Chapter 1
MATAPOS ang nangyaring pag-amin ko kay Lia ay hindi na ito tumigil kakatukso sa akin at sini-ship na lang ako sa ibang lalake na nakikita niya tuwing magkasama kami.
Buti na lang at hindi kami nabubuking lalo na't kinikilig pa ang bruhilda.
Nakikisakay na lang din ako sa kanya dahil baka ibuking niya ako nang wala sa oras sa mga tao sa paligid ko. Nakakatakot kasi minsan kung rumatrat ang bibig nitong kasama ko.
Sobrang hirap magtago ng totoong pagkatao mo. Hindi mo alam kung sa isip ng iba ay tanggap ka nila bilang ikaw o kinamumuhian ka nila.
Nakakatuwa lang din isipin na hindi na nagrereklamo si Lia sa tuwing tinutukso siya ng karamihan na mag-jowa kami.
Actually, Lia is really pretty... sadyang nagpapaka-nerd lang talaga siya. And if ever I am a straight guy, hindi malabong ligawan ko siya since malapit na rin siya sa ideal kong partner. 'Yon nga lang, hindi talaga ako nakakaramdam ng kilig sa kanya. Parang naramdaman ko lang sa kanya ang pagiging tropa. Walang labis at lalong walang kulang.
Lumipas ang ilang araw at 'eto na ang hinintay ko.
I will perform in front of his family. We will be singing the same song we sang during our school performance.
Kinakabahan ako dahil sa mga nagdaang araw ay nag-praktis kami ni Nigel para maayos na maibigay ang performance namin sa araw ng birthday ng kanyang lola.
Pagkatapos ko lagi sa aking klase ay inaanyaya niya ako sa basketball court kung saan p'wede kaming magpractice ng kanta.
At sa bawat hapon'g nagdaan ay lalo akong humahanga sa galing ng binatang kinakantahan at parang ako ang kanyang hinaharana tuwing praktis namin.
Alam kong hindi rin magtatagal ay hindi ko na magagawa ang simpleng pagsulyap ko sa kanya dahil kahapon lang ang huling araw.
Another pleasant thing that happened was that Lia was always there to warn me about my daydreaming. Medyo nakakatawa lang dahil minsan binabato na niya ako ng papel nang palihim sa tuwing nakikita niya akong napapatulala kay Nigel sa practice.
Ang daming naganap na hindi ko inasahan.
Bueno! Hindi naman ako kabado tuwing nagpe-perform sa harap ng mga tao pero ang kinatatakot ko ay baka mapahiya ko ang aking sarili sa harap ng maraming tao.
Medyo marami pa naman ang bisitang darating ngayong gabi.
Suot ko lang ang black slacks ko at pares neto ay ang isang button down shirt na kulay navy blue at red necktie. School shoes na lang din ipinares ko since basa pa 'yong aesthetic kong mga sapatos.
I even brushed my hair in a butterfly and applied some hair gel to look decent and innocent.
Napatingin ako sa salamin at sa muling pagkakataon ay g'wpapong-g'wapo na naman ako sa aking sarili... and g'wapo rin ang hanap ko.
Hindi na ako nagpaalam kay mama o papa dahil alam na nila kung saan ako pupunta.
Sumakay ako ng jeep at sa muling pagkakataon ay napapatingin ang mga pasahero sa akin.
Medyo sanay na rin ako sa gano'ng set-up since lagi naman akong nasasakay ng jeep.
May ilang kinilig habang napapatingin sa akin at may ilan din na pasimpleng kinukuhanan ako ng litrato. I immediately warned them not to post it publicly. Ilang beses na akong nakaka-encounter na ganito and good thing ay wala pa naman akong nakikita na pinopost ang stolen pictures ko sa mga social media.
I just don't want attention from the social media. Ayaw ko lang talaga makilala sa social media dahil sa hitsura ko. I want people to know me because of my talent and stories to tell.
BINABASA MO ANG
Four Of Us
RomanceSteel Cassius Zander is a closeted gay man who has kept his sexuality a secret for fear of judgement from society. One day, Steel wakes up to a shocking surprise - he is the father of twins. Steel is overwhelmed with emotions and is not sure how to...