***Epilogue***

30.5K 597 138
                                    

 Acknowledgment:

Hello!

Pasensya na po sa matagal na paghihintay ng update ng epilogue. Dumadaan kasi sa hell month si editor na natabakan ng maraming school projects kaya pasingit-singit lang sa pag-eedit.

I dedicate this last chapter of FM to all of you guys! Pero bago ang lahat ay buong puso po kaming nagpapasalamat sa iyong lahat. Sa inyong walang sawang pagsuporta at matiyagang pag-aabang sa bawat update ng FM simula sa unang bersyon at sa bagong bersyon ng Faded Memories. Sa lahat ng mga naiyak, tumawa, nainis, kinilig at nagmamahal kina Gab at Abby, salamat. Thank you for all your votes, comments, and wishes for this story. Maraming maraming salamat po talaga. Kaya paano na ang isang writer kung walang readers? At di ako magsasawang magpasalamat sa inyo. Kung saan man makarating si FM ay bahagi po kayo roon. (Chos! Naiiyak talaga ako. Sorry! Hihihi)

This is my first ever story na nagawa at natapos dito sa wattpad. Kaya masasabi kong ito rin ang unang accomplishment na nagawa ko sa buhay ko. Before, it was just a dream to write a story. But now it is not just a dream anymore, dahil naisulat ko na sya at naibahagi sa iyong lahat kung ano ang nasa isip ko. (*Sobbed*. Hahaha!)

Pero hindi ko naman magagawa ang lahat ng ito kung wala ang tulong ng aking mga kaibigan na nakilala dito sa wattpad. Salamat sa encouragement and support 'Queens'. Lalong lalo sa editor at co-writer ko leleleah. Salamat sa effort at malasakit mo sa mga stories ko. Salamat sa encouragement, sa mga magagandang suggestions at mga magagandang inserted scenes at dialogues na inilalagay mo everytime na nag-eedit ka kaya nagugulat ako dahil napapaiyak mo ako sa mga inilalagay mo. Salamat sa pagpupuyat sa pag-eedit, kahit lagi kang busy sa school ay isinisingit mo. Kahit mala TOM and Jerry tayo minsan but still di mo ako iniwan sa ere. Kyahahaha! Alam ko sa ating dalawa ikaw ang mas epektado at mas maraming iniluha at mas maraming naubos na tissue dahil tulad ko sobrang napamahal na si FM sayo. Salamat ng marami.

Most of all sa Panginoon, for giving me this once in a lifetime opportunity.

To all of my readers, friends and bestfriends, and wattpad. You're all blessings to me guys! The best kayo!

Oh sya! Ito na talaga! Sorry sa mahabang talumpati. Hahaha! Bow! Sadyang ganun lang ako. I value everything. Chos!

God bless us!

Enjoy reading everyone!

-TamaraYuuki (jho) ( ˘ ³˘)♡

******

***Epilogue***

I was walking back and forth inside my cottage. Kanina pa ako hindi mapakali. I was so dàmn nervous and excited at the same time. Paulit-ulit akong napapabuntong-hininga dahil sa kaba.

"Gabriel, will you calm down? Kanina ka pa pabalik-balik diyan. Ako ang nahihilo sa pinaggagagawa mo eh. Parang kang natatae na ewan. Maupo ka nga," sita ni Daddy sa akin.

I sat on the chair in front of him sabay kiskis ng mga palad ko at hilamos sa mukha ko. "Dàmn, Dad! Kinakabahan talaga ako!"

He rolled the newspaper that he was holding and hit me with it.

"Awww... Dad, naman!"

"Dalawang beses na kitang nakitang ganyan. Una ay noong unang kasal niyo ni Abby. Tapos heto ka na naman ngayon."

"Naman kasi, Dad, mas kinakabahan ako ngayon. Paano kung di ako siputin ni Abby sa kasal namin? Paano kung magbago ang isip niya at ayaw na pala niya akong pakasalan ulit? Paano kung iwan niya ako bigla?"

Faded Memories (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon