13

39 2 0
                                    

"Mom, pag-uwi ninyo may ibabalita ako na tiyak na ikatutuwa ninyo ni  Daddy." Masayang sabi ni Akie kay Ninang Marissa, nakaharap siya ngayon sa kanyang laptop at ka-video call ang Mommy niya

"Ano na naman 'yan Akihiro? Baka babae na naman 'yan ha. Hindi kita pinalaking babaero." Mapang-asar na sabi ng Ninang at kumindat pa sa akin. Nakatayo kasi ako sa may likuran ni Akie at hinehele ko ang nagtatantrums na si Cedric. 

"Si Mommy naman," pikon nitong sabi. " Alam mo naman na never ako nagka-girlfriend tapos sasabihin mo babaero ako." 

Humagalpak naman ng tawa ang Ninang Marissa, "kaya nga nagulat ako na nabuntis mo ang si Coreen na girlfriend ng kuya mo e. Akalain mo 'yon, ang anak kong torpe nakabuntis ng babae." 

"Mama aksidente 'yon, at isa pa I don't want to hear that story and her name again. Kinikilabutan lang ako kapag naaalala ko e, okay na ako sa anak ko. I don't need her."  Sumulyap ito sa akin bago ibalik ang mga mata sa monitor. "May babae nang nagpapasaya sa akin e, wala siyang katulad." Sinsero nitong sabi. 

Batid ko na ako ang binabanggit niya, and there is something inside me na talagang natutuwa sa hindi malamang dahilan. Siguro kasi hindi pa rin ako makapaniwala na 'yong dating kaaway ko ngayon ay nanliligaw na sa akin. I mean, alam kong may dahilan kung bakit niya ito ginagawa pero hindi ko na iniisip 'yon. He's very genuine , minsan nga pakiramdam ko ay hindi na lang para kay Cedric ang ginagawa niya. 

"Magpahinga ka na, ako na ang bahalang magpatulog kay Cedric." Aniya nang makapasok siya sa kwarto ng bata. Kakauwi niya lang galing sa shop niya na muli niyang binuksan last week. 

Agad ko siyang nilingon, nakatalikod kasi ako sa may pinto at nakaharap sa kuna ni Cedric. "Hindi na, ikaw ang magpahinga." Pagtanggi ko pa. "Kagagaling mo lang sa trabaho e, kumain ka na ba?"

"I'm still full, nanlibre kasi si Yohan kanina dahil buntis na naman ang asawa niya. Nag-celebrate lang kami." nakangiting sambit niya. Tumungo siya sa likuran ko  saka ipinuluput ang mga braso sa beywang ko. Naramdaman ko na ipinatong niya ang baba sa balikat ko. "Ang bata na 'yan, ayaw pa matulog. Pinahihirapan mo na naman ang Mama mo, ano?" 

Sanay ako na tinatawag ni Cedric ng Mama, simulan noong matuto siya na banggitin ang salita na iyon ay iyon na rin ang itinawag niya sa akin pero ang marinig ang salita na 'yon mula kay Akie. 'Yon yata ang bagay na kahit araw-araw kong marinig ay maninibago at maninibago pa rin ako, he changes a lot kasi. At talagang  desidido siya na maging better para sa amin ni Cedric.

Sa ayos naming tatlo, kung titignan ay para na kaming isang buong pamilya. Despite the fact na hindi sa akin galing ang bata. Inaamin ko na masaya ako sa ganitong set-up namin, ulila na kasi ako 'di ba? Nag-iisa na lang sa buhay at talaga namang naghahanap ako ng pagmamahal ng isang pamilya kaya siguro walang pagtanggi ko rin na tinanggap ang alok ni Akie kasi ayokong maging mag-isa. Atleast sa pamamagitan ng pagtulong ko sa kanilang mag-ama kahit papaano ay matutulungan ko rin ang sarili ko na makabangon kahit papaano. 

Nang makatulog na si Cedric ay ibinaba ko na siya sa kuna niya at kinumitan, si Akie naman ay naupo sa kama na narito sa kwarto. Hindi ko maiwasan na tignan siya, nababother kasi ako sa ginagawa niyang pagkapa at pagpsil sa balikat niya. Mukha yatang masakit ang bahagi na 'yon kaya naman agad ako na umakyat sa kabilang side ng kama at tinungo ang direksyon niya para imasahe ang parteng balikat niya. 

"Ako na ang bahala," aniko nang hawakan ko ang magkabilang balikat niya at marahan ko ito na iminasahe. "Magpahinga ka na rin after nito."

"Love, pwede bang matulog tayo ng magkatabi?" He said softly as he turn  his face to look at me.  "It's been a month na rin kasi simula noong huli tayo na naging magkatabi sa kama, nagalit ka pa nga no'n." 

Matikong nag-flashbask sa isipan ko ang mga tagpong 'yon, agad akong napa-iling dahil sa totoo lang ay hindi pa rin ako nakaka-move on. Masaya naman ako na paninindigan niya ako at willing siyang magbago for me pero ewan ko ba sa sarili ko. 

"P-Puwede naman pero..."

"Alam ko ang nasa isip mo, chill ka lang. Walang mangyayari sa atin. Gusto ko lang na makasama ka, mayakap ka. Matagal ko na kasing gustong gawin 'yon, matagal na panahon ako na naghintay Lovely. Naalala mo ba noong mga bata tayo? Sinabi ko sa'yo na gusto kitang pakasalan kasi noon pa lang, noon pa lang gusto na talaga kita." He said, a confession to be exact. Napa-awang ang pang-ibabang labi ko sa narinig mula sa kanya, hindi ko  kasi inaasahan na sasabihin niya iyon.

"Akie..." 

"That's the truth," gumuhit ang mga ngiti sa labi niya. Kasabay ng pagharap niya sa akin, sinapo niya ang magkabilang pisngi ko at direkta na tumitig sa mga mata ko. "Yong mga pang-aaway ko sa'yo at pang-iinis no'n. Way ko lang 'yon para asarin ka, para magpapansin." Natatawa niyang sabi habang hinahaplos ang pisngi ko.

"Alam mo gago ka, alam mo bang gabi-gabi akong umiiyak dahil sa mga sinasabi mo sa akin noon? Ang sama ng ugali mo Akihiro." Gusto kong mainis, gusto siyang sabunutan but I ended up laughing. KrAzy Lovely.

"Sorry na nga e," tumawa rin siya. "Hindi ko kasi alam kung paano mo ako mapapansin."

"Siraulo ka! Napakademonyo, guwapo ka nga pero ang demonyo naman ng ugali mo." 

"Wait what? Guwapo ako?" Nagbago bigla ang tono niya, tono na para bang nang-aakit. 

"O-Oo, guwapo ka naman talaga. K-Kasi parehong maganda at guwapo sina Ninong at Nina-AH!" Hiyaw ko nang dumukwang siya dahilan para mapahiga ako sa kama at agad na kinubabawan ako. "Akala ko ba tabi lang tayo? Bakir ka nariyan sa ibabaw ko ngayon?" 

"Chill, masyado kang kabado babe." Pilyo itong natawa, "Na-flutter lang ako sa sinabi mo," aniya at humiga sa tiyan ko. "Sa napakaraming tao na nagsabi sa akin na guwapo ako, sa'yo lang ako kinilig. Hindi na tuloy ako makapaghintay sa mapangasawa ka." 

"Ako rin..."  wala sa sariling sambit ko habang hinahaplos ko ang buhok niya.  "Soon Akie," bulong ko kasabay ng pagkurba ng labi ko sa isang ngiti.

Mabilis na nag-angat ang ulo niya, "what do you mean?"

"Nothing, matulog ka na, Magpahinga ka, bukas na lang tayo mag-usap." 

"If you say so," muli siyang ngumiti. "I love you, my Lovely."

UNTIL TRILOGY 2: UNTIL WE FALL IN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon