, even his Kuya Clyde. Ni hindi nila ako napag-sasalitaan ng mga gano'ng salita na nabibitiwan ni Akihiro, minsang nga iniisip ko na baka ampon 'yong lalaking 'yon o 'di kaya naman napalit sa ospital. Ang pangit kasi talaga ng ugali niyang hayop siya.
"Lovely, hija, pasensya na at maiiwan kayo ulit ng apo ko dito sa bahay." Si Ninong Pocholo iyon habang ibinababa ang maleta nila ni Ninang Marissa, may flight sila pa-Canada ngayon, 'yong pangalawang anak kasi ni Ninong na sumunod kay Kuya Clyde na si Kuya Valentine ay citizen na sa Canada at binabalak na i-petisyon silang dalawa..
"Don't worry hija, sisilip-sipin naman kayo ni Clyde kapag day-off niya at nandito naman rin si Akihiro para bantayan kayo." Si Ninang Marissa iyon habang papalapit sa akin. "Oh heto," aniya at inabutan ako ng puting sobra na makapal. "Panggastos iyan sa bahay, pwede ka rin kumuha ng panggastos mo riyan at kung magkulang man 'yan, humingi ka na lang doon sa dalawa. Nagkakaintindihan ba tayo?"
Nag-aalangan ako na tumango at peke na ngumiti, iniisip ko pa lang na ilang buwang walang Ninang Marissa at Ninon Pocholo sa tabi ko ay kinakabahan na ako. Baka sa mga araw na wala 'yong dalawa ay mas lalo akong demonyohin nitong si Akihiro, baka sa mga araw na wala sila ay lumabas ang totong sungay nito.
"Mag-iingat kayo rito ha," ani Ninong Pocholo nang mag-mano ako. Hinaplos pa niya ang ulo ko saka ngumiti. "Ingatan mo si Cedric, ingatan mo rin ang sarili mo."
"Opo Ninong, mag-iingat rin po kayo ni Ninang."
"Lovely ko," ani Ninang na patakbo na lumapit sa akin at yumakap. "Babalik kami ha, sa susunod isasama ka na namin. Kayo nina Kuya Clyde mo at ni Akihiro." Humalik siya sa noo ko bago niya ako yakapin na muli.
Two months silang mananatili sa bansang Canada bilang isang tourist, sabi ni Kuya Valentine ay gusto niya na maging pamilyar ang mag-asawa sa bansang 'yon dahil doon na sila maninirahan na dalawa sa susunod. Si Akihiro ay mananatili dito sa bahay, kanya kasi ito. Ito ang isa sa mga mana niya. Si Kuya Clyde naman ay may ginagawang bahay sa kabilang bahagi ng village na tinitirhan nila, iyon naman ang kay Kuya.
Nang maka-alis ang mag-asawa ay pumasok na ako sa bahay at isinara ang pinto, balak ko balikan si Cedric sa kwarto niya para tignan kung tulog pa ba ito ngunit napahinto ako ng mamataan ko si Akihiro na pababa ng hagdan. Naka-suot ito ng pambahay at mukhang wala na namang balak na pumasok sa trabaho niya.
"Umalis na ba sila Mama?" Tanong niya, tango lang ang isinagot ko sa kanya. "Kumain ka na?" Sa pagkakataon na ito ay hindi ko na siya sinagot, nilampasan ko na siya at nagtungo na ako sa kwarto ni Cedric.
Akala ko ay ligtas na ako ngunit mali ako, naririnig ko ang mga yabag niya sa may likuran ko. Mukhang sinusundan niya ako. Welp, I don't want to overthink pero siguro naman ay hindi niya ako bubwisitin this time. Sana ay ang anak niya ang dahilan kung bakit siya sumusunod sa akin.
"Good morning little angel," bati ko nang makalapit ako sa crib ni Cedric. Nakangiti niya ako na tinignan at nagpapasag pa na para bang excited siya sa pagdating ko. "Ano ang gusto ng baby na 'yan? Nagugutom na ba ang baby ko na 'yan?" Tanong ko sa kanya habang binubuhat ako na sa if ay sasagutin ako ni Cedric.
"Good morning anak," narinig kong sambit ni Akihiro mula sa likuran ko. Humalik pa siya sa ulo ng bata at hinaplos ang pisngi ni Cedric.
"Da-da," nakangiting sambit ng bata at pumalakpak pa.
BINABASA MO ANG
UNTIL TRILOGY 2: UNTIL WE FALL IN LOVE
General FictionDo opposite attracts? Lovely Jade Collab seems to be the queen of misfortune because of the amount of problems she faces in her life. But despite that, the girl still chose to be more happy and contented. While Juane Akihiro Ortega is her compete o...