Vinxe's point of view♪
Napatingin ako kay Aaron na bahagya lang nakangisi saakin na parang baliwala lang sakanya yung natamo niyang mga sugat mula saakin.
"Ngayon mararamdaman niyo na kung anong pakiramdam ang mawalan ng mahal sa buhay." Nakangising sabi niya dahilan para kumunot yung noo ko. Magtatanong na sana ako ng bigla kong narinig ang malakas na sigaw ni Sia.
"AIL! AIL! KAPATID KO!" Malakas na sigaw niya. Kinakabahan at tila naging yelo ang buong katawan akong tumingin sa gawi nila habang iniisip na sana ay hindi totoo ang naiisip ko ngayon ngunit tila tumigil ang lahat at ang takbo ng oras na para bang nag slowmo ang lahat dahil sa nakita ko.
Bahagya akong napaatras habang nanginginig yung mga labi at mga kamay kong tinititigan ang unti unting pagliliwanag ni Ail at ang unti unting paglalaho ng kaniyang kamay. Nanginginig ang aking mga labi kasabay ng walang humpay na pagtulo ng mga luha ko at ang pagkawalang bisa ng spell na ibinalot ko sakanila.
Parang bumalik din sa alaala ko ang imahe ni Celina.. noong nabawian siya ng buhay at unti unting lumiwanag. N-no, It can't be..
"A-ail." Nanghihinang sabi ko habang walang tigil na nasisibagsakan ang mga luha ko. B-bakit.. pakiramdam ko umulit na naman ang nanyari noon.
Nanlilisik ang mga matang tinignan ko si Aaron na nakangisi na ngayon na para bang wala lang sakaniya na mababawian na ng buhay ang isang taong naging parte at tinuri na rin niyang parang kaniyang bunsong kapatid noon.
"WHAT DID YOU DO TO HER!!?" Malakas at galit na sigaw ko sakaniya.
"Simple, while we're fighting I manage to insert my blood in her wounds.." He explained and paused. "I already knew I'm gonna die, so might aswell bring one of you with me." He continued. "and that lucky person would be her." He said.
"DAMN YOU!" Nang gagalaiting sigaw ko sa demonyong kaibigan namin.
Ihahagis ko na sana sakaniya ang katanang hawak ko ngunit biglang pumasok sa isipan ko ang huling sinabi sakin ni Celine.
"Pakiusap.. alagaan at bantayan niyo si Ron para saakin.. huwag niyo siyang hayaang makulong sa poot at galit. P-pakisabi sakanya na mahal na mahal ko siya at.."
Nanghihina akong napaupo sa sahig habang walang humpay na umiiyak. Hindi na rin magawang makatayo ni Aaron dahil napuruhan ko siya sakaniyang mga benti.
Nanghihina ko siyang tinignan. Kahit alam ko sa sarili ko na mas lamang yung nararamdaman kong galit mula sakaniya ay hindi ko parin siya magawang paslangin.
Binitawan ko ang hawak kong katana bago lakas loob na tumayo at lumapit sakaniya. Umupo ako sa harapan niya at pinunasan ang mga luha ko. Nagtataka at kunot noong tinignan niya ko.
"Anong ginagawa mo!? Bakit hindi mo pa ako paslangin!?" Galit ngunit may bahid ring pagtataka ang boses niya.
"Alam mo ba kong ano ang huling bilin niya saamin?" I said. Natigilan siya dahil sa sinabi ko.
Ginamit ko ang kapangyarihan ko at hinawakan ang ulo niya para ipakita sakaniya ang nanyari ng nakaraang pilit kong kinalimutan at pinagsisihan.
Aaron's point of view
"C-Celina.." Mahinang sabi ko saaking sarili habang nakikita ko ang kaniyang katawan na nabalutan na ng kaniyang sariling dugo. Naramdaman kong unti unting tumulo yung mga luha ko ng marinig ko ang kaniyang sinabi.
"Pakiusap.. alagaan at bantayan niyo si Ron para saakin.. huwag niyo siyang hayaang makulong sa poot at galit. P-pakisabi sakanya na mahal na mahal ko siya at.."
BINABASA MO ANG
Assassin Princess - Season #1
FantasyVinxe Finley Ellison, She's an assassin princess but what if one day she got into a fight and get assassinated and one day she wake up that doesn't remember her past? What will happen to her? Will her memory come back? And if it does what will she d...