ELEVENTH ENTRY

4 1 0
                                        

Carl's POV

    Nakaupo ako sa sahig habang nakasandal sa side panel ng bookshelf. Tanging flashlight lang ang ilaw sa paligid habang kinakain niya ang siopao na dala ko. Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya kanina noong tanungin niya ako tungkol kay Misaki. Iisipin ko pa lang ang sandaling malalaman na niya ang katutuhanan tungkol sa 'kin, parang wala na akong mukhang maiihaharap pa sa kanya.
    Kaya ito ako ngayon, tahimik lang na binabantayan siya buong gabi. Alam kong alam niyang umaaligid lang ako sa paligid dahil kinakausap niya pa rin ako kahit hindi ako sumasagod at nagpapakita. Sa boses niya, ramdam ko ang kanyang kalungkutan. Kahit nasasaktan din ako, hindi ko talaga kayang iharap ang sarili ko sa kanya.

    Nagtanong siya tungkol kay Misaki, kaya hindi malabong may alam na siya tungkol sa nangyari. Ang pagkakamali ko noon ay bunga ng pagiging immature at kasakiman. We were young and reckless back then. Akala ko noon, maaari ko nang banggain ang kahit na sino. Hindi ko man lang inisip kung anong mararamdaman ng ibang tao o anong magiging kahihinatnan nito.
    Kahit ako mismo, hindi ko pa kayang patawarin ang sarili ko, paano na lang kaya si May? Hindi ko alam kong matatanggap pa niya ako sa kabila ng lahat. Minsan na rin niyag nabanggit sa 'king isa ako sa dahilan kaya siya nagsusulat, ang kanyang inspiration, ang dahilan kung bakit nagpatuloy pa rin siya sa kanyang pagsusulat kahit hindi pa siya handang ibahagi ito sa ibang tao.

    Natatakot akong magbago ang lahat ng pananaw niya tungkol sa akin sa sandaling malalaman na niya ang sinapit ko. Bilang iniidulo niya, ayaw kong biguin siya, ayaw kong masaktan siya. Akala ko mamamatay rin ang damdamin kasabay nang pagiging multo, ngunit bakit sobrang sakit ng nararamdaman ko? Kahit hindi na tumitibok ang puso, bakit nararamdaman ko pa rin ang pagkirot nito?
    Hanggang ngayon minumulto pa rin ako ng nakaraan at hindi ako pinapatahimik ng aking pagsisisi. Ang pagsisisi sa sarili ang dahilan kung bakit napatawad ko si Anthony sa kabila ng pagkitil niya sa buhay ko. Ayaw kong isisi kay Anthony ang lahat, ang pagiginggahasa ko noon ang siyang dahilan kung bakit hindi ko na matutupad ang pangarap ko bilang isang manunulat. Walang ibang dapat sisihin dito kundi ang naging maling desisyon noon.

    Dumating na naman ang panibagong gabi na mag-isa akong tumambay sa abandonadong silid. Dumungaw ako sa labas habang nakapatong ang mga braso ko sa bintana. Napaangat ako upang tingnan ang kabilugan ng buwan. Maaaninagan ang buong kapaligiran sa sobrang liwanag na dulot nito na parang nagsisilbing light post sa gabi. Wala man lang akong nakikitang bitwin, ngunit ngayon ko lang na-realize na ang ganda pala pagmasdan ang mga ulap sa gabi.
    Ilang araw na ang nagdaan simula noong gabing nasa library kami ni May, hindi na ako nagpapakita sa kanya at pinagmamasdan ko lang siya sa malayo. Hindi lang ang kakayahang makita ako ang mayro'n si May, nararamdaman din niya ang presensya ko, dahilan kaya sa malayo lang ako nakamasid sa kanya. Sa ngayon, wala pa akong lakas ng loob para harapin siya.

    Napabuga ako ng hininga saka napailing nang narinig ko ang pagaspas ng kanyang pakpak. Umalis ako sa bintana saka umupo sa nag-iisang upuang nakatayo at hiwalay sa mga nakaambak ring upuan. Paparating pa lang siya, naba-bad trip na ako.
    "Hello, my Friend." Pagbati niya habang nakaupo siya sa bintana at nakasandal sa gilid nito kasabay ng paglaho ng kanyang mga pakpak. Kahit wala sa kanya ang mga mata ko, alam kong nakatingin siya sa 'kin habang mayroon na namang pilyong mga ngiti.
    "Shut up. We're not friends." Sabi ko sa kalmado lang na tono. Parang wala na akong lakas upang sigawan siya at ipagtabuyan. Useless din naman kong gagawin ko 'yon, hindi naman siya naaapiktuhan at sarili niya mismo ang masusunod kung kailan niya ako balak tantanan.

    "Ano na naman ba'ng kailangan mo, Kai?" Pagtatanong ko. Kahit kalmado, may diin.
    "Is it really that bad if I check on you?" Muli akong napabuga ng hininga pagkatapos ay nagmasahe ng sintido. Mas lalong sumasakit ang ulo ko kapag nand'yan siya.
    "It's not necessary. So, go away." Nasabi ko na lang kahit alam kong hindi niya ako susundin lalo na't hindi ito naayon sa gusto niya. Bumaba siya sa bintana at sumandal doon, nagkrus ng mga braso pati mga paa. Nagpapahiwatig lang ito na gusto niya pang manatili. Goodness, this guy!

GhostWriter - Confession Series 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon