Chapter 13

29.1K 488 34
                                    

I was with Monique. Tinitingnan namin ang mga posters na ginawa ng mga schoolmates namin para sa poster making contest sa Linggo ng Wika. I am one of the contestants. Nandito kami sa hallway kung saan naka-display ang mga gawa ng mga contestants. I'm already grade six and this will be my last chance to join the competition. Last year I was the one who won the first prize.

"Alam mo, Abby, iyong painting mo ang pinakamaganda sa lahat. Buhay na buhay ang mga kulay. For sure ikaw na naman ang big winner this year," saad ni Nicz nang nakapalakpak pa.

Napangiti ako. "Hindi naman, magaganda naman iyong iba."

Nagpaalam si Nicz sa akin na pupunta muna sa classroom namin kaya naiwan akong tumitingin sa mga paintings. Naaaliw ako. Hanggang sa nakarinig ako ng nagsisigawan na parang may naghahabulan at naagaw niyon ang atensyon ko. Papunta iyon sa gawi ko. Napabuntong-hininga ako at pairap na ibinalik ang atensyon sa mga paintings.

Nagkakagulo na naman ang members ng fans club ni Gabriel Joaquin Montreal. Hinahabol na naman siya ng mga fangirls niya. I sighed again. Halos araw-araw na lang na ganito ang tagpong nakikita ko. Ano ba'ng nagustuhan nila sa lalaking iyon? Bukod sa gwapong mukha eh napakahangin at mayabang naman, dagdag mo pa ang pagiging sobrang babaero niya. Grade five pa lang kami pero may girlfriend na siya! Tapos ilang linggo lang sila eh may bago na naman. Ang landi lang. Kung alam lang ng mga babaeng iyon ang tunay na ugali ni Gab. Tsk!

Kababata ko si Gab. Halos sabay na kami lumaki dahil matatalik na magkakaibigan ang mga magulang namin. Pero hindi kami close. Kilala niya ako at kilala ko siya pero halos hindi kami nag-uusap. I really don't like him. Ang yabang kasi. Hindi ko rin maipagkakaila na sikat siya dito sa school namin. Kasama siya sa dance crew at kumakanta siya sa mga school programs kasama ang pinsan kong si Gomer na parang boy band sila, at halos lahat ng mga babae dito eh bukambibig siya o di kaya'y ang grupo nila.

Hinayaan ko na lang ang ingay at nag-focus ako sa pagtingin sa mga paintings nang biglang may humablot sa braso ko. Napakabilis ng pangyayari. I just noticed na nasa isang sulok na ako at nakasandal sa pader. Buti na lang hindi ako nasaktan. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung sino ang may gawa no'n.

"Gab?" Napaawang ang bibig ko. He was taller than me kaya nakatingala ako sa kanya. We both stared at each other's eyes. Nakita ko ang paglunok niya. Biglang bumaba ang mga mata niya sa mga labi ko kaya bigla akong nakadama ng kakaibang kaba at pagkailang.

"Hoy! Umalis ka nga sa harap ko! Bakit bigla-bigla ka na lang nanghihila diyan?" sigaw ko sa kanya.

Napakurap siya saka ngumiti. "Shhhh.... Wag kang maingay baka may makarinig sa iyo, makita pa ako," saad niyang nakangiti pa rin.

"Pakialam ko naman sayo?! Alis!" tulak ko sa kanya pero mas lalo niya akong isiniksik sa gilid ng pader.

"Hindi pwede!"

"Bakit hindi? Ikaw ang hinahabol, hindi ako. Kaya ikaw ang magtago diyan!" bulyaw ko sabay tulak sa kanya. Akmang aalis na ako nang hilahin niya ulit ako pabalik sa pwesto ko kanina. Kasabay din niyon ang pagdaan ng mga fans niya. Nagpupumilit akong makaalis sa pagkakasandal niya sa akin sa pader.

"Ano ba, Gabriel! Pakawalan mo na nga ako! Sisigaw ako dito!" inis na banta ko.

"Mamaya na, okay? At wag kang maingay!"

"May bibig ako kaya mag-iingay ako hanggang gusto ko. Paalisin mo na ako, ano ba!" Tulak ko sa kanya pero napahinto ako nang nakarinig ako na may nagsalita sa likod ni Gab.

"Si Gab ba iyon? Sino iyong kasama niya?" Rinig kong sabi ng isang boses babae.

"Ghad, siya nga! Kyaaaaah!, Lapitan natin, bilis!" tili naman ng isang boses bakla.

Faded Memories (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon