Part 7

85 1 0
                                    

Habang nagbabasa ng libro si Ellie ay biglang nakaramdam sya ng kakaiba sa kanyang tyan na parang hinahalukay ito. Agad syang tumakbo sa banyo at doon ay naduwal sya.

Dahil sa isa syang medicine student ay alam na alam nya kung ano ang dahilan ng kanyang morning sickness.

Kinabahan sya at di nya alam ang gagawin nya nabuntis sya ng kanyang nakakatandang kapatid. Ngunit para makasigurado ay agad syang pumunta sa pinakamalapit na pharmacy at bumili ng Pregnancy Tesd o (PT).

Sakabilang dako naman ay si Harvey ay busy parin sa pagtatrabaho nya sa Bar ni Johan. Dumagsa ang mga kababaihang gustong mag party party sa bar ni Johan dahil sa sikat na may isang napakagwapong bartender ang Black swan Bar (BSB)

Madalas na madaling araw ng nakakauwi si Harvey sa kanilang bahay at wala na silang oras para mag kita ni Ellie. Kapag umaga'y maagang umaalis si Ellie dahil sa malapit na ang finals nila habang si Harvey naman ay tulog pa ngunit hinfi parin nawawala ang breakfast in bed na laging hinahanda ni Ellie para kay Harvey.

Isang araw ay nagkalagnat si Harvey at naghanap sya ng gamot sa kwarto ni Ellie. Nagulat na lamang si Harvey ng hindi lang gamot ang kanyang nakita kundi isang (PT) na positive ang resulta.

Kinabahan bigla si Harvey hindi jya alam kung kay Ellie nga iyon pero ang saya saya nya sa kanyang nakita. Tila nawala ang lagnat na kanyang naramdaman kanikanina lang.

Nagpatalon talon sya sa tuwa

"YES! Magiging tatay na ako!" sigaw nya sa kwarto ni Ellie

nagulat na lang si Harvey ng biglang tumunog ang kanyang telepono

Sinagot nya ito at nanlamig ang buo nyang kagawan ng malamang si Ellie ay isinugod sa hospital. Tila pinalipad na nito ang ducati nya para lamang malaman kung ano na ang kalagayan ni Ellie.

"Doc kumusta po ang anak ko?" tanong ni Enrique sa doctor

"Ok naman po sya sir. Normal lang po na minsan mawalan ng malay ang pasyente dahil sa nagdadalang tao po ito." sagot ng doktor sa katanungan ni Enrique.

Agad na napatingin si Enrique kay Harvey na kanina pa naka tulala at parang wala sa sarili na kahit na nagsasalita ang doctor ay di nya narinig.

Kanyang piningot ang Tenga ni Harvey.

"hoyy ikaw na bata ka nabuntis mo nga si Ellie. Ang galing nag aaral pa yan hay nako talaga Harvey" inis na saad ng ama nya

"Aray... aray papa naman e sorry po hindi ko naman po sinasadya e" pagrarason nya

"Anong di sinasadya ha ano yun? maayos bang sagot yun Harvey ha?"pagbubunganga ng papa nya sakanya

"Opo papa ngayon ko lang po talaga nalaman na buntis pala si Ellie papanagutan ko naman sya di gaya ni Marcus na tinakasan at tinakbuhan ang responsibilidad nya" may diin sa mga bawat salitang lumalabas sa bibig ni Harvey.

Pumasok na sila sa kwarto ni Ellie. Mahimbing itong natutulog sa kanyang hospital bed.

FORBIDDEN DESIREWhere stories live. Discover now