Chapter 17

22.4K 389 31
                                    

I looked at Abby and smiled. She's peacefully sleeping on my chest. Niyaya ko siyang pumasok kanina pagkatapos namin mag-usap sa shore. Masaya ako dahil hindi na siya umiiwas sa akin unlike noong una. Kung dati ay pinagtutulakan niya ako, asar at galit sa ginawa kong paglayo sa kanya mula sa mga magulang niya, kanina ay tahimik lang siyang sumunod sa akin.

We ate dinner together at nakikipagbiruan pa siya sa akin. Then inihatid ko siya sa room niya pero pinigilan niya akong umalis. She asked for me to stay with her in her room kaya bakit ko naman siya tatanggihan. I was actually surprised at first at napatulala lang sa kanya for some seconds. Hindi kasi ako makapaniwala na hihilingin niya iyon sa akin. Of course, I grabbed the opportunity. This is now my chance to make her feel how much I love her. Kahit sa ganitong pagkakataon at paraan man lang ay ipaparamdam ko sa kanya ang halaga niya sa akin.

I don't want to waste even a second just to make her feel how much I missed and love her. Kahit hindi ako maalala ng isip niya, I still want Abby to learn how to love me again. A man who will never take her for granted this time. A man who will never play with her feelings anymore, who can be her strength during her weak moments, who will love her unconditionally. A man who is willing to sacrifice even his own life for her. I'm willing to become his slave. I want to take care of her, to cherish her for the rest of my life. Ayaw kong ipadama ulit ang sakit na naramdaman niya dati nang dahil sa akin. Babawi ako sa lahat ng mga naging pagkukulang ko bilang asawa niya.

I tightened my embrace on her back while I was caressing her hair then I kissed her forehead gently. Sana noon ko pa ito ginawa sa kanya. Sana ipinakita at ipinaramdam ko na sa kanya noon ang pagmamahal ko when I finally realized and acknowledged the fact that I'm truly in love with her. De sana wala kami ngayon sa sitwasyong ito. Sana ngayon masaya na kami habang magkasamang inaalagaan ang mga anak namin.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang panghihinayang at guilt ko sa pagkawala ng dalawang anghel namin. Sobra-sobra ang pagsisisi ko. Kung noon pa lang sana ay inayos ko na ang mga gusot sa buhay ko including Carmela and Amanda, naging maayos din sana ang pagsasama namin ni Abby at hindi na kailangan pa na mawala ang dalawang baby namin. Hindi na sana siya naaksidente at nawala ang ibang memorya.

I embraced her body even tighter while my eyes are tearing up. Gumalaw ang ulo niya at tumingala siya sa akin. She frowned.

"Gab...?"

"Hmmm?" Pasimple kong pinunasan ang luha sa mga mata ko.

"You were crying." It's more of a statement than a question.

I smiled gently at her. "I just remembered something. Anyway, I thought you were sleeping?" Hinila ko siya pataas para magkapantay ang mukha namin. Nakadapa pa rin siya sa ibabaw ko. I touched her face, napapikit siya.

"Hindi ako makatulog." Napamulat siya at diretsong tumingin sa akin.

I gave her a soft smile.

"Pwede mo ba akong kantahan?" she requested with a small smile on her lips.

I nodded while gazing at her pretty face. "Whatever you wish, Abby, you know that I will do them for you. Dahil mahal kita, lahat gagawin ko para sa iyo," buong pusong sabi ko.

She just nodded. Parang kinurot ang puso ko. I'm always telling her how much I love her pero puro irap at pambabara lang ang inaabot ko mula sa kanya. Now I know how much it is hurting to say those words without receiving the same response. Kung dati ay maya't-maya niyang sinasabi sa akin ang 'I love you, Gab' but I wouldn't bother to answer back—not even a nod— ngayon ay hinahanap-hanap ko na iyon pati na rin ang pag-aalaga niya at pagiging sobrang malambing at maasikaso sa akin.

I kissed her forehead. Napapikit siya. Pinaupo ko siya sa kama. I took my guitar. Magkaharap kami. This song that I'm going to sing is the same song that I had in mind when I finally noticed her as a fine lady during high school.

Faded Memories (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon