CHAPTER 38

2.7K 56 10
                                    

CHAPTER 38

ABELA POV

"So anong plano niyo?" pambabasag ko sa tahimik. Si Trasha ay para na namang maiiyak, habang si Kirv naman ay hindi alam kung ibubuka ba ang bibig.

Nasa tabi ko si Travis na nakakuyom ang kamao. Naka-igting rin ang panga nya tanda na nagpipigil ng galit.

May konting dugo pa ang namuo sa gilid ng labi ni kirv magmula nang suntukin siya ni Travis. Hindi naman pumalag ang isa at tinanggap lang ang suntok.

"'My, we will rid this child na lang." Nahihirapang sambitin ni Trasha.

Gulat na napatingin sa kanya si Kirv.

"No! Hindi natin ipapalaglag yan! That's my child, may karapatan ako sa kanya!" Kita ko ang sakit sa mata ni Kirv habang sinasabi nya yon sa anak ko.

Umiiyak naman na umiling si Trasha.

"P-Paano ko to bubuhayin?" parang nawawalan na pag-asa nyang sinabi.

"Ako ang bubuhay sa inyo, just don't rid my child." Lumulunok na sambit nito.

"Magpakasal kayo." Biglang singit ni Travis, hinawakan ko sya sa kamay nang balingan ko sya.

"Hayaan mo silang mag-desisyon." Tutol ko sa kanya, hindi naman kailangan pakasalan ni Kirv ang anak ko nang dahil lang sa bata. At saka hindi nila mahal ang isa't isa.

"No." Baling nya sa akin bago tumingin kay Kirv at Trasha.

"You will mary my daughter and that's final. Ayokong lumaki ang magiging apo ko na hindi buo ang pamilya." Mariin na sabi niya.

"Hindi ka pa talaga nakuntento eh, no? Pati anak ko pinatos mo." Galit na sabi ni Travis.

"Travis..." pagkalma ko sa kanya.

"Tss." He hissed.

"I'm sorry," nakatungong sabi ni Kirv.

"Sorry my ass." Nirolyo ni Travis ang mga mata kaya natampal ko ang binti nya na hindi naman nya ininda.

"Kailan magaganap ang kasal?"

"After siguro nyang manganak." Bago sya bumaling kay Trasha. "Ok lang ba?"

Tumango lang ang anak namin bago nag-iwas ng tingin.

TRASHA's POV

Tumango ako kay Kirv bago nag-iwas nang tingin, tama naman ang ginawa ko hindi ba? Para rin naman sa anak ko to, tama si Daddy, gusto ko rin namang magkaroon ng buong pamilya ang anak ko.

Bigla ay nag-sisi ako sa sinabi kong gusto kong alisin ang anak ko sa akin, dahil yata sa hindi ko na alam ang gagawin at gulo-gulo na rin ang isip ko kaya nasabi ko 'yon. Pero nag-sisi naman ako, hihingi ako ng tawad sa anak ko.

Hindi ko alam kung anong mangyayari sa amin ni Kirv, pero kakayanin naman tiba?

Alam ko naman na mahal nya pa rin si Mommy kahit na magkakaroon ba sya ng anak. Bigla ay nakaramdam ako ng kirot sa puso ko sa hindi malamang dahilan.

Hinaplos ko ang tiyan ko habang pinapakiramdaman ang sarili. Sana lang ay hindi ako mag-sisi sa desisyon 'to.

Hindi naman sa hinihiling ko ito pero, sana magkaroon ng progress ang bubuuing naming pamilya.

"Sa ngayon, hihinto ka muna sa pag-aaral mo." Sambit ni Daddy.

Agad naman akong umalma sa sinabi nya.

"Pero, Dad, kaya ko naman pong ituloy ang pag-aaral ko habang nagbubuntis ako." Paawa ko sa kanya. "Ayokong huminto, Daddy." Pagmamakaawa ko pa lalo.

"Para rin naman to sa ikabubuti mo. Ayaw ka lang naming i-stress anak."

Lumunok ako nang maramdaman kong humawak sa kamay ko si Kirv. Nilingon ko sya dahil sa ginawa nya.

"Just listen to your, Dad. Para rin naman sa inyo yon ng anak natin." Malamlam ang mata nyang nakatingin sa akin.

Hinagilap ko ang emosyon sa mga mata nya pero isa lang ang nakita ko don, saya. Bakit masaya ang mga mata nya?

Kami... Kami ba ng anak nya ang dahilan niyon?

Muli na naman akong tumango sa kanya, sumasang-ayon. Right, para rin naman sa amin ng anak nya yon.

~~~

"May gusto ka bang ipagbili? May mga pagkain ka bang hinahanap nyo ni Baby?" Sunod-sunod na tanong ni Kirv sa akin habang naka-alalay sa akin patungo sa condo na binili nya para sa aming dalawa.

Nahihiya naman akong nag-taas ng tingin sa kanya, ramdam na ramdam ko ang kamay nyang nakapulupot sa baywang ko. Ang init na galing sa katawan nya ay dumadapo sa akin.

"A-Ah, wala naman." Tugon ko sa kanya.

"Are you sure? Bibili ako para sa 'yo, magsabi ka lang." Pinaupo nya ako sa sofa bago tumabi sa akin.

Marahan nyang hinaplos ang tiyan ko bago 'yon kinausap.

"Baby, wag mong pahirapan si Nanay, ha?" Nabosesan ko ang lambing sa tinig nya habang sinasabi 'yon, parang may humaplos naman sa puso ko nang marinig sa kanya yon.

Alam ko sa sarili ko na magiging mabuti syang tatay sa anak namin.

"Aalagaan kayo ni Tatay, mamahalin ng higit pa sa pagmamahal na binibigay ng isang tao. Poprotektahan ko kayo sa lahat ng may gustong manakit sa inyo. Mahal na mahal kayo ni Tatay."

Para akong maiiyak sa sinabi nya, alam kong masamang umasa pero hindi ko mapigilan lalo na nang sinabi nyang Mahal nya kami. Sana panindigan nya yung sinabi nya.

Mahirap rin kasing maniwala lalo na at alam kong hanggang ngayon ay si Mommy pa rin ang mahal nya.

Alam ko na kahit anong tanggi ko sa sarili ay nahuhulog na ako sa kanya. Mabilis hindi ba?

Sinong hindi mahuhulog sa ganitong kilos? Tanga na lang ang hindi.

thexyll

N/A: Wala na, di na kaya ng braincells ko😭 Bawi na lang sa susunod.

The Wall Between Us [COMPLETED] SOON TO BE SELF-PUBLISHED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon