Prolouge

156 15 8
                                    

Just the Four of Us
By: Iaeious

#Simula

MAHIRAP mamuhay sa mundong ginagalawan ko ngayon. Napaka-conservative ng aking pamilya sa lahat ng bagay. Andiyan pa 'yong laging naniniwala sa mga pamahiin, pagsunod sa mga salita ng mga nakakatanda at nasa panahon pa rin sila na kung ano ang iyong kasarian ay dapat naayon ito sa iyong kilos.

Hindi ko alam kung minalas lang ba ako o sadyang mapait lang ang tadhana ko sa mundong ibabaw?

All my life, I've hidden my true sexuality from my family. Imagine, for 17 years? Wala ni isa sa pamilya ko ang nakakaalam na hindi ako purong lalake.

I became fascinated with men's physique after reading a magazine.

Akala nina mama at ate ay mga babaeng nakabini ako nakatitig pero ibang klase pala ng katawan nakatuon ang atensyon ko.

At sa loob din ng labing pitong taon, ilang beses na ba akong tinutukso ng aking mga magulang at kapatid sa mga anak na babae ng aming ka-baryo pero ni isa sa kanila ay hindi man lang tinibukan ng aking puso o tinayuan man lang ng bata ko sa baba.

Nakakatawa mang isipin pero no'ng kinse anyos ako, lagi nang may nagpaparamdam na mga babae sa akin pero ni isa sa kanila ay hindi ko natipuhan. Mas gusto ko pang lumandi sa akin ang lalaki na SSG President namin kaysa sa kanila.

Isa siya sa tinitilian ng karamihan dahil sa galing at husay nito sa academics at sports. Topnotcher siya sa kanilang klase, magaling maggitara, sumasali sa mga pageant sa school at higit sa lahat, magaling sa larong basketball at badmitton. Kaya minsan ko na na-try na sumali sa lahat ng p'wede kong salihan basta ando'n siya.

Nariyan ang mga quiz bee, spelling contest, poster making, naglaro rin ako ng volleyball at basketball. Pero ang hindi ko makakalimutan ay nag-perform kami sa harap ng crowd habang ako 'yong kumakanta at siya naman ang naggigitara.

That was the most special event of my life. Imagine singing Ikaw At Ako while looking at him? Like, my gosh! I'm so freakin' lucky to sing that song for him!

Pero lahat ng pangarap at pantasya ko ay gumuho no'ng naalala kong nandiyan pala sina papa at mga kapatid kong nanonood sa akin.

But kiber! At least I had a moment with him.

Throughout my life, my parents, especially my father, have asked me if I have a girlfriend, but I have never replied. Because I want to concentrate on my studies and enjoy kung sino-sino entertainment.

Growing up, everyone in my neighborhood thought I was straight. Every mother dreams of having the most ideal husband for her daughters.

Sporty, academic achiever, singer, artist, respectful and quite funny. Medyo sablay lang talaga ako sa pagiging religious since nagsisimba ako every Sunday pero hindi gano'n ka-active sa church.

At naririnig ko na lang din palagi na ako ang kinaiinggitan ng mga kalalakihan sa aming barrio dahil mostly sa kababaihan ay ako ang gusto. Bukod tangi rin ako ang pinaka-maputi sa aming magkakapatid kahit na madalas akong magbilad sa araw.

Napatigil ako sa aking pag-iisip nang may biglang nag-snap ng fingers sa aking harapan.

"Hoy, Steel, baka matunaw ang poster ni Daniel Padilla kakatitig mo riyan!" The girl in an oversized plain brown shirt shouted at me. She paired it with a black short and Sandugo sandals.

"Well, Sir Daniel is a pretty catch. Sobrang pogi 'tsaka mabait din. S'werte nga ni Ma'am Kathryn sa kanya," napabuntong hininga na lang ako habang dahan-dahan akong tinutulak ni Lia palayo sa poster.

Four Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon