Earthquake

47 5 0
                                    

Chapter 4

UNEXPECTED!

Hindi pa rin ako makalagaw matapos umalis ng lalake kanina lang.

He left me with my mouth open and dumbfounded.

Grabe! Naloka ako sa paggising ko.

Wala namang masakit sa aking katawan. Pero antok na antok pa rin ako. Gusto ko pang matulog.

Padabog akong lumabas ng k'warto. Shemay naman, eh!

Umaga pa lang pero bad trip na ako. Gusto ko tuloy manakal nang wala sa oras.

I rolled my eyes at these eye sores. Ang kalat! Ang nawala lang ata ay 'yong undergarmets sa sahig kagabi.

Napapakamot sa ulo akong nagtungo sa may lababo at hindi nga ako nagkakamali. Ang daming tambak na hugasin. May ilan pang naninigas na kanin sa mga plato at kutsara.

Sinamaan ko ng tingin ang lalaki at binuksan ang gripo na labag sa loob.

"Wala naman sigurong masama kung galawin ko 'tong mga hugasin dito, 'no?"

"Hmm..."

Nakakainis! Gano'n lang sagot niya? Pahamak naman, oh.

Umagang-umaga ay binuksan niya ang tv at nanood ng cartoon series? Hindi ako pamilyar, eh. Pero sa nakikita ko ay dalawang karakter ang meron. Isang ladybug ang outfit at isang lalakeng may suot na itim na pusang costume.

Hindi ko na lang siya pinansin at nagsimula nang hugasan ang mga pinggan at baso. Hindi naman ako nahirapan sa pagtanggal ng sebo at matitigas na kanin dahil may paraan ako para tanggalin 'yon.

Natapos ang paghugas ko at sinunod ko na rin ang magmumog, naghugas ng mukha at bahagyang binasa ang aking buhok.

Walang halong biro, lilinisin ko na lang 'tong apartment na mukhang tambakan ng basura sa sobrang dami.

Parang wala sa lalakeng 'to ang salitang linis sa kanyang bokabularyo.

Mukhang mahihirapan akong pakisamahan ang isang 'to. Kailangan ko atang magtiyaga at mahabang pasensya dahil halata sa hitsura niya ang pagiging matipid sa pagsasalita.

Hindi ko na siya kinausap at nagtungo na ako ulit ng k'warto't maghahanda para sa pagpunta ko sa market. Mamimili ako ng kakailanganin ko rito na para sa akin lang.

After I took a shower, I saw him still watching the same cartoon TV show on the sofa.

Parang bata naman pala 'to.

I wore a simple white long sleeve shirt and oak colored pants. Suot ko pa rin ang face mask ko since visible pa rin ang pasa at sugat sa aking mukha.

Nang lumabas ako ng k'warto ay napatingin sa akin ang lalake.

Sinipat ako nito mula paa hanggang ulo.

Na-concious tuloy ako sa aking sinuot.

"B-Bakit ka nakatitig?" at bakit naman ako nauutal?

"May lakad ka?"

Wow! Kinausap na niya ulit ako! Maituturing ko na ba itong isang himala?

I nodded.

"P'wedeng pabili?"

Bakit parang feeling ko ay nakikipag-baby talk siya sa akin? Ibang-iba niya kung kausapin ako kanina.

It really makes me cringe when he does it.

"Hindi ako taga-rito, mister. Pero ano bang ipapabili mo?"

Four Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon