It was awkward at first. Hindi ko inaakalang makakasama ko siya ngayong gabi. Natutulog na dapat ako ng ganitong oras but... here I am, eating.
Hinihintay ko siyang bumalik, siya na kasi ang umorder para sa aming dalawa.
"You good?" He asked habang nilalagay sa lamesa ang mga pagkain.
Tumango naman ako, "Yes" umupo na rin siya sa harap ko. Ang awkward, magsisimula na ba akong kumain? Should we pray first? should I talk to him?
"You can eat na" He said. Nag sign of the cross nalang ako bago magsimulang kumain.
"How was your vacation?" He said, parang atat na atat sa kwento amp, hindi pa nga ako nakakasubo ng isang kutsara sa pagkain ko?
Sumubo muna ako ng isang kutsara at nginuya habang iniisip kung ano ang sasabihin ko, kung saan ko sisimulan o kung ik-kwento ko ba lahat.
"Okay lang, nag activity kami doon" I said, hinintay ko kung ano ang magiging reaction niya but wala, he looks interested in my story pero wala akong maintindihan sa expression niya kung nagulat ba o natuwa... wala!
"Nag jet ski kami ni Kuya. Ang saya pala nun? Never kong natry, eh." I said, "Tuwing nagb-beach kami, 'yung view lang talaga ang habol ko. Sunrise, sunset, wave, sand." Kwento ko pa.
Tumatango tango lang siya sa kwento ko, andaya hindi ako makasubo ng pagkain dahil patuloy lang ako sa pag k-kwento habang siya ay nakakakain habang nakikinig, sanaol "Madalang ako mag swimming at sumama sa mga activity, madalas tulog ako sa bakasyon"
Too much information, Nathaly! Tinanong niya lang kung kamusta, ang haba ng sinagot mo.
Tumigil ako sa pag kwento, trying to read him. "Kwento ka pa" Sabi niya.
"Hindi ba pwedeng... kumain muna ako?" Itinaas ko ang kilay ko at tinuro 'yung pagkain ko, hindi pa kasi nagagalaw ng sobra.
Tumawa naman siya bago tumango, "Sorry naman, eat well"
Tumango nalang ako at nagpatuloy.
"Hindi ba kayo nag bakasyon?" I asked him. Tapos na kasi siyang kumain, nakapatong ang dalawang braso sa lamesa at nakatingin sa labas, salamin siya so kita 'yung mga tao.
Lumingon siya sa akin bago sumagot, "No" tumigil siya sandali at uminom ng tubig, "Busy parents. Hindi ko pwedeng dalhin si Mika sa bakasyon" Sabi pa niya.
"Why?" Sabi ko bago uminom ng tubig. Tapos na rin kasi ako kumain.
Hindi siya agad sumagot so I guess, try again? Hindi pa 'ata ready mag open, hindi ko naman siya pinipilit though, just trying if he'll talk about it.

BINABASA MO ANG
Heaven's Cloud (EDITING)
Teen FictionThe class president and a transfer student at their university. Who would have guessed that they would get along? Miko planned to assist Skye in stepping beyond her comfort zone after their project together. His only goal is to help her and not to f...