KABANATA 25
ABELA SCHENEDER-RIOS
"Good morning po, doc," bati ko sa doctor kong tumitingin sa akin na siyang nakatoka sa akin.
15 days na akong nakaratay rito sa ospital, simula nang makarating kami rito ay tuloy-tuloy ang pag-atake ng sakit ko. Minsan ay hindi ko na kinakaya ang sakit kapag inaatake ako kaya naman ay nauuwi 'yon sa himatay.
Hindi na rin madaan sa gamot ang sakit ko, hirap na rin akong kumain maski ang pag-inom ng tubig. Sa nararamdaman ko ay alam kong mas lalo lang bumaba ang timbang ko.
Hindi na rin ako makabagon, mayroong mga aparatong naka-konekta sa isang machine upang malaman kung tama ba ang bilis ng puso ko. Kusa itong tutunog kapag muli na naman akong aatakihin sa puso, may mga taong todo ang bantay sa akin.
Ang room na ito kung saan ako nakaratay ay kasama ko si John, nasa isang higaan siya kung saan kasalukuyan siyang walang malay, nakita ko kung paano siya atakihin ng sakit niya.
Palala na rin ng palala ang lagay niya, parehas lang kami ng nararamdaman. Sobrang hirap sa sitwasyon namin ang ganito. Hindi namin alam kung kailan kami kukunin ng nasa itaas, maaaring mamaya o 'di kaya ay maaaring bukas.
Simula ng dumating kami rito ay araw-araw, minu-minuto at bawat sigundo na nasa peligro kami. Minu-minuto rin kung i-check kami ng mga nurse at doctor.
Sa dalawang linggong pamamalagi namin rito ay wala na akong balita sa pamilya ko. Nami-miss ko na sila, gustong gusto ko silang kontakin ngunit hindi puwede, ayokong makita nila akong nasa ganitong sitwasyon at baka sisihin pa nila ang sarili nila.
Masyadong ng komplikado kapag nalaman nila, selfish na kung selfish wala akong magagawa.
"Good morning, Mrs. Rios. Kamusta ka na?" tanong nito sa akin, tipid akong ngumiti bago sumagot.
"At this moment, I'm a little bit fine."
"That's good, but, palala na nang palala ang sakit mo. Lalo na't hindi na rin tumatalab sa iyo ang gamot na kailangan mong inumin, kailangan mo lang ay magpalakas. Kahit na hindi ka nakakakain ng maayos ay nakatutulong naman ang dextrose sa iyo, pero mas maganda pa ring kumakain ka para kahit papaano ay lumakas ka. Puro masusustansiya lang ang kailangan mong kainin, nakamonitor rin ang oras ng pagkain mo. Sa lagay mo ay nahihirapan tayong operahan ka lalo na at 50 percent lang ang makakaya ng operasyon mo," mahabang saad ng doctor. 50 percent, pero kung itutuloy ko ang operasyon ay sa tingin ko malaking prosyento pa ang 50 percent.
"Si John, doc? Ano na ang kalagayan niya?"
"Si Mr. Scourter ay lumalala na ang kalagayan, maaaring mahantong sa comatose ang kalagayan niya. Hindi na siya puwedeng operahan dahil nasa stage 4 na ang cancer niya. Mabilis kumalat ng tumor sa utak niya," muling saad nito sa tanong ko. Napailing ako.
"May tyansa pa naman hindi ba?"
"Ayoko sana itong sabihin sa iyo ngunit ito lang ang tamang paraan upang malaman mo ang totoong kalagayan niya. Ilang araw na itong inililihim sa 'yo ni Mr. Scourter dahil ayaw niyang mag-alala ka sa kaniya, dahil alam niyang makasasama ito sa kalagayan mo."
Kumabog ng malakas ang puso ko, kasabay rin niyon ang pagtunog ng machine."
"Calmdown," pagkakalma sa akin ng doctor. Todo antabay naman ang mga nurse na nakikinig at nasa tabi lang.
"A-ano pong sinabi niya?" tanong ko nang tuluyan na akong kumalma.
"Ayaw niyang ipasabi sa iyo ito, pero mayroon na lamang siyang dalawang araw upang mabuhay siya. Kung titingnan mo ay parehas na kayong kinulang sa timbang, mas lalo kayong pumayat. Gano'n rin si Mr. Scourter."
"Pero, bakit ang lakas-lakas niya tuwing nag-uusap kami kapag hindi ako inatake?"
Napagbuntong-hininga muna ito bago sumagot. "I don't know, hindi ko alam kung bakit niya 'yon ginagawa."
Pero malakas siya, eh. Alam ko 'yon, gano'n na ba ako ka-manhid dahil hindi ko alam kung ano na ang nararamdaman niya? Na-guilty ako dahil ro'n, mas lalo lang akong na-guilty dahil hindi ko manlang ito tinanong sa nararamdaman niya. Kung ayos lang ba siya, kung may masakit ba sa kaniya.
Kuya na ang turing ko sa kaniya, eh, ang akala ko kasi maayos lang siya dahil kahit na pumayat siya ay makikita mo sa mukha niyang ayos lang siya, na wala siyang dinaramdam.
Bumalik lang ako sa sarili ng may kumatok sa pinto. Kaagad kaming napabaling ro'n.
Nanlaki ang mata ko kung sino ang pumasok, no way! Hindi niya puwedeng malaman na may sakit ako!
Paano niya nalaman kung nasaan ako? Akala ko hindi niya malalaman kung nasaan ako!
Nanginginig ang kamay kong pinanood siyang lumapit sa gawi ko. Mariin ang tingin na binibigay niya, nagtatanong ang mata niya. May galit, sakit, at pag-alala ang nakaukit sa mga mata niya. Alam ko! Alam kong galit siya!
Isa lang ang tanong ko? Paano niya nalaman!
Alam kong naaawa siya sa akin dahil sa lagay ko pero paano na siya? Bakit siya nandito?
Nang makalapit na siya ay nanatili akong gulat kasabay no'n ang biglang pag-atake ng puso ko. Rinig ko ito dahil sa machine, nakita ko kung paano siya-sila mataranta nang marinig 'yon.
Nakatingin lang ako sa kaniya habang patuloy na sumasakit ang puso ko, iniinda ko 'yon kahit na parang gusto ko ng sumigaw ngunit ayaw bumuka ng bibig ko.
Nakita ko ang mata niyang nakatingin sa akin habang bakas ang luha sa kaniya, makikita ang sakit at pag-alala sa kaniya.
Mas lalo lang sumakit ang dibdib ko dahil ro'n, bumibigat na rin ang mga mata ko. Bago bumagsak ang mata ko ay nakita ko pang bumuka ang bibig niya, ngunit hindi ko na maintindihan 'yon.
Kasabay ng pagpikit ko ay ang pagtulo rin ng luha ko.
Now, I want to rest...
thexyll
A/N: Ito na po siguro yung last update ko, sa Friday na lang po ulit siguro ako makakapag-update dahil sa mga tambak na school works na kailangang ihabol.
~~
©All Rights Reserved 2022
BINABASA MO ANG
The Wall Between Us [COMPLETED] SOON TO BE SELF-PUBLISHED
RomanceCOMPLETED ⚠️ [This story is full of LOOPHOLES. LOOPHOLES. HUWAG NG IPAGPATULOY ANG PAGBABASA KUNG HINDI KAYO NAS-SATISFY.] Ako ang kasama niyo, pero bakit iba ang gusto niyong makasama? Masaya akong nakikita kayong masaya, pero bakit sa iba kayo su...