2

59 4 0
                                    


"Kumain ka lang ng kumain hija, magpakabusog ka. Sa'yo ang lahat ng ito," masayang sabi ni Ninang Marissa.

 Narito ako ngayon sa bahay nila, sinundo nila ako mula sa bahay nila Brylle kahapon ng madaling araw gabi na ng dumating kami ni Ninong Pocholo at Kuya Clyde dito sa Manila dahil napakalayo ng Cebu.  Halos twenty-one hours din ang naging biyahe namin lulan ng van na pagmamayari ng pamilya Ortega.

"S-Salamat po Ninang, Ninong sa tulong po ninyo. Hayaan ninyo po. makakabawi rin po ako sa inyo sa susunod." 

"Naku! Anong bawi-bawi ang sinasabi mo riyan? Feel at home, ituring mo na sa'yo rin ang bahay namin." Si Ninong Pocholo naman 'yon, asawa siya ng Ninang. "Sa wakas Marissa, may magmamay-ari na sa bakanteng kwarto sa taas."

"Naniniwala talaga ako na that empty room upstair is meant for Lovely kaya siguro hindi tayo binigyan ng anak at apo na babae.

Parehong lalaki ang dalawa ang anak nila Ninong Pocholo at Ninang Marissa, sila ay sina Kuya Clyde, 30 years old at Akihiro, 25 years old. Pareho na silang graduate na dalawa kaya naman medyo nakaka-ahon na sila sa buhay, makikita iyon sa uri ng pamumuhay na mayron sila. May tatlong floor ang bahay nila, may dalawang pool rin ito sa loob at sa labas, may apat rin silang sasakyan, at nagmamay-ari sila ng tatlong coffee shop. Isang supervisor sa isang construction company ang panganay nila na si Kuya Clyde, guwapo ito, matangkad, mabango, at talaga namang napakabait. Parati  rin itong nakangiti na mas lalong nakakapagpa-shine ng kanyang overflowing visual. Unlike sa kanyang kapatid na si Akihiro, na isa namang baker at  coffee shop owner, unlike Kuya Clyde, malayo ang loob namin ni Akihiro sa isa't-isa kahit noong mga bata pa kami. Kapit-bahay namin ang pamilya nila Ninang  dati ngunit kinailangan nila na lumipat matapos madestino ni Tito Pocholo sa Manila kasabay ng pag-aaral ni Kuya Clyde ng college. Noon ay madalas akong iniiwanan ni Papa sa bahay nila kaya malapit ang loob ko sa mag-asawa.

"Alam mo ba hija, noong malaman ng Ninang Marissa mo ang nangyari sa'yo matapos ang libing ng Mama mo ay hindi na mapakali 'yan. Halos araw-araw niya akong tinatanong kung nasaan ka o kung na-contact ka na ba ng Kuya Clyde mo." Magiliw na pagku-kwento ni Ninong habang ipinasok ang gamit ko sa loob ng kwarto. 

"E paano ba naman? Napakademonyo ng Susan na 'yan, buti nga e hindi kami nagkatagpo kung'di kakaladkarin ko talaga siya." Gigil na sabi ni Ninang nang makapasok siya sa kwarto na pagtutulugan ko.

"Si Mama talaga, kahit kailan ay napaka-warfreak. Tapos magtataka siya bakit gano'n ang ugali ni Akihiro." Natatawang sabi ni Kuya Clyde. 

"H'wa kang makikinig sa Kuya Clyde mo Lovely, basher ko talaga 'yan pati na ang Ninong Cholo mo. Mabuti na rin at nandito ka, magkakaroon na ako ng kakampi at syempre shopping buddy." Yumakap pa ang Ninang sa akin matapos noyang sabihin 'yon.

"Mabuti pa Lovely, magpahinga ka na muna. Matulog ka pa, iiwanan ka na muna namin dito. Kapag nagugutom at nauuhaw ka, sabihan mo lang ang Kuya Clyde mo. Siya na ang bahala sa'yo," si Ninong Pocholo 'yon. "O siya mauuna na kami at magbebe-bebe time pa kami ng Ninang mo." Biro pa ni Ninong bago sila lumabas ng kwarto.

"Kahit bahay mo lang ako," nakangiting sabi ni Kuya Clyde. "Paglabas mo ng pinto, kwarto ko na agad 'yon. H'wag kang mahihiya na magsabi, katok ka lang."

"M-Maraming salamat po sa inyo..."

"Naku ikaw talaga, dapat ang ipinangalan sayo Thankful hindi Lovely. Puro ka thank you e," pabirong sabi pa ni Kuya Clyde.

UNTIL TRILOGY 2: UNTIL WE FALL IN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon