14

43 2 0
                                    

SIMULA noong araw na tinanong ako ni Akihiro kung pwede niya ako ligawan ay talaga namang kitang-kita ko ang naging effort niya , he is very passionate na maging perfect boyfriend and at the same time ay perfect ideal husband para sa akin. Sa umaga ay parati ko siyang nakikita na tumutulong sa mga kasambahay sa paglilinis ng bahay, he even cooked for us, washes the dishes, and do the laundry. Madalas niya rin akong pinadadalhan ng iba't-ibang kalse ng bulaklak kagaya ng roses, tulips, carnation, everlasting, daisies, sunflowers, at marami pang iba. Talagang disidido siya na ligawan ako sa nagdaang mga araw at buwan, inaamin ko na nakakaramdam rin naman ako ng kilig. Noon pa, I'm just a little indenial about it.

Naaalala ko pa nga noong mga bata kami e, he used to ask me kung pwede raw ba niya akong ligawan kapag tumanda na kaming dalawa. I couldn't remember my answer on his question pero baka nireject ko siya kasi 'yon rin 'yong araw na nagstart siya na mambwiset sa amin na nadala niya hanggang ngayon na matatanda na kami .Tumigil lang siya nito lang, may hinihingi kasi siyang pabor kasi siya sa akin e. Although hindi naging maganda 'yong way ng paghingi niya at you know, may nangyari pa sa pagitan namin ay pumayag pa rin ako. Alang-alang ito kay Cedric, sa anak ni Akie. Kawawa naman kasi 'yong bata, wala siyang nanay. I mean meron naman but base sa mga naririnig kong kwento ay hindi karapat-dapat na maging isang ina si Coreen. Kaya nga, hinanda ko na ang sarili ko sa pagiging instant Mommy niya e at isa pa napamahal na rin siya sa akin ng sobra

Abala ako ngayon sa pagtitimpla ng gatas ni Cedric, nasa kusina ako at nagtatakal nang maramdaman ko ang dalawang pares ng braso na pumulupot sa beywang ko. I know it's Akie, sa nakalipas na buwan ay naging habit niya na ito sa tuwing nakikita niya ako na mag-isa.

"I miss you," mahinang bulong niya.

"Akie pag nakita tayo ni Ninang na ganito ang ayos baka pagalitan niya tayo sige ka." Sambit ko nang saglit kong ihinto ang pagtatakal ng gtas.

"I don't care, I wanna hug you cause I miss you so much." Aniya at mas lalong humigpit ang pagkakayakp sa akin.

"God Akie! Kakakita lang kaya natin kanina, sasaglit ka lang umalis na-miss mo na ako agad."

"Masama bang ma-miss ang future girlfriend ko?"

"SUSMARYOSEP AKIHIRO!" Sasagot sana ako ngunit napahinto ako ng marinig ko ang malakas na sigaw ng Ninang na kakapasok lang sa kusina, kasunod niya ang Ninong Pocholo na halos lumuwa ang mata ng makita kami. Kasunod rin ni Ninang si Kuya Clyde at girlfriend nitong si Krista na mga tawang-tawa naman.

Well, ilang buwan kaming naiwan nina Akie at Kuya dito sa bahay, wala naman kaming pwedeng itago kay Kuya Clyde dahil dinaig pa yata nito ang may super-hearing at naririnig niya ang usapan namin ni Akie kahit gaano pa kami kalayo. Chismis buddy niya si Ate Krista na siya namang nagtuturo kay Akie kung paano ako mapapa-amo, siya rin ang taga takbo ni Akie lalo kapag may surprise gift ang loko sa akin. Torpe raw kasi itong si Akie, never nagka-girlfriend kung kaya't itong si Krista ang kanang kamay niya, tagapayo, at kakuntyaba sa lahat.

"What's this?" Siyang tanong ng Ninong.

"Ma, Pa, obviously ay nabubuong love team dito sa bahay." Si Krista ang sumagot.

"Anong loveteam- love team ang pinasasabi ninyo dyan? Bakit wala kaming alam?" Siyang tanong ulit ni Ninong, tawa lang ang isinagot ni Krista sa kanya.

"Mom, Dad, presenting ang dalawang hindi inaasahang love birds. Oo, kahit ako hindi ko inaasahan. KUNWARI. Kasi saksi ako sa bangayan, sampalan, asaran, nilang dalawa kahit na alam ko na itong si Akie ay nagpapansin lang." So ayon, let me introduce the future parents of Ayn Cedric Eizekyle Ortega. Akie and Lovely."

"So ito pala 'yong sasabihin mo na good news sa amin Akie?" Si Ninang iyon, nanunubig ang kanyang mga mata. "Pocholo, mag-aasawa na ang bunso natin." Umiiyak nitong sabi at yumakap kay Ninong na natawa na lang sa naging reaksyon ng Ninang.

UNTIL TRILOGY 2: UNTIL WE FALL IN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon