KABANATA 23 [EDITED]

11K 145 12
                                    

KABANATA 23

ABELA SCHENEDER-RIOS

This is our last day here in Palawan. Nasa kuwarto kami ng asawa ko, ako ay nakahiga habang siya naman ay nasa isang table kung saan may kinakalikot siya sa kaniyang loptop.

Nakatitig lang ako sa kaniya habang patuloy pa rin siya sa ginagawa, naramdaman niya sigurong nakatingin ako sa kaniya kaya siya nag-angat ng tingin sa akin mula sa pagkakatingin niya sa kaniyang loptop.

"Staring is rude my wife," sambit niya pagkatingin sa akin.

Nagpakawala naman ako ng ngiti sa kaniya at saka ako tumayo mula sa pagkakahiga, marahang pumunta sa kaniya.

Nang makita ang ginawa ko ay inusog niya ang upuan ay marahan niyang hinawakan ang aking baywang at saka ako dahan-dahang pinaupo sa kaniyang kandungan.

Patagilid ang aking puwesto, nilagay ko naman ang aking kamay sa kaniyang leeg. I miss this, na-miss ko 'yung ganito kami. Ang sarap pahintuin ng oras.

"What are you doing?" tanong ko sa kaniya.

"Business matter, pero naagapan ko na man na. Bakit hindi ka pa natutulog?" hinawi niya ang buhok kong medyo natabon sa aking mukha.

"Hindi ako makatulog, ikaw? Anong oras na, ah."

"Hmm..." tanging sagot niya at saka niya nilagay ang kaniyang mukha sa aking leeg.

Hinawakan ko naman ang buhok niya at marahang hinimas. Paglipas ng ilang minutong katahimikan at paghimas ko sa buhok niya ay tumigil na ako.

"Don't stop, keep doing that," muli kong pinagpatuloy ang ginawa ko sa buhok niya bago mag-open ng panibagong paksa.

"What if... I'm sick?"

Naramdaman kong umiling siya sa aking leeg. "No. Don't say it again."

Marahan naman akong natawa bago hinimas ng isa ko pang kamay ang likod niya.

"What if nga lang, anong gagawin mo, kung may sakit ako? Tapos kaunting oras na lang ang mayroon ako para makasama kayo."

"Tss... Don't joke around, I don't claim that negative questions of yours. Hindi puwede."

"Ok." Tinigil ko ang pagmasahe ng buhok niya upang hawakan ang panga niya at para na rin tumingin siya sa akin.

Nang magtitigan na ang mga mata namin at nilapit ko ang mukha ko sa kaniya at saka siya hinalikan sa kaniyang noo.

"I.. Love.. You.. Thank you for everything ok? Always remember na mahal na mahal ko kita-kayo ng mga anak natin, maraming salamat dahil minahal mo ako, maraming salamat dahil nakilala kita, maraming salamat dahil ikaw ang naging asawa ko, maraming salamat dahil ikaw ang naging ama ng mga anak ko-natin. Thank you dahil nakasama at nahahawakan kita. Thank you for 15 years na magkasama tayo. At sa mga susunod na taon ay sana magkasama pa tayo."

Nakakunot ang noo niya sa akin habang binabanggit ko 'yon sa kaniya, nagtataka.

"Alagaan mo anak natin kapag wala ako, masaya akong nasama kayo ulit sa ikalawang pagkakataon. Salamat sa care and love."

"Hindi ko alam kung bakit mo ito sinasabi? Pero salamat rin dahil nakilala kita, nakasama, at minahal. Wala na akong mahihiling pa, mahal na mahal ko kayo ng mga anak natin kahit na minsan ay hindi tayo kompleto. Kahit na may apat na taong nasayang dahil sa threats na 'yon. At masaya ako dahil muli ka naming nakasama ng mga anak natin. Alam kong kulang ang paghingi ng tawad sa mga nagawa namin sayo, alam kong kulang na kulang yon pero babawi naman ako—kami. Masyado akong nakampante na kung iiwasan ka namin ay maaaring hindi na itulot ni Demya yung mga plano nya, mahirap rin kasing hanapin si Demya nung mga panahon na yon dahil nasa bahay lang pala sya. Na sya pala yung taong nasa likod ng lahat ng mga panakot. I feel sorry for her baby na namatay ng dahil sa atin."

Ngumiti ako sa kaniya dahil sa sinabi niya. I feel sorry for Demya too, pero hindi dapat dinaan sa ganon. Hindi kailangang idaan sa dahas ang paghihiganti kung may kasalanan man kami.

I know na mahal na mahal niya ako pero hindi ko naman masasabi na walang nag-bago, ang sa akin lang ay nasulit ko muli ang makasama sila.

"U-huh... Ahm, hubby..."

"Hmm?"

"Bukas pag-uwi natin sa Manila, punta ka sa kuwarto ng mga bata, ok? Sa isang drawer nila, mayroon do'n na maliit na kahon, buksan niyo 'yon ha? Isama mo ang mga anak natin, at saka sabay-sabay nating panoorin."

Muli ay may nakita akong pagtataka sa kaniyang guwapong mukha. Ngumiti lang ako sa kaniya para hindi na siya magtanong.

Tinitigan ko muli ang kaniyang mukha, hinding hindi ako mag-sasawa sa mukha niya, kahit na....

"Hindi ka pa ba matutulog?"

"Hindi pa, pupunta pa ako sa kuwarto ng mga bata para sumilip ro'n."

"Ok, maliligo lang muna ako."

Tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa kaniyang kandungan para pumunta sa kuwarto ng mga anak ko.

Nang makarating ay agad kong nakita ang mga bata na nasa kaniya-kaniya na nilang higaan, mga kapwa natutulog na.

Naangiti naman ako dahil ro'n, mayroong tatlong bed, dalawang king size bed kung saan natutulog ang quadruplets at triplets, habang sa double size bed naman ang aking nag-iisang panganay na babae.

Naglakad ako patungo sa kanila at saka sila binigyan ng tig-iisang mga halik sa noo, mami-miss ko ang mga ito...

Naramdaman 'kong bahagyang kumirot ang puso ko hanggang sa mas lalo itong kumirot, bakit ngayon pa?

Pilit kong iniinda ang sakit habang hawak ang pusong kumikirot, gusto kong sumigaw dahil sa sakit pero hindu puwede dahil ayokong marinig ng mga anak ko na nasasaktan ako, ayokong makita nila ako sa ganitong lagay.

Pilit kong kinakalma ang sarili para kahit papaano ay mawala ang sakit, after five minutes ay tuluyan ng nawala.

Napabuga ako ng hangin dahil ro'n, nangingilid ang luha kong muling pinagmasdan ang mga anak.

Gustong-gusto ko pa silang makasama pero hindi na puwede, kaunting panahon na lang ang meron ako. Masaya ako na aalis ako pero may halong lungkot, masaya dahil nakasama ko ng isang linggo ang mga anak at asawa ko at lungkot dahil sa huling pagkakataon ay hindi ko na sila masisilayan pa.

Alam kong hindi sila pababayaan ng kapatid ko, alam kong mahal niya ang mga anak ko kaya kampante akong maiwan sila sa kapatid ko, pati na rin ang mahal ko...

thexyll

~~

©All Rights Reserved 2022

The Wall Between Us [COMPLETED] SOON TO BE SELF-PUBLISHED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon