Chapter 40: Save him!

49 2 0
                                    

Vinxe's point of view♪

Mabilis akong tumakbo papalabas ng gubat habang iniinda yung sakit ng hita ko na ngayon ay nakabenda na. Hindi pa sana ako makakalakad at makakatakbo ng maayos buti nalang ay tinulungan ako ni Z na maibsan yung sakit ng hita ko gamit ang kapangyarihan niya.

"Vinxe wala tayong masasakyan!" Biglang sabi sakin ni Niz. Mag uumaga na sa Astriliana ng matapos na ang labanan kaya naman ay maggagabi na ngayon dito sa mundo ng mga mortal.

Napatigil ako at napaisip dahil sa sinabi ni Niz. Anong gagawin namin? Kung tatakbo lang kami ng mabilis ay paniguradong wala na kaming maaabutan. Napabalik nalang ako sa sarili ko ng makarinig ako ng tunog ng kabayo.

"May paparating." Tugon ko dahilan para maging alerto kaming dalawa at hinanda ang sarili na lumaban kung sino man ang dadating.

Malayo palang ay nakilala ko na agad kung sino ang paparating at yun ay si Venzio at si Ciah na nakasakay sa kabayo.

"Mahal na Prencesa!" Nakangiting tawag sakin ni Ciah at maayos na tumigil sa harapan namin ni Niz at gayon na din ang ginawa ni Venzio.

"Ciah! Anong ginawa niyo ng aking kapatid dito? Paano niyo nalamang kami'y pupunta dito sa mundo ng mga mortal?" Nagtataka at sunod sunod na tanong ko sakaniya.

"Aking naramdaman na pagkatapos ng labanan na ito ay paniguradong pupunta ka dito sa mundo ng mga mortal at akin ring nalaman na nasa peligro ang buhay ng iyong mga kaibigan kaya't nandito kami ni Ciah upang ibigay itong kabayo na aming sinasakyan sainyo dahil paniguradong wala kayong masasakyan." Mahabang lintanya ni Venzio habang nakaiwas ng tingin sakin dahilan para mapangiti nalang ako dahil sa inakto niya.

Wala na akong sinayang na oras at kaagad ng umangkas sa kabayong sinasakyan ni Ciah at gayon din naman si Niz.

"Maraming salamat aking kapatid! Ciah! Kami ay aalis na!" Tugon ko sakanila.

"Mag iingat kayo mahal na Princesa!" Nakangiting siyaw samin ni Ciah habang nakangiti at bahagyang kumakaway saamin.

Seryoso ang mukha ko namang mabilis na pinatakbo ang aking kabayo habang taimtim na ipinagdasal kay Bathala na sana'y maayos lang sila ngayon.

Hintayin niyo sana ako.. Ililigtas ko kayo!







Ilang minuto din ang nakalipas at nakarating na kami sa isang lumang bodega na walang pag aalinlangan kong sinira gamit lang ang aking kapangyarihan kasabay ng pagpasok ko sa loob ngunit nag back flip din ng paulanan agad ako ng bala ng mga taong nasa loob. Habang nagback flip ako ay nagpagulong gulong din ako at nakahanap ng isang butas at doon ako pumasok upang magtago.

"Hanapin niyo ang assassin princess!" Sigaw ng mga bobong mga lalaki. Napaikot nalang ako ng mata ko dahil sa binigay nilang nickname sakin. Sikat na pala ang pangalan na yan-,-

Hindi naman ako inform.

Nakita kong pumasok na si Nizari at pinaulanan ng mga killer brushes niya ang mga kalaban habang iniilagan ang mga balang papatama sakanya o kaya naman ay nag tatago ito sa kapangyarihan niyang void. Habang nakikipaglaban na si Niz sa mga kalaban ay hinanap naman ng mga mata ko sina Hiro at nakita ko nga silang nakatali sa upuan habang nakablind fold.

Wala nakong sinayang na oras at lumabas na sa pinagtaguan ko ngunit napa split din ng may nagpaputok sa gawi ko. Kasabay ng pag split ko ay hinagis ko doon sa lalaki ang hawak kong katana na derederetsong tumama sa ulo niya. Maayos naman na akong tumayo mula sa pagkasplit ko at lumapit na papunta sa lalaking tinamaan ng katana ko upang kunin yung aking katana.

Assassin Princess - Season #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon