Chapter 3

36.3K 731 65
                                    

Dali-dali akong hinila ni Nicz palabas ng mall at ipinasok sa loob ng kotse niya. Panay ang mura niya sa inis at galit kay Gab at Carmela. Samantalang ako naman ay iyak nang iyak. Para akong malalagutan ng hininga. Ang sakit-sakit sa dibdib. Hanggang ngayon ay nanginginig pa rin ang mga tuhod ko. Naalala ko na naman ang scenario.

Gab and Carmela were only 3 meters away from us. Magkahawak pa ang mga kamay nilang dalawa. They looked liked a happy couple.

They looked so in love with each other at parang sila lang iyong tao doon. Gab even kissed Carmela's forehead with a smile on his face. Biglang dumako ang mga mata ni Carmela sa gawi namin. She even waved her hand at us. Itinaas pa niya ang kamay nila ni Gab na magkahawak. Parang ipinamumukha niya sa akin na kasama niya ang asawa ko ngayon at masaya sila.

She smiled evilly and raised her eyebrow while staring at me. Dumaan pa sila sa harap namin ni Nicz. Gustong sunggaban ni Nicz iyong dalawa pero pinigilan ko siya. Ayaw kong magkagulo in public.

When Gab and mine's eyes met, parang nagulat pa siya. Nawala ang ngiti niya at naging malamig ang ekspresyon ng mukha niya. Nilagpasan lang nila kami at hinila naman ako ni Nicz palabas.

"My goodness, Abby! Wala ka man lang ginawa! Nasa harap mo na, di mo pa pinatay! Tangna! Ang kapal ng pagmumukha nilang dalawa! Lakas pa ng loob na dumaan sa harap natin! Putangina! Hiwalayan mo na, please lang! Grrrr!!!" umuusok sa galit na sabi niya at ramdam ko ang sobrang pagkamuhi sa boses niya.

Umiyak lang ako. "Nicz, hindi ko kaya. Ayaw kong mahiwalay kay Gab. Hindi ko kayang mabuhay nang wala siya. Nicz, ano'ng gagawin ko? Bumalik na naman si Carmela. Paano kung hiwalayan na ako ni Gab at maikipagbalikan sa kanya? Wala akong laban, Nicz. He once loved her...." hagulgol ko.

Niyakap ako ni Nicz nang sobrang higpit. Naiyak na rin siya. "Ssshhh...Tahan na, Abby... Tiis lang. Kapag di mo na talaga kaya, iwanan mo na, ha?" she said sympathetically. 

Umiling ako."No, Nicz. Alam ko na mamahalin niya rin ako. Alam kong madalas siyang galit sa akin pero there were times na parang bumabalik siya sa dati noong college pa kami. Kahit matagal maghihintay ako. Magtitiis ako hanggang kaya ko dahil hindi ko siya kayang isuko," sabi ko pa habang walang tigil sa pagtulo ang mga luha ko.

Bumuntong-hininga na lang si Monique habang pailing-iling.

******

Nang gabing iyon ay inihatid ako ni Nicz sa bahay. Kahit nasa daan ay walang tigil sa pagtulo ang mga luha ko. I tried to calm down pero kapag pumapasok sa isip ko na hihiwalayan ako ni Gab ay napapahagulgol ako. Para akong bata na inaagawan ng kendi, hindi titigil hanggang walang umaalo.

Nakarating ako sa bahay. Patay ang mga ilaw. Walang tao. Wala rin ang kotse ni Gab. Ibig sabihin ay hindi pa siya dumarating. Napaluha na naman ako. Ganito pala ang pakiramdam ng nag-iisa. Paano na lang kaya kung hindi na bumalik si Gab dito? Ano'ng mangyayari? Ano'ng gagawin ko? Paano kung di na siya umuwi at sumama na siya kay Carmela? Paano na ako?

I rested my worn-out body on our bed. I took my phone to look at our pictures when we were still in college. We were still very happy in those pictures. Sobrang kulit kasi ni Gab noon. Kung saan-saan niya ako dinadala at ipinapasyal. Siya pa nga ang nagturo sa akin kung paano mag-snorkel at mag-surfing. He was very sweet, thoughtful, and caring.

I continued swiping my finger on the screen to browse for more pictures. Natigilan ako nang bumungad sa akin iyong picture namin nang minsang nag-absent kami sa school for two days at palihim na nagpunta sa isang malayong private resort. Siya pa nga ang nag-bluetooth ng picture na iyon sa phone ko para daw may copy rin ako.


I woke up inside Gab's arms. I smiled at him. "Good morning," bati ko sa kanya pero nagtaka ako nang bigla na lang siyang tumawa.

Faded Memories (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon