This chapter is dedicated to RslGTmy. Hoy!, di ko alam binabasa mo pla ito!, hahaha!, salamat sa papuri at sa wish for this book. Salamat sa supporta. Mwaaah.... see you soon sasabanana!, hahaha!
******
"Dude," narinig kong tawag ni Gomer sa akin kasabay ng pagyugyog niya sa balikat ko. Nakatagilid ako ng higa patalikod sa kanya kaya di ko siya nakikita.
"Langya naman! 'Yan ang napapala mo. Halos di ka na kasi natutulog kakabantay kila Abby kaya nagkakasakit ka. Gusto mo palipatin ko si Mariz dito para matingnan ka? Baka hindi iyan simpleng lagnat at sipon lang. Three days ka nang ganyan eh."
"Ayoko nga. Gusto ko si Abby lang ang nag-aalaga sa akin pag may sakit ako." Di ko na maiwasang di mag-self-pity. Dati kasi tuwing nagkakasakit ako, haplos pa lang at yakap ni Abby ay napapawi na ang sama ng pakiramdam ko. Ngayon ay wala akong asawa na mag-aalaga sa akin. Lalo tuloy akong nalulungkot at naaawa sa sarili ko.
"Ay napakaarte mo talaga! Gusto mong alagaan ka niya pero ayaw mo naman magpakita sa kanya."
"Nag-iipon pa ako ng lakas ng loob."
"Hanggang kailan ka mag-iipon ng lakas ng loob? Hay naku, Montreal. Three months na kayong hiwalay ni Abby! Suyuin mo na kasi."
"After hearing all those things that she said, ewan ko kung kailan pa ako makakaipon no'n. Sobrang sakit ng mga nagawa ko sa asawa ko. Pati tuloy ako nagagalit sa sarili ko. Do you think mapapatawad pa kaya niya ako?"
"I don't just think na mapapatawad ka pa niya. I'm very sure na mapapatawad ka niya. Dude, nasaktan lang si Abby kaya ganoon siya magsalita. Tangina, ayoko man aminin pero patay na patay sa iyo 'yong kapatid ko mula pa noon at mahal na mahal ka no'n so why not use it at your advantage?"
Napaisip ako sa mga sinabi niya. May chance pa nga kaya na mapatawad pa ako ni Abby?
"Ang arte n'yo pareho! Iyong isa, ang taas-taas ng pride. Ikaw naman, naduduwag? Hindi ba kayo naaawa doon sa anak n'yo? Magbalikan na kasi kayo!"
******
Napapikit ako at pilit hinahabaan ang pagtitimpi ko kay Gomer habang nagluluto. Nagpunta pa talaga siya dito sa kitchen para lang magpatugtog ng kanta na iyon na kanina pa naka-repeat mode sa phone niya. Nang-aasar na naman ito eh.
♪I will never let you fall
I'll stand up with you forever
I'll be there for you through it all
Even if saving you sends me to heaven
'Cause you're my,
You're my, my, my true love,
My whole heart
Please don't throw that away
'Cause I'm here for you
Please don't walk away and
Please tell me you'll stay...♪
"Ang ganda talaga ng boses ni Gabriel 'no, Abby?" nakapangalumbaba sa countertop na sabi niya.
Hinigpitan ko ang hawak ko dito sa sandok dahil baka maibato ko na ito sa kanya. Oo, recorded song iyon ni Gabriel noong college at hindi ko alam na may kopya pala siya niyon.
"Alam mo bang siya ang pumili niyang kanta na iyan dati? Para daw iyan sa espesyal na babae sa buhay niya. Minumura ko pa siya noon kasi halatang in love na in love siya habang kinakanta iyan. Akala ko naman kasi eh hindi pa siya nakaka-move on kay Carmela noon. Iyon naman pala, para sa kapatid ko pala iyan."
BINABASA MO ANG
Faded Memories (Completed)
Aktuelle LiteraturHe is my first love. High school pa lang kami, I am already truly, madly, and deeply in Love with him up to the point that I already surrendered everything to him. He even made me his fúck buddy when we were in college. We had a no-strings-attached...
