Boyfriend

35 3 0
                                    

Chapter 10

Naikuyom ko sa galit ang aking kamao dahil sa aking narinig. Ngayon ay nakuha na niya ang inis ko umaga pa lang. Bakit umabot sa ganito? Sinali niya ako as contest, eh sa may trauma pa ako sa pagkanta!

Hindi man lang ba niya inisip nararamdaman ko? I took a deep breath and scratched my nape a couple of times.

Paano ba'to? Tanong ko na lang kaya ang organiser kung p'wede mag-quit? Tama! Magtatanong ako.

Hinarap ko si Pan Pan at kita ko ang simpatya sa kanyang mukha. Napatingin ako sa papalayong pigura ni Margaux na halatang nang-aasar pa rin kahit nakatalikod na sa akin. Kung p'wede lang talaga, baka kanina ko pa nabira ang babaeng 'yan sa inis.

"Paano na 'yan, Steel? Mukhang hanggang kamatayan na ata ang pagiging kontrabida ni Margaux sa buhay mo. Hindi ba parang gagawin niyang impyerno ang pananatili mo rito?"

"Edi walang urungan sa pamilyang 'to. Akala niya ata hindi ako papatol ng mga tulad niyang sidekick ni Satanas!" then I smirked. Kita ko ang pag-ngisi ni Pan Pan, halatang suportado nito ang aking plano. "Pero bago 'yan, samahan mo muna ako sa organiser kung p'wede maalis tayo sa listahan."

He nodded, and we both headed to the school gym.

Hindi pa man kami tuluyang nakakarating nang isang pamilyar na pigura ang naging dahilan ng paghinto ko sa paglalakad. Hindi ko man masyadong namukhaan ang taong 'yon pero sobrang pamilyar ng kanyang presenya lalo na't sa tangkad niya.

Hindi ako p'wedeng magkamali. Alam kong siya 'yon. Ang tanong, bakit siya nandito? Anong ginagawa niya rito? Nasa school siya? For what---

"Ahh, Steel? Bakit pala tayo napahinto? May problema ba?" Nabalik ang atensyon ko kay Pan Pan nang magsalita ito.

"Ha? W-Wala naman. Tara na!" Then we continued heading to the gym.

◦•●◉✿✿◉●•◦

KANINA pa ako natutulala. Hindi ko na alam ang gagawin sa oras na 'to. Parang ang laking malas ba ang dala ng isang Margaux!

Kagagaling ko lang sa organiser at tanging tugon nila sa akin ay wala nang bawian sa contest na 'to lalo na't napasa na raw sa Dean ang mga papeles. Like, what the hell?!

I can't believe that I'm in this mess again. Nakayuko lamang ako habang nakatingin sa papel sa aking harap. Nanginginig ang kamay habang hawak ang ballpen. Ilang beses na akong napamura sa aking isip dahil alam kong tatlong araw na lang ang contest. I even tried to contact the Dean kanina and to my surprise, wala rin siya ng three days dahil may pupuntahang seminar.

Para talaga akong binagsakan ng langit at lupa neto. Hindi ko alam kung sa anong paraan mapipigilan kong umakyat sa stage at hindi matuloy ang pag-perform sa tanghalan.

Pero p'wede naman sigurong mag-back out na lang ako---

"Mister Zander! What's gotten into you? Why won't you answer my questions?" Napaangat ako ng tingin at naburangan si Sir Matias na halatang naiinis na dahil sa magkasalubong netong kilay.

"Yes po, sir?" I replied and hurriedly stood up.

"Hindi siya nakikinig, sir, oh! Hindi po ata niya bet klase niyo, sir." Inis akong napatingin kay Margaux nang marinig ang kanyang nakakarinding boses na pilit niyang sinisingit sa usapan namin ni Sir Matias.

I mouth, "Shut up," but she still offers me a sarcastic smirk.

"Oo nga, eh. Because of that. Sagutin mo tanong ko, and if hindi mo masagot ay buong araw kang tatayo sa likod ng klase! Is that clear?" he said with authority.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 11 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Four Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon