CHAPTER 35
ABELA'S POV
"Love, I have an urgent meeting. Baka late na akong makauwi." Saad ni Kirv sa akin na nagmamadali habang habang kinukuha ang suit case nya.
Agad naman akong tumango rito. Hinatid ko sya sa may labas ng pinto. "I'll go ahead, ingat ka rito."
"Yeah, take care too." Tumango lang ito sa akin bago ako halikan sa pisngi at tuluyang lumabas sa may pinto.
Tiningnan ko lang sya hanggang sa mawala na sya sa paningin ko.
Napahinga naman ako nang malalim at inisip ang sinabi ni Travis. Karapat-dapat bang bigyan ng second chance?
Napag-usapan na rin namin ito ni Kirv, ang Sabi niya na sa akin naman daw ang desisyon at nirerespeto nya yon.
And now, nakapag-desisyon na ako. I will give him a second chance at kung wala na talagang pag-asang maayos pa kami ay wala na syang magagawa kung gusto ko nang makipag-hiwalay sa kanya.
TRAVIS POV
After four years nang tuluyang umalis sa piling namin ang asawa ko ay wala na akong alam kung saang lugar sya pumunta. Araw-araw kong iniisip kung maayos lang ba sya, kung kumakain ba sya nang maayos at kung tuluyan na ba syang gumaling sa sakit na dinulot namin sa kanya.
Alam kong hindi talaga makatarungan ang ginawa namin at naiintindihan ko yon kung ang desisyon nya na paglayo sa amin ang syang makatutulong sa kanya para hindi na kami mas lalong dumagdag pa sa pasakit nya.
And now, nabigla ako ng umuwi ito sa amin. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman mo ng sa loob ng apat na taon na hindi namin sya nakita ay heto sya at nakatayong umiiyak habag hagkan ang mga anak namin.
"W-Wife..." saad ko rito, agag na nagawi ang tingin nito sa akin. Kitang kita sa mga mata nya ang galak habang yakap ang mga bata.
Halo-halong emosyon ang bumabalot sa pagkatao ko. Ang atensyong nakatuon sa kanya ay nalipat sa lalaking nakatayo sa likod nya.
Kirv...
Mapait akong napangiti. Sya yung una kong tinawagan kung sa kanya ba dumiretso ang asawa ko, ngunit ang sinabi nito ay hindi.
Bakit pa nga ba ako aasang sasagutin nito ang tanong ko gayon ay alam naman naming dalawa na iisang babae lang ang mahal namin?
Matalik kaming magkaibigan ni Kirv. Ngunit alam ko naman na simula pagkabata ay silang dalawa na ni Bel ang magkasama at nagkakilala lang kami ni kirv nung nasa unang taon na ako ng high school. Sya ang nagpakilala sa akin kay Bel, at sa hindi inaaasahan ay nahulog ang loob namin sa isa't isa.
Simula non ay medyo lumayo na ang loob sa amin ni Kirv at naiintindihan ko yon dahil don ko lag din nalaman na may gusto sya kay Bel.
At ngayong tanaw ko sya ay para akong pinagtrayduran. Tandang-tanda ko pa yung araw ng kasal namin ni Bel, nagkapatawaran kami.
Hindi ko lang inaasahan na sa kanya lang pala tatakbo ang asawa ko. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan nyang itago sa akin na alam nyang nasa puder nya ang asawa ko.
Sa loob na apat na taon na yon, hindi na malabong may namumuo na sa kanilang dalawa. Masakit sa totoo lang. Ano ng laban ko kay Kirv?
Para akong binubugbog sa sinabi sa akin ng asawa ko. Gusto nyang tuluyang makipag-hiwalay sa akin. Dyos ko, ano pa bang kulang para pagbayaran ko ang mga kasalanan namin?
Bakit naman umabot sa ganitong punto? Hindi ko na yata kakayanin kapag tuluyan na talagang iwan ako ng asawa ko, baka mabaliw na ako ng tuluyan.
Humingi ako sa kanya ng pangalawang pagkakataon na maitama ko lahat ng maling ginawa ko. At sobra-sobra ang panalanging hiningi ko para lang matupad yon.
Naputol ang malalim kong iniisip ng tumunog ang cellphone ko, hudyat na may tumatawag.
Tinignan ko yon at nakitang ang asawa ko ang tumatawag.
"Hello Travis?" Bungad nito sa akin. Travis na lang talaga ang tawag nito sa akin. Dati naman ay hubby.
Napangiti lamang ako ng mapait.
"Yes wife?" sagot ko rito.
"Pwede bang ako na ang sumundo sa mga bata?" tanong nito sa akin.
"Yeah, you have the right, Wife." pagsagot ko.
"Ok sige salamat, bye." At agad nitong pinatay ang tawag.
Napatitig ako sa cellphone ko. Its been a weeks, ito na ulit yung pagkakataon na narinig kong kinausap nya ako.
Ilang oras rin akong naglagi sa opisina bago umuwi.
"Mommy, we want to help you!" boses ni Trei ang bumungad sa akin pagpasok sa mansyon.
Mukhang nagkakasiyahan silang mag-iina. Humilig ako sa may pintuan para panoorin sila, nakita pa ako ng isang katulong na akmang babati sa akin ng sinenyasan ko itong tumahimik na agad naman nitong nakuha.
Pinag-krus ko ang dalawang kamay ko sa may dibdib ko at nakangiti silang pinanood. Muling bumalik sa akin ang masayang pakiramdam na pagmasdan silang magsama-sama.
Ganitong-ganito ang senaryo na palagi kong naaabutan kapag umuuwi ako galing trabaho, at ang asawa ko naman ay agad na sasalubong sa akin pagkakita nya at babatiin ako nito na may kasamang halik.
Muli na naman akong napangiti ng mapait, gusto ko na ulit maranasan yon.
Kung sana, sinabi ko lang sa kanya ng maaga edi sana hindi ganito ang mangyayari.
"Mommy, can you taste this?" sambit ni Trasha sa mommy nya habang hawak ang isang kutsara. Mukhang ipapatikim nito ang luto nya sa may mommy nya.
Agad namang tumalima ang Mommy nya bago tinikman.
"Ang galing mo na magluto, Ate!" masayang turan nito, napangiti naman ang mga anak namin dahil don.
Hindi ko na nakayang tingnan itong masayang kasama ang mga anak namin. May halong inggit ang namutawi sa damdamin ko, buti pa ang mga anak namin, nakikita nila yung ngiting ayaw ipakita sa akin ng asawa ko.
Agad akong umalis ron at nagtungo sa may kuwarto namin at don iniyak lahat ng sakit na nararamdaman ko. Hindi ko nga alam kung paano ako nabubuhay na ganito ang nakikita ko.
Miss na miss ko na ang asawa ko, kailan ba kami babalik sa dati? Kung sana, nag-isip ako ng tama, hindi sana mangyayari to.
thexyll
BINABASA MO ANG
The Wall Between Us [COMPLETED] SOON TO BE SELF-PUBLISHED
Lãng mạnCOMPLETED ⚠️ [This story is full of LOOPHOLES. LOOPHOLES. HUWAG NG IPAGPATULOY ANG PAGBABASA KUNG HINDI KAYO NAS-SATISFY.] Ako ang kasama niyo, pero bakit iba ang gusto niyong makasama? Masaya akong nakikita kayong masaya, pero bakit sa iba kayo su...