CHAPTER 10 [EDITED]

17.1K 230 10
                                    

CHAPTER 10

ABELA SCHENEDER-RIOS

"Itali niyo na 'yan."

Sinunod ng dalawang lalaki ang boss nila.

"S-sino ka ba?! B-bakit mo ba ito ginagawa sa akin?!"

"Gusto mong malaman kung sino ako?"

Tiningnan ko siya sa mga mata niya habang siya ay may nakakatakot na ngising naka-paskil sa kaniyang mga labi.

"Kuwentuhan kita ng isang kuwentong tiyak na magugulat ka, hahaha!"

Nanginginig ang mga labi kong nakatingin pa rin sa kaniya, nagulat ako dahil sa biglang pagbago ng expression nang mukha niya.

"Once upon a time, merong babaeng masaya dahil sa anak niyang kakapanganak pa lang niya. Masayang masaya siya dahil sa loob nang paghihirap niya ay biglang nawala ng masilayan niya ang anak niya. Ang anak niya ay nag-iisa na lamang niyang katuwang, ngunit!"

Hindi ko maipaliwanag ang expression niya, para siyang maiiyak na nagagalit. Biglang sumama ang tingin niya sa akin bago ipagpatuloy ang kuwento.

"Nagbago ang lahat dahil sa pangyayaring hindi inaasahan. Namatay ang anak niya dahil sa isang babae siyang naging dahilan niyon. Alam mo ba kung anong nangyari bago namatay ang bata?"

"Bago namatay ang bata ay nag-aagaw buhay ito dahil sa sakit sa puso! Nahihirapang makahinga ang anak niya nang mga oras na 'yon,  napansin sila ng mga doctor kaya pinuntahan siya ng mga ito upang askasuhin ang anak niya!"

"Ok na sana ang lahat eh, pero nagbago ang lahat nang may biglang pumasok na mag-asawa sa ospital na 'yon, nag-aagaw buhay ang apat niyang mga anak dahil naaksidente ang mga ito papunta sa isang mall."

"Maawa na sana ang babae para sa mga batang iyon pero hindi puwede dahil naalala niya ang anak niyang nag-aagaw buhay rin sa oras na 'yon. Nang dahil sa mga batang 'yon ay naiwan ang mag-inang kailangan rin nang tulong sa panahon 'yon."

"Mas pinagtuunan ng mga lintik na doctor ang apat na bata samantalang ang anak niya ay malapit na ding mawala! Humingi siya ng tulong sa mga nurse pero hindi 'yon nangyari, dahil lahat sila ay busy. Umiiyak sa pagmamakaawa ang babaeng 'yon habang hawak ang anak niyang dahan-dahang humihina ang paghinga."

Nagulat ako dahil do'n nanlaki ang mga mata ko, dahil naalala ko ang mga anak ko sa kuwento niya.

Siya 'yung...

"I-ikaw..." hindi ko matuloy-tuloy ang sasabihin ko nang tumingin siya sa akin.

"Oo, ako nga, Mrs. Rios..." nakangising saad niya sa akin, wala na ang luhaan niyang mukha.

"P-p-paanong..."

"Natandaan mo na ba? Mukhang hindi ko na kailangan pang mag-iba ng katauhan."

"Ang suwerte mo dahil nakakasama mo ang asawa't anak mo, ano kayang magiging reaction ng asawa mo kapag nalaman niyang malapit ka ng mawala? Ahh, hindi ko pa pala puwedeng gawin 'yon dahil hindi sapat ang buhay mo para sa anak ko."

"Paano kaya ano, kapag buhay ng mga anak mo ang kapalit? Ang saya siguro 'yon, hahaha!"

"H-hindi... Huwag ang mga anak ko! Kahit ako na lang, huwag lang ang mga anak ko!"

"Paano kung ayaw ko? Kawawa ka naman kung gano'n... Hays, ang mga anak ng pamilyang Rios ay malapit nang mawala..."

Kailangan kong mailigtas ang mga anak ko, hindi puwedeng mawala sila sa akin, hindi ko kakayain.

~~

THIRD PERSON'S POV

"Napaka-ganda mo anak, lahat ng hirap ko ay biglang nawala ng masilayan kita," nakangiting sambit ng babae sa kaniyang anak na natutulog sa kaniyang bisig.

Napangiti siya nang bigla itong ngumiti habang natutulog.

"Nilalaro ka ba ng mga anghel anak? Hmmm," usap niya rito habang nilalaro ang daliri nito.

Tiningnan niya lang nang tiningnan ang anak hanggang sa napansin niyang parang iba ang bilis ng paghinga nito.

Kinutuban siya nang bigla itong umiyak, saktong may napadaan na mga  doctor sa kinauupuan niya kaya tinawag niya ito.

"Doc, 'yung sakit niya..."

"Ako pong bahala misi----," naputol ang sinasabi ng doctor nang may biglang pumasok na mga nurse habang tulak tulak ang pasyenteng mukhang galing sa aksidente.

Nahabag ang itsura ng babae dahil sa nakita, nakita niyang sunod-sunod na pumasok ang isang babae at lalaki na kasunod nito ay mga batang hindi nalalayo sa edad na walo.

Naisip niyang baka isang pamilya 'yon, labis siyang natakot sa sandaling 'yon dahil nakita niya ang doctor na siyang dapat aasikaso sa anak niya na pumunta sa bagong dating na pasyente.

thexyll

~~

©All Rights Reserved 2022

The Wall Between Us [COMPLETED] SOON TO BE SELF-PUBLISHED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon