CHAPTER 11
THIRD PERSON'S POV
Continuation...
"Teka, doc! Sa'n ka pupunta?! 'Yung anak ko!" Sigaw nang babae sa doctor na umalis sa puwesto niya.
"Nurse! 'Yung anak ko, nahihirapang huminga! Tulong!"
Ngunit ilang minuto ang nakakalipas ay walang tumulong sa kaniya, kaya umiiyak siyang napatingin sa anak na namumutla, nagiging violet na rin ang mga labi nito at wala nang buhay.
Nanginginig ang labi niya dahil sa nangyari sa anak niya. "H-hindi, a-anak... g-gising t-tutulungan ka ni m-mama, ha? H-hihingi ako ng t-tulong..."
Ginigising niya ang anak ngunit hindi na ito magising. Ilang saglit pa ay natulala siya sa nangyari. Saglit lang niyang nahawakan at nasilayan ang anak ay kinuha na agad ito sa kaniya.
Labis ang sakit na nadarama niya dahil sa nangyari, napatingin siya sa mga nurse na nag-uusap sa isang tabi.
"Nakita mo 'yung pamilya Rios? Grabe 'noh? Nadinig kong naaksidente raw sila, kawawa 'yung mga anak nila. Grabe raw ang yaman ng mga 'yon, kaya hindi magkanda-ugaga ang mg doctor at iba pang nurse na umaasikaso sa kanila."
"Pamilyang Rios... Nang dahil sa inyo, nawala ang anak ko, magbabayad kayo, buhay kapalit nang buhay."
Nanggagalaiti sa galit ang babaeng namatayan ng anak dahil ro'n, at nang mga oras na 'yon ay nagplano na siya kung paano niya mapapatay ang pamilyang 'yon.
Buhay kapalit nang buhay...
~~
TRAVIS EVAN RIOS
"Ano, nahanap niyo na ba si Bel?" nag-aalala kong sambit sa mga kasamahang pulis ni Treya.
"Wala pa kaming lead, sa ngayon ay kailangan nating mabantayan ang mga bata, dahil masisiguro namin na sila na ang next target nang gustong pumatay sa asawa mo."
Si Treya Abelana Scheneder, ang step sister ni Bel. Hindi niya pa alam na kapatid niya si Treya, ang akala niya ay kabit ko ang ate niya ngunit hindi. Para na ring kapatid ang Turing ko kay Treya.
Isa siya sa mga tumutulong sa akin upang makilala ang gustong pumatay kay Bel. Alam kong malabong reason ang ginawa naming pagpapanggap na ito pero wala na kaming magagawa dahil palaging nasa paligid ang mga tauhan ang taong gustong pumatay sa asawa ko.
Isang Secret Agent si Treya, alam rin ito ng mga bata. Sa katunayan ay ang mga bata ang unang nakakatanggap ng mga Death threats, mabuti na lang at maaga nilang sinabi sa akin. Alam kong mali na idamay ang mga anak ko sa ganito pero para pa rin naman ito sa kaligtasan nila.
Natatakot ako para sa pamilya ko, mabuti na lang at nakilala ko si Treya ang ate ng asawa ko.
Ang buong mansion namin sa bahay ay may secrets cctv na sobrang liit, galing kay Treya 'yon.
Kaya nakikita ko kung paano masaktan ang mga anak ko kung paano nila iwasan ang mommy nila para lang maging safe si Bel.
Nasasaktan rin ako dahil nasasaktan ang asawa ko, kailangan pa talaga naming magpanggap na nilalayuan namin siya upang hindi na gawin ang balak ng suspect.
Lahat ng 'yon ay isang acting lamang, kapag gabi at natutulog na si Bel ay saka pupunta ang mga anak namin upang tabihan siyang matulog, alam rin nilang palaging pumupunta ang mommy nila sa kuwarto nila kaya gumawa sila ng paraan upang hindi makatunog ang mommy nila.
Sobrang hirap na mag-panggap na parang wala kang paki-alam sa asawa mo. Dahil alam mong masasaktan siya.
"Daddy..." napatingin ako sa anak ko ng tinawag niya ako.
"I miss mommy... I wanna see her, I regret what we have done to her para lang malayo siya sa kapahamakan." Naiiyak na sambit ng panganay namin ni Bel.
Nasaktan ako dahil ro'n, kahit ako ay pinagsisihan ang hindi namin pagpansin sa kaniya, pero kasi...
"Me too!" ang triplets at quadruplets ay sunod na umiyak, nilapitan ko sila kahit na parang mabubuwal na ko, hindi ako puwedeng panghinaan ng loob.
"Shh... Don't worry, huh? I'll look for your mommy, tahan na, tiba ayaw ni mommy na umiiyak kayo? I promise, hahanapin namin ang mommy niyo."
thexyll
~~
©All Rights Reserved 2022
BINABASA MO ANG
The Wall Between Us [COMPLETED] SOON TO BE SELF-PUBLISHED
RomanceCOMPLETED ⚠️ [This story is full of LOOPHOLES. LOOPHOLES. HUWAG NG IPAGPATULOY ANG PAGBABASA KUNG HINDI KAYO NAS-SATISFY.] Ako ang kasama niyo, pero bakit iba ang gusto niyong makasama? Masaya akong nakikita kayong masaya, pero bakit sa iba kayo su...