Mayladelle's POV
Nakasiwang ang bibig ko habang walang tigil ang pagdaloy ng aking mga luha. Inilagay ko sa aking tabi ang siopao saka tumayo paharap sa kanya. Matagal ko siyang hinintay at hindi ako makapaniwalang sa wakas ay nasa harapan ko na siya. Hindi ko inaalis ang paningin ko sa kanya, kahit pagkurap ayaw kong gawin. Natatakot akong baka sa isang kisap mata ay maglalaho na naman siya.
Bumaba siya sa bintana, sinundan ko siya ng tingin hanggang sa paglalakad niya palapit sa kinaruroonan ko. Nakapamulsa at naka-smirk pa ito.
"I can't believe you're still cute even when you cry." Sabi niya nang tuluyan siyang nakarating sa harapan ko. Parang ang kalungkutan na nararamdaman ko ay nadagdagan ng inis.
Dahil sa inis ay walang anu-ano'y sinampal ko siya. Sa sobrang lakas nito, napalingon siya sa kanyang right side. Pagkatapos, muli siyang humarap nang nakanganga, may namimilog na mga mata at nakahawak sa kanyang pisngi na tinamaan. Halatang hindi niya inasahang gagawin ko 'yon.
"Hey, that hurts!" React niya. Napakuyom ako sa galit saka agad hinila ang isang tainga niya na may pagkurot.
"Walang hiya ka! Ang tagal kitang hinintay! I deal with your fans and bashers almost every day, and here you are just slacking off! And you even plan to leave your responsibilities to me!" Nagagalaiting sabi ko nang hindi binibitawan ang kanyang tainga.
"Aray ako! Oo na, kasalanan ko! Sorry na!" Namimilipit siya sa sobrang sakit, nakalimutan niya tuloy'ng kaya niyang patagusin ang kanyang katawan sa kahit anong bagay. Binitawan ko siya ng patulak. Hinimas niya ang kanyang tainga habang naka-pout, habang hinahabol ko naman ang aking paghinga.
Napaka walang modo! May pa-smirk-smirk pa siyang nalalaman d'yan, habang ako 'di ko na alam kung saan siya hahanapin! Bwisit talagang multo 'to!
"Sorry na." Sabi pa niya na parang nagpapaawa. Dahil do'n, mas lalo lang akong humagulgol na parang bata, nakaangat ang ulo habang nakapikit ng madiin.
Agad niya akong niyakap, pero hindi ko pa rin magawang tumigil sa pag-iyak. His hug was so tight. Even though he’s just a ghost, I could still feel the warmth.
"I know it’s all my fault. I was afraid you’d hate me if you learned the truth. I shouldn’t have doubted you from the first place. I’m sorry." Unti-unting humihina ang paghagulgol ko. Sa mga sinasabi niya, hindi malabong alam na niyang natuklasan ko na ang tunay na nangyari sa kanya. Dahil do'n, niyakap ko rin siya. After all, hindi ko talaga siya kayang tiisin, nami-miss ko na siya.
Nakaupo ako sa sill ng bintana gaya ng palagi niya ginagawa habang nakatayo lang siya sa gilid ko. Nakapatay pa rin ang ilaw at ang light post sa labas lang ang nagsisilbing liwanag sa aming dalawa.
"Pa'no kita maiiwan niyan kung ganyan ka?" Pagbibirong sabi niya. Napatingin ako sa alapaap, madilim ang kalangitan dahil walang buwan, ngunit ang daming bitwin. Ibig sabihin, darating talaga ang araw na aalis siya.
"I also write horror novels. Would you like to read one?" Iniba ko ang topic. Ayaw ko kasing maiiyak na naman sa sinabi niya. No'ng lumingon ako sa kanya, nagtama ang mga paningin namin.
"Really? You'll let me read some of your works?" Nakangiting sabi niya. Mas lalo akong napatitig sa kanya. Shocks! Ang guwapo. Kung nabubuhay lang 'to, jojowain ko talaga 'to kahit pa ako na mismo ang manligaw sa kanya.
Napaiwas ako ng tingin. Dahil sa pangungulila ko sa kanya, kung anu-ano na tuloy ang pumapasok sa isip ko.
"Yeah. No problem." Since ako ang napili niyang maging successor, kailangan ko ring patunayang karapat-dapat ako sa posisyon. Masarap din naman sa pakiramdam kung siya, na idol ko ang aking magiging unang beta reader.
Kinabukasan, dinala niya ako sa isang lugar na mataas at kita ang kabuuan ng syudad. Sobra akong namangha. Ngayon lang ako nakapunta sa lugar na 'to. Doon kami dumaan sa may gate, sa likod ng GLU. Mabuti na lang talaga at 'di kalaunan, pumayag rin ang guard na naka-assign doon, kakakumbinsi ko.
Puro mga malalagong puno ang nadaanan namin bago kami nakarating dito. Ang paaralan kasi namin ay ang pinakahuling bahagi ng syudad. Ikinuwento ni Carl sa 'kin na kay Anthony daw niya nalaman ang lugar na 'to. Speaking of Anthony, nagkikita pa kaya sila? Alam kaya ni Carl na isang guro na si sir Anthony ngayon?
BINABASA MO ANG
GhostWriter - Confession Series 2
ParanormalCarl's spirit has been haunting the university for years, unable to understand why he can't move on to the next world. But as it turns out, he's not just any restless ghost, he's also a famous Wattpad writer known by the penname GhostWriter. Carl al...
