Mayladelle's POV
As I flipped through Sir Anthony’s diary, it felt like the air got sucked out of the room, the weight of his secrets pressing down on me. Back then, Sir Anthony and Misaki were deeply in love, but their relationship hit trouble because of Ayan, who had been interested in Misaki for years and couldn’t accept the bond between the two.
Matagal nang may nararamdaman si Ayan kay Misaki, ngunit kailanman ay hindi ito nasuklian, kaya napuno ng sama ng loob si Ayan. Nang malaman niyang naging magkasintahan na sina Misaki at Anthony, lalo pang tumindi ang kanyang galit. Doon nagsimula ang malaking delubyo sa kanilang buhay. Dahil sa sama ng loob, kasama ang kanyang mga kaibigang sina Carl at Joseph, pinagtulungan nilang saktan si Anthony.
Binalaan ni Ayan si Misaki na kapag hindi niya iiwan si Anthony, patuloy nilang sasaktan ito. Isang gabi, dinala ni Ayan kasama ang kanyang dalawang kaibigan si Anthony sa isang abandonadong silid-aralan. Habang nakagapos si Anthony at akmang hahampasin na siya ng mabigat na silya ni Ayan, humarang si Misaki at aksidenteng siya ang natamaan.
Isinugod si Misaki sa hospital ng mga panahong 'yon. Kaya lang, agad din itong binawian ng buhay makalipas ang ilang araw. Sobrang nalungkot si Anthony at parang ayaw na niyang mabuhay pa. Labis ang kanyang pagkadismaya nang hindi nanagot sa batas ang tatlo dahil sa minor de edad pa lamang ang mga 'to. Dahil na rin siguro sa mayaman ang pamilya ng tatlo at marami itong kuneksyon sa gobyerno. Simula noon, nagbago na ang dating makulit at masiyahing si Anthony. Dahil sa kanyang galit ay napatay niya ang tatlong magkakaibigang sina Ayan, Joseph at Carl.
Hinahabol ng mga pulis si Anthony habang sakay ng kanyang bisikleta, nang biglang nabunggo siya sa isang malaking delivery truck sa harap ng GLU. Iyon ang dahilan kaya siya na-comatose sa loob ng ilang taon. Habang si Anthony ay walang malay sa ospital, nanatili ang kanyang kaluluwa sa lugar kung saan naganap ang aksidente. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit naging magkaibigan sina Anthony at ang tatlo.
Bigla kong itiniklop ang notebook na binabasa habang nangingilid ang aking mga luha. Lahat nang sinabi ni Kai ay tumugma sa nilalaman ng notebook na 'to. Hindi ko na alam kung sinong dapat sisihin.
Tumayo ako mula sa kama at naglakad papuntang bintana. Malalim na ang gabi, ngunit hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Napatingin ako kay Cora na mahimbing na natutulog habang humihilik. Paano kaya nalaman ni Kai ang tungkol kina Anthony at Misaki?
Ibinalik ko ang tingin sa labas ng bintana. Alam ko na ang nangyari sa buhay ni Carl bago siya namatay. Gayo'n pa man, gusto ko pa rin siyang makita at makausap. Handa pa rin akong makinig sa kung ano ang side niya. Dahil sa pag-iisip, tuluyan nang bumuhos ang luhang kanina ko pa pinigilan.
Tinakpan ko ang aking bibig upang hindi makagawa ng ingay. Ayaw kong magising si Cora dahil sa paghikbi ko. Gusto kong sabihin kay Carl na hindi pa rin nagbabago ang pagtingin ko sa kanya, siya pa rin ang malikhaing manunulat na iniidulo ko. Kaya sana, magpakita na siya sa 'kin.
"Sir Anthony!" Sigaw ko kasabay ng aking pagtakbo sa corridor patungo sa kanyang kinaruroonan. Napahinto siya sa paglalakad at lumingon sa akin. Hinintay niya muna akong makalapit sa kanya bago muling pinagpatuloy ang paglalakad. Sumabay na lamang ako sa kanya habang hinihingal. Gusto ko lang kasi siyang makausap.
"My bad, I still have a class I need to attend." Hindi pa nga ako nagsalita, pero inunahan na niya ako na para bang alam na niya ang sasabihin ko sana.
"If you want to talk about something, just wait for me at the food court around 6:00 p.m. That's the only free time I can give you." Dagdag pa niya.
"Sige po." Tipid na sagot ko. Huminto ako habang pinagmamasdan ko siyang nagpatuloy sa kanyang paglalakad. Isusuli ko na ang notebook na pinahiram niya sa 'kin at gusto ko rin siyang makausap at the same time. Naalala kong alam pala ni sir Anthony na isang sikat na writer si Carl, baka may alam siya kung nasaan na si Carl ngayon.
Matapos ang klase ko, agad akong nagpunta sa napag-usapang lugar namin ni sir Anthony. Masyadong maaga pa sa itinakdang oras ni sir, pero mas mabuti na 'to kaysa mahuli ako. Umupo ako sa pinakadulong upuan kung saan hindi ako masiyadong napapansin. Simula kasi no'ng nalaman nilang ako ang isa sa mga sikat na manunulat na si GhostWriter, nabawasan ang privacy ko.
BINABASA MO ANG
GhostWriter - Confession Series 2
ParanormalCarl's spirit has been haunting the university for years, unable to understand why he can't move on to the next world. But as it turns out, he's not just any restless ghost, he's also a famous Wattpad writer known by the penname GhostWriter. Carl al...
