4

43 4 0
                                    


"Kumusta ka naman diyan? Nakakakain ka naman ba ng maayos?" 

"Brylle, kalma ka riyan okay? Ilang beses mo nang naitanong 'yan simula pa kanina, ilang beses ko na rin 'yan na nasagot ah." Natatawa kong sambit matapos akong tanongin ng kaibigan at kababata kong si Brylle sa ika-apat na pagkakataon tungkol sa kung ano ang lagay ko rito sa bahay. Narito ako ngayon sa salas, naka-upo sa sofa habang ka-video call ko siya.

"Naninigurado lang ako, malayo ka na kaya ngayon." Ngumuso pa siya, "kapag may oras na ako. Dadalawin kita riyan ha, magdadala akong paborito mong mangga."

"Sige ba pero magpapalam muna ako kina Ninang at Ninang, syempre h'wag mong kakalimutan si Nery. Sinasabi ko sa'yo, magtatampo 'yon."

"Dating gawi ulit? Kapag pupunta ako sa inyo, kailangan lagi ko siyang tangay?" Hagigik pa niya. 

"Oo naman,'di ba trio tayo? Walang maiiwan,"

"Noted po," mahina siyang natawa. "Pero Love, pwera biro." Sumeryoso ang tono nito.

"Ha? Ano 'yon?"

"I miss you, "

"Kalma ka buhay pa naman ako, wala pa naman akong balak na sumunod kina Papa." Pagbibiro ko pa ngunit mukhang hindi ito ikinatuwa ni Brylle dahil narinig ko ang buntong hininga niya. "Uhm.. Paano ba? May video call naman ah, may social media pa. Pwede tayong magtawagan kapag hindi ka busy."

"It's not enough, iba pa rin 'yong nandito ka at kasama kita—kasama ka namin. At saka isa pa, alam kong mahirap ang pinagdaraanan mo tapos mag-isa ka pa."

"Magiging okay rin ako Brylle, hindi pa nga lang ngayon pero chill darating din tayo sa part na 'yon. Sa ngayon, hahayaan ko na muna na magsink-in ang lahat sa akin," peke akong ngumiti. Si Brylle naman ay nagpatango na lang. Humaba pa ang naging usapan naming dalawa hanggang sa matapos ang break-time niya. Nasa trabaho kasi siya ngayon, accountant siya sa isang banko sa Cebu kaya.

"So ulila ka na pala," 

"Akie ikaw pala," nang maibaba ko ang Ipad ko ay si Akihiro agad ang namataan ko na kakababa lang ng hagdanan. Dumiretso siya sa mahabang sofa na kinahihigaan ko kaya naman agad ko na bumangon at isiniksik ang sarili sa dulong bahagi ng sofa. 

"Condolence," aniya habang papa-upo sa kabilang dulo ng sofa. 

"Thank you for you symphaty."

Tumango lang siya saka inabot ang remote na nakapatong sa coffee table at nagbukas ng television. Hindi ko alam kung aalis na ba ako dito sa pwesto ko, sa tuwing mahahagip kasi ng mga mata ko si Akihiro ay naaalala ko ang ginawa niyang pagnanakaw ng halik sa akin kaninang alas-tres.I hate the feeling, naaasiwa talaga ako. 

Huminga ako ng malalim bago ko isara ang case ng Ipod ko, napagdesisiyonan ko na bumalik na lang sa kwarto. I don't know but  pakiramdam ko ay hindi ko kayang tagalan ang presensya ni Akihiro after what happened. Nang akmang tatayo ako ay naramdaman ko ang paghawak niya sa braso ko. 

"Bitiwan mo ako," mahinang sambit ko. 

"Are you disgusted by my presence?"

"H-Huh? A-Ano ba 'yang sinasabi mo?"

"Tagalugin natin, tutal ay mukhang hindi mo naintindihan ang sinabi ko dahil English 'yon."

"I can understand english,I  just didn't really heared what you said."

"Wala na akong magagawa kung bingi ka,"

"Wala naman sigurong mawawala kung uulitin mo 'di ba?"

"Uuulitin ko ang sinabi ko lang ang sinabi ko kapag hinalikan mo ako."

UNTIL TRILOGY 2: UNTIL WE FALL IN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon