Mystery Guy

54 5 0
                                    

Chapter 3

KALALAPAG lang ng eroplano at sa hindi ko malamang dahilan ay parang umikot ang aking lamang loob. May naramdaman akong kaunting hilo na siyang dahilan kung bakit ako napapahinto habang nagpapatianod sa alon ng mga pasahero.

Wala pa mang ilang minuto at nang bumuti na ang aking pakiramdam ay tumakbo ako papasok ng isang building.

Nasa may labasan na ako at nag-aantay ng masasakyan ngunit napatigil ang aking tingin nang may nakita akong pamilyar na pangalan sa may kalayuan.

Steel Zander!

Basa ko rito. Agad naman akong nagtungo sa direksyon ng lalakeng may hawak no'n.

"Kayo po si Steel Zander?" tanong ng taxi driver. "Hi po, ako nga pala si Banjo. Isa ako sa nag-re-renta sa apartment ni Aling Cassandra," he extended his hand which I gladly accept.

Behind my mask, I smiled at him.

Pinasundo pala ako ni Tita Cass baka kasunod nito ay may kapalit.

Tinulungan ako ni Kuya Banjo na isakay ang mga bagahe ko sa loob ng taxi. Pumuwesto naman ako sa back seat at ramdam kong para akong lantang gulay.

"Kuya Banjo, p'wede po bang matulog na lang ako rito sa likod?"

"Sure, S-Steel! Gisisingin na lang kita 'pag nakarating na tayo sa apartment ni Aling Cassandra."

Nagpasalamat na lang ako at nahiga. Binaluktot ko pa ang aking katawan para magkasya. Hindi naman masyadong malamig kaya mabilis akong nakatulog.

NANG imulat ko ang aking mata ay bumungad agad sa akin ang likuran ng upuan, nasa taxi pa rin ako. My eyes blinked many times, even feeling like I had a headache.

Bumangon ako sa pagkakahiga at gano'n pa rin ang aking paligid. Puro street lights ang nakikita ko labas.

Malakas ang tugtog ng speaker habang umaawit naman si Kuya Banjo.

Hindi pa pala kami nakakarating sa Bulacan? Halos isang oras na, ah. Gano'n pala katagal ang biyahe.

"Naiisip kita...Lagi, la---"

"Kuya Banjo---"

"Jusmiyo Marimar!" saglit napatigil sa pagmamaneho si Kuya Banjo nang sandaling nagulat sa biglaang pagtawag ko sa kanya. "Steel naman! Papatayin mo ba ako sa nerbiyos!" Pinatay niya ang speaker at binuksan ulit ang makina.

"Sorry po. Akala ko kasi napansin niyo ang paggising ko."

"Hinay-hinay... ano ba kasi ang concern mo?"

"Matagal pa po ba tayo?" I asked curiously.

"'Eto, malapit na. And just like that! Nandito na tayo! Halos apat na oras din ang biyahe kasi traffic!" he explained. Medyo nagulat naman ako sa kanyang sinabi dahil parang isang oras lang ang tulog ko. 

Through the window, I noticed civilians passing by. This place is crowded.

"Dito po?"

"Dito na nga. Ganito na lang, lakad ka pa 'onti hanggang sa makita mo ang isang kulay berdeng paupahan do'n. Huwag kang mag-alala, mababait ang mga tao rito. Pasensya ka na, ah. Hindi na kita masasamahan. Kailangan ko na kasing magtrabaho."

Tumango na lang ako sa kanyang sinabi. Agad siyang bumaba ng sasakyan at sumunod na lang ako. Matapos niyang maibaba ang mga bagaheng dala ko ay agad din itong umalis.

Naiwan naman akong nakatingin sa isang court na may naglalaro.

At sa muling pagkakataon ay naagaw ko na naman ang atensyon ng mga tambay sa may gilid.

Four Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon