KABANATA 26 [EDITED]

10.6K 149 32
                                    

KABANATA 26

TRAVIS EVAN RIOS

Mula paggising ko ay hindi na mawala ang kaba at takot sa akin ng hindi ko makita sa buong bahay si Bel, ang asawa ko.

Nang wala siya sa buong mansyon ay agad kaming bumalik sa Manila, alam kong nandon lang siya.

Ilang oras ang Flight namin patungong Manila. Ang mga anak ko ay nag-aalala na rin, tumawag ako kay Treya para itanong kung tumawag ba sa kaniya si Bel ngunit ang sagot nito sa akin ay hindi.

Mas lalo lang lumala ang pag-alala ko, nagtanong rin siya kung bakit ko hinahanap sa kaniya si Bel pero wala akong binigay na sagot sa kaniya dahil agad ko ring pinatay ang tawag.

Pagkarating na pagkarating namin sa Manila ay agad kaming nagtungo sa mansyon baka sakaling nando'n lang siya.

"Mga anak, hanapin niyo sa buong mansyon si mommy."

"Yes po daddy!"

Umakyat ako sa kuwarto naming mag-asawa para tingnan kung nando'n ba siya ngunit wala akong makita ni anino niya.

"Wife?!" tawag ko kung nandito man siya ngunit ilang minuto pa ay walang lumabas na bulto niya.

Bumaba ako para puntahan ang mga bata, nang makita nila ako ay agad ko silang tinanong ngunit tanging iling lang ang sinagot nila sa akin.

Patuloy lang akong nag-iisip, nasa tabi rin ang mga anak kong kanina pa hindi nagsasalita. Inalala ko ang nangyari kagabi, mayroon kaming pinag-usapan.

Naalala kong may sinabi siya sa akin kapag bumalik kami rito ngunit kami lang ang nakabalik dahil bigla na lang siyang nawala.

"U-huh... Ahm, hubby..."

"Hmm?"

"Bukas pag-uwi natin sa Manila, punta ka sa kuwarto ng mga bata, ok? Sa isang drawer nila, mayroon do'n na maliit na kahon, buksan niyo 'yon ha? Isama mo ang mga anak natin, at saka sabay-sabay nating panoorin."

Right. Sa drawer ng mga bata.

"Sumama kayo sa akin."

Pagkarating namin sa kuwarto nila ay agad akong nagtungo sa drawer nila.

"What are you looking for, dad?" tanong ni Trasha.

"The little box."

"A box? What box?"

"I don't know. Wait a minute, there..."

Kinuha ko ang maliit na kahon, kulay itim ito na pahaba. Hindi ko alam kung ano ang laman, muli akong ginapangan ng kaba nang mahawakan ko iyon.

Dahan-dahan kong tinanggal ang takip, bumungad sa akin ang isang itim na USB. Kumunot ang noo ko, para saan ito?

"USB?" tanong ni Trav.

Seryoso akong tumango sa kaniya.

"Yes, USB. Let's watch it."

Hindi ko alam kung ano ang laman ng USB na ito. Ngunit isa lang ang nararamdaman ko, takot. Takot sa posibleng laman ng USB na ito.

Nang maisalpak ko na sa Tv ng mga bata ay pinindot ko ang play bottom. Bumungad sa akin ang asawa kong nakangiti.

"Mommy?"

"Wife..."

Nakita kong nasa kuwarto namin ang background. Ang simula ng video ay nakangiti siya habang inaayos ang camera.

Kumaway muna siya bago magsalita.

"Hi hubby! Kung napapanood niyo ito ay alam kong wala na ako, pero bago ang lahat, thank you! Thank you for being my hubby, thank you for being my man, thank you for taking care of me... Naalala mo ba no'ng una nating pagkikita? Na-star struck ka sa akin, hahaha... Alam ko namang maganda ako pero sana no'ng time na 'yon ay hindi mo pinahalata ano? Well gano'n rin naman ako, na-love at first sight sa 'yo. Ang guwapo mo kasi, eh, ayan tuloy." Natatawa niyang saad. Hindi ko alam kung mangingiti ako o ano dahil sa sinabi niya.

Bahagyang nawala ang pag-alala ko nang sinabi niya 'yon sa video.

"Fast forward na nga... No'ng time na... Bigla kayong nanlamig sa akin, ang sakit ng bigla kayong naging gano'n. Hindi ko alam that time kung ano ang dahilan niyo. Four years? Really? For the past four years hindi niyo manlang sinabi sa akin kung ano ang dahilan? Gusto kong magtanong pero hindi ko magawa dahil parang nanghihimasok ako ng privacy niyo, kahit na kating kati na akong tanungin kayo. Kayong mga anak natin ay mahal na mahal ko, kaya hindi ako nagalit at nagsumbat sa inyo."

Nakita ko ang luha sa mga mata niyang makikita ang hinanakit.

"Ang hirap mag-sumbat kapag hindi mo alam ang dahilan. Naghintay ako. Naghintay sa loob ng apat na taon na sabihin niyo sa akin ang dahilan kung bakit kayo naging gano'n pero napunta sa wala ang hintay ko. Hindi ko alam na nasa panganib na pala ang buhay ko, ang buhay ng mga bata, ang buhay nating lahat. Ang sakit lang, hindi niyo sinabi sa akin ang dahilan kaya humantong na sa pananakit ang lahat. Nadamay pa ang mga bata, kung alam ko lang sa una pa lang ay siguro kaagad nating nalutas ang problema---"

"---kung titingnan ay parehas tayong may mali. Ang mali niyo ay hindi niyo sinabi sa akin ang totoong dahilan kung bakit kayo biglang nanlamig, dinamay niyo pa sa plano niyo ang mga bata. Ang sa akin naman ay hindi ako nagtanong kung may problema ba, hindi ko inalam kung ano ang nangyayari sa paligid ko. Masyado akong walang alam."

Napailing ako sa sinabi niya. Narinig kong tahimik na umiiyak ang mga bata. Maging ako ay naluluha na rin. Alam ko ang kasalanan namin, kung maaga lang sana naming sinabi ay hindi mangyayari ang lahat ng ito. Mas lalong hindi na lang dapat naming dinamay ang mga bata, masyado pa silang bata para madamay sa problema naming mga matatanda.

"Pero wala na, hayaan na lang natin 'yon. Tapos na rin naman 'yon, ang mahalaga ay ligtas ka at ng mga bata, kahit na nabaril kayo. Kung puwede ako lang ang sumalo no'n ay ginawa ko na," pinunasan niya ang kaniyang mga luha bago muling nagsalita.

"Huwag kayong umiyak, ha? Pero alam niyo bang may secret ako? Pero bago 'yon ay gusto ko lang sabihin sa 'yo, hubby na kahit mahal mo na si Ate ay mahal na mahal pa rin kita. Hindi nagbago ang tingin ko sa iyo, huwag mo sanang sisihin ang sarili mo, paki-alagaan ang mga anak natin, ok? Sino ba namang hindi mahuhulog sa taong nakasama mo sa loob ng apat na taon. Alam kong nagkagusto ka na sa kaniya. Masakit, oo, masakit pero wala akong magagawa. Ang tanging hiling ko lang ay alagaan mo sila."

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Anong gusto niyang iparating?

"Hubby... I'm sick, may sakit ako... May sakit ako sa puso... Siguro habang pinapanood niyo ito ay wala na ako sa tabi niyo, nakaratay na lang ako sa higaan sa ospital, lumalaban sa buhay ko. Mga anak, alagaan niyo si daddy ok? Love him more than you do. Gano'n rin si Mommy Treya niyo, siya na ang magiging bago niyong mommy once na wala na ako sa buhay niyo. Huwag niyo lang akong kakalimutan, ha? Yo'n lang I love you all! Ingat!!" pagkatapos niyon ay namatay na ang video.

What the hell she talking about? Wala siyang sakit sa puso, alam ko. Masyado siyang healthy para magkaroon ng sakit sa puso.

At saka anong sinasabi niyang mahal ko si Treya? What the hell, kapatid lang ang turing ko ro'n. Alam kong na-misinterpret niya lang ang nakikita niya. Galit ako kay Treya dahil hinalikan niya ako noong hiling pagkikita namin. Now, kahit na masyado akong nasaktan dahil sa sinabi ng asawa ko ay hahanapin ko siya.

Magpapaliwanag rin ako sa kaniya, kung ano talaga kami ng Ate niya. Hindi ko hahayaan na mawawala siya sa amin, nagsisi na ako sa ginawa namin sa kaniya. Hindi pa nga kami nakakabawi. Ngayon sa oras na ito, sa araw na makita ko siya ay parehas na kaming lalaban.

Wala ng maiiwan... Lalaban ang mahal ko ng kasama niya kami, hindi ko hahayaan na kuhanin siya ng diyos sa amin dahil baka sumunod rin ako sa kaniya.

thexyll

~~

©All Rights Reserved 2022

The Wall Between Us [COMPLETED] SOON TO BE SELF-PUBLISHED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon