Chapter 21 part 1

25.3K 405 20
                                        

I was watching Abby while she's eating. Magkaharap kasi kami dito sa dining table. Kasabay ng pagsubo niya ay napapanganga ako, kapag ngunguya naman siya ay napapakagat-labi ako, at tuwing lulunok siya ay napapalunok din ako.

Taena! Halos hindi ko na nagalaw ang pagkain ko sa pinggan dahil sa kakatitig ko sa kanya. Ewan ko, miss ko lang siguro siya ng sobra. Lahat ng mga kilos at galaw niya ay na-miss ko talaga.

Malakas talaga kumain ang babaeng ito kahit noon pa man pero di naman tumataba at di rin lumalaki. Isa rin ito sa mga nagustuhan ko sa kanya dahil hindi siya nahihiyang ipakita sa akin ang tunay na ugali niya.

Napangiti ako. She told me last night na bumalik na ang alaala niya. I was happy and afraid at the same time. Naaalala na niyang mahal niya ako. Pero hindi ko pa rin maiwasang hindi mabahala lalo na at hindi pa bumalik ang lahat ng mga alaala niya. All she could remember were those memories until we got married.

Naluluha pa siya kagabi habang ikinukwento niya sa akin ang mga naaalala niya. She still couldn't believe that I was able to love her back at magkasama kami ngayon. Pero paano na kapag bumalik ang lahat ng alaala niya? Natatakot akong iwan niya ako ulit.

Pero sa ngayon ay hindi ko na muna iisipin ang mga iyon. Ang mahalaga ay naaalala na ako ni Abby bilang asawa niya. At ipaparamdam ko sa kanya na mahal na mahal ko talaga siya.

Bigla siyang napatingin sa akin kaya napabalik ako sa ulirat ko. Napalunok ako at ang lakas ng tibok ng puso ko. Si Abby lang talaga ang may kakayahang magpatulala at magpawala sa sarili ko.

Muntik pa siyang mabulunan dahil sa pagtitig ko sa kanya. Nasamid siya. Alam kong naiilang siya.

I smiled at her. "Tubig, honey," sabi ko sabay abot ng baso sa kanya.

Tinanggap naman niya iyon saka uminom. Dàmn it! Pati paglagok ng tubig ay ang sexy niya tingnan. Shít! Umiinit ang pakiramdam ko habang pilit na pinapakalma ang sarili ko sa ibaba. Hinaplos ko iyon. Easy there, buddy. Patience okay? Pareho lang tayong tigang.

She frowned while returning the glass on the table. "Makatitig ka naman, Gabriel! Parang hinuhubaran mo na ako."

I grinned naughtily. "Actually hindi nga parang 'yon kasi sa paningin ko ngayon ay nakahubad ka na talaga sa harap ko habang kumakain ka-aaaww..." Sinipa niya ang binti ko sa ilalim ng mesa.

"Bastos ka talaga! Nasa harap tayo ng pagkain oh! Puro kalaswaan na naman ang nasa utak mo. Kumain ka na nga. Hindi ka mabubusog sa kakatingin sa akin. Nakakailang kaya," mahabang saad niya.

Pansin kong pumula ang magkabilang pisngi niya. Napailing ako at ngumiti. "Kahit hindi na ako kumain araw-araw, Abby, basta ikaw ang kasama ko parati ay busog na ako."

Napatingin siya sa akin. Alam kong babarahin na naman niya ako kaya mabilis kong sinundan ang mga sinabi ko. "And besides, ikaw lang ang putaheng gustung-gusto kong kainin," dagdag ko pa saka nagkagat-labi.

Nanlaki ang singkit niyang mga mata sabay tampal sa bibig ko. "Loko ka, Gabriel, kung anu-ano mga pinagsasasabi mo. Ang dumi ng iniisip mo!" irap niya kaya humagalpak ako ng tawa.

Ito talaga ang Abby na mahal na mahal ko, pikon at kalahati. Nakaka-miss iyong ganito. We've been like this before kaya sanay na sanay na si Abby sa mga lumalabas sa bibig ko.

We've finished our breakfast. Nag-agawan pa kami sa paghuhugas ng pinagkainan namin pero in the end, sumuko rin ako. Ayaw magpatalo ng mahal ko. Siya ang naghuhugas at ako na lang ang nagpupunas at naglalagay sa dish drawer.

"Do you want to explore the island, honey?" tanong ko sa kanya habang pinupunasan ang inabot niyang plato sa akin.

Tumingin siya sa akin at ngumiti. "Ano ba ang mga pwedeng gawin dito sa isla?"

Faded Memories (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon